Posts

Showing posts with the label writing

Bye-Bye Saranghae Korea Trip

Image
  Pupunta ako sa South Korea sa October 24-28, 2013!  DAPAT. #huhubells. Ready na ready naman na si Korean Visa :'( Napabili kami ng Ate ko, as in agad-agad, ng flight tickets papuntang Korea noong last November 2012 pa. Gustong-gusto ng ate ko mag-travel at fan na fan siyang tumingin at maghintay ng mga Piso travel fares ng Cebu Pacific. Natsempuhan, na noong araw na iyon – nagkaroon ng mga ultimate discount promo sa online website nila. P1 para sa local destinations at P99 lang para sa international. Travel period ay October –December 2013. Pasok sa sembreak ko, pwede naman mag-leave si Ate sa hospital duty. Nataranta kami bigla! Heto na! Matagal na naming dream ang makapuntang Korea, high school pa lang die-hard fan na kami ng mga koreanovela at movies – malakas kami mag-marathon nito , die hard fan ako ng Kpop songs at ang mga hottie but ultra skinny boys pero may abs, fan kami ng BB Cream at mga Korean make-up, fan ako ng Korean ice cream, gusto namin m...

Matindi at Masayang #ThrowbackThursday!

Image
May project kami sa Marriage and Family, e-family scrapbook. Kaya kagabi napahalungkat ako sa folders sa 600gb na hard drive. Buti na lang napakasipag ng Tito ko (miss na kita Tito, bisita ka rito)  na na-collate per year ang lahat ng pictures ng pamilya namin. Nakita ko ang mga pictures noong 10 yrs old ako. #tbt. Ang cute, cute, cute ko pala noong bata ako. Tinitignan ko ang sarili ko, mataba at masaya. As in, ibang smile talaga!   yun oh! CUTE. :)) Heto ang mga panahon na wala akong inaalala. Sa pagkakatanda ko, summer ito sa Amerika.  Kain at tulog, napupuyat ako sa kakanood ng Disney channel. Hindi pa uso ang to-do list sa murang edad ko. O walang magagalit na ka-grupo (o hindi ako magagalit) kapag hindi nakapag-contribute sa kung ano-anong paper na actually, sayang lang sa ink at papel. Nakaka-miss ang mga panahon na gumigising ako ng maaga, hindi para tapusin ang school works kundi dahil inuunahan ko sa computer ang ate ko para maglaro ng Sims 1....

Worst Birthday Ever

Image
Gustong-gusto ng nanay ko na mag-aya at subukan ang mga bagong bukas na kainan/restaurant dito sa may amin. Tuwing nakasakay kami sa kotse, automatic kakalabitin niya ang tatay ko, kapag may nadaraanan kami. At madalas, tinatapat na namin ang pagkain sa labas tuwing birthdays, mother’s day, father’s day, graduation at kung anu-ano pang holiday. 5 years old ako nang lumipat ang pamilya namin dito sa Paranaque. Humiwalay na kami sa bahay ng lola ko sa V. Mapa, Caloocan. Residential area itong Better Living, ang subdivision namin ay nasa loob ng subdivision na nasa loob pa ng isang subdivision. Kabi-kabila ang mga security house, lahat ng bahay may gate, may kotse, tricycle lang ang tanging public transportation sa loob, sementado ang daan, alaga ang mga kung anu-anong klase ng damo at tahimik, sa hapon lang lumalabas ang mga ka-edad kong mga bata. Kadalasan 4-6 pm lang ang laro. Nakakapanibago. Lalo na kung ikukumpera sa V. Mapa, walang subdi-subdivision, paano isang bloke lang ka...

Akuin Mo

Ngayong madaling araw, karamay ko ang natirang chocolate cake at tissue. Baka tumaba na naman ako. At puyat na nga, baka sipunin pa. Putang ina.           Sabi na eh. Bata pa lang ako, sakit ko na ‘to. O terminal disease. ‘Yun tipong aakuin mo ang trabahong di sa’yo. Dahil ayaw mong ma-tengga o pabayaan ang mga bagay. Parang ganito. Aakuin mo. Kahit wala ito sa schedule mo. Ipipilit na gawin kahit mas gusto mong matulog sa dis-oras ng gabi. Hindi ititigil kahit nahihirapan. ‘Pag hindi alam, patitiyagaan pag-aralan. Pare-pareho naman busy. Kung walang tumulong, sumalo, maki-ako kasama mo. Okay lang. Sanay ka naman. Bakit mo nga ba inako? Kasi hindi raw sila magaling dito. Ikaw rin naman hindi expert. Nakagawa ka na pero nangangapa pa. Magpapatulong ka sa mga kaibigan mo. Mahirap gumawa ng para sa ibang tao. Ano bang style nila? Kailangan hindi ‘yun sa’yo. Masyadong makulay. Maliwanag, masaya. Mahihirapan ka. Lalo na ‘yun background, makaka-il...

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay

Image
Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay (book review ata haha!) Si Sir Jarin, napamahal (mahal talaga?) na siya at naging malapit sa barkada ko. Mula nang bumisita siya sa klase, hanggang sa naimbitahan namin siya manood ng school play namin. Naging ka-chat at ka-like-an sa Facebook. At sa grupo namin, ako pa lang ang nakakabasa ng kanyang libro. Nauna na kasi akong nakapunta sa soft book launch niya sa UP Diliman. (minor spoiler) Kaya naman excited kong binalita na, “Pumasok pala ng kumbento si Sir? Grabe, isang taon!”. Isang malaking “WEH” ang narinig ko.  Sa katunayan nga, napasimba ako noong hapon matapos kong mabasa ang ‘Kumbento’. Hindi ko alam, parang kailangan ko lang magsimba. Kaya naman pala panay like ni Sir ng mga religious post sa Facebook. ‘Yun pala ang hugot niya, nalaman ko kung saan siya nangagaling. Hindi lang talaga halata, hahahahaha (peace po)! Pero ngayon, nalaman ko rin kung paano siya naging ganito katatag. Sa totoo lang, kahit m...

Ate Mangga at Kuya Avocado

Kaninang umaga napadpad ako sa Tayuman, sa sidewalk papuntang LRT at kaunting lagpas lang mula sa SM San Lazaro. Sa kaliwa, isang buong hilera ng religious shops. Rebulto nila Jesus Christ, Mama Mary, Pope at lahat ng santo. Prayer books, rosaryo at mga parapernalya sa misa. Dito ko rin nabili ang mini glow in the dark na Papa Joseph at Papa Jesus na kasinglaki lang ng thumb ko at katabing matulog, pati na ang laging suot na red rosary bracelet. Pero mas madalas, naaliw ang tingin ko sa bandang kanan. Kung saan sinasakop ng mga kariton ang isang lane ng dapat sanang 4-lane na kalye. Gustong-gusto kong naglalakad rito, bukod sa may mini palengke  kung saan nakalagay ang mga isda sa plastic na timba, maraming prutas. Iba’t ibang klase, lahat sila may kanya-kanyang puwesto. Kanya-kanyang alok ng mga tindera na nakaupo pa sa ever-ready nilang plastic chairs.   Dinadaan-daanan ko lang ang mga chico, papaya, pinya, apple, orange etc dati. Pero kanina habang nakakunot ang ...

Aircon Bus at Holding Hands

Gusto kitang makatabi sa malamig na bus habang palalim na ang gabi. Nais kong malaman kung dahan-dahan bang gagapang ang kamay mo para abutin ang nanlalamig kong kamay.  Kung sa ilang minute ay hindi mo inabot ang akin, kamay ko na lang ang dahan-dahan gagapang, para habulin ang init ng sa iyo. Gusto kita makatabi sa malambot na 2-seater aircon bus sa palalim na gabi. Isasandal ko ang ulo ko sa balikat mo. Hindi ka gagalaw ng marahas para itaboy ako at sadyang ipatama ang shoulder blades mo sa noo ko. Kahit pa amoy usok na ng jeep ang mahabang buhok na kinonditioner pa kaninang uamga. Gusto kitang makatabi sa hindi mataong bus, walang nakatayo at pilit sumisiksik sa aisle. Ikaw na ang dudukot ng wallet at magbabayad ng pamasahe natin kapag nakatulog (o nagtutulug-tulugan) ako. Gusto kitang makatabi sa bandang likuran ng bus, habang napapasarap ng ng nood ng kung anong local late night show sa tv si kuya konduktor. Heto na ang hinihintay ng marami, ang solong-solo niyong dala...

Kailangan Isulat

Ang dami kong kailangan isulat. ‘Yun sa Chronicle, ‘yun pang-workshop, para sa blog, para sa akin. Bakit hindi ako nagsusulat? Bakit ang daming nasa utak ko na hindi ko mapiga? Ba’t nauunahan ako ng takot, tamad at inis bago ang pagsususlat? Pakiramdam ko hindi matino ang writing ko ngayon. Parang may sobra, parang may kulang. Sobra na ang dami kong nalaman kaya super censor ang ginagawa ko sa sarili. Kulang, kasi hindi buo ang thoughts sa utak ko. Pressure at expectations. Hindi ako makasulat ng maluwag. Nasa isip ko ngayon, dapat maganda, dapat worthy, dapat okay na. Dapat hindi ako mapahiya. Dapat may maipakita akong galing sa iba. AYUN. Wala tuloy akong masulat. Dahil hindi naman lahat ng isusulat ko, ganun ang resulta. Hai. Nakakainis. Pigil na pigil ‘yun isip ko. Dapat ganyan, dapat ganito. Dapat matapos ng ganito, dapat ganitong karaming pages. Dapat ganito ang theme, dapat ma-post ko by ganitong date. Ang daming DAPAT, na nagiging mahirap. Sa araw-araw ...

Totoo pala ang *toooot*

Totoo pala ang censorship. Yeap, June 4, 2013 nang mapatunayan ko ito. Censorship. Hindi ako maka-relate dito dati. Oo, alam kong may censorship, pero sabi ko “naku, sa professional world lang ‘yun’. Ay mali. Huhuhu, mali pala. May mga tao at nasa posisyon pala ang babatikos at babatikos sa lahat (at kahit ano), lalo na kung kinakailangan mo ng pirma, approval o go signal. Bakit naapektuhan ng tatlong salita ang lahat? Paano ako naging insensitive sa mga salitang ‘yun? Anu-anong bagay ba ang mga kailangan ipa-proof read? Gaano nga ba ka-liberal ang ‘liberal’? Makakagalaw ka bang talaga sa loob ng ‘academe’? Maisisingit mo ba ang F-U-N sa professional? Nasaan ang limitasyon ng creativity? NASAAN? Hindi naman ako galit. Alam kong may mali ako, at alam ko rin (ngayon lang nga tumatak) na kailangan i-screen at i-filter ang mga bagay. Hindi galit, inis. Nakakainis. Kung kailan ang dami nang napa-photocopy na komik strip, tsaka pa kailangang i-edit. Syempre, hind...

Neneng

Image
Nakasakay ako sa UV Express shuttle van na mula Bicutan hanggang Lawton last Monday nang may madaaanan na isang laundry shop sa Bautista o Leon Guinto ng Brgy. Palanan, ewan ko lang kung Makati o Manila na ito. Bigla kong isinulat sa hawak kong notebook ang pangalan ng laundy shop. Na-intriga talaga ako sa pangalan ng store nila. Parang ganito pa nga ang font style ng signage.. Naisip ko lang, “Kawawa naman si Neneng, pinaglalaba na agad.” Malamang kung talagang pinaglalaba si Neneng, sa batis siya pupuwesto. Matapos niyang lakarin ang ilang kilometro ng masukal na gubat at matalahib na patag mula sa kubo nila.  Dala-dala niya ang isang malaking batya. Hindi ‘yun plastic, pero ‘yun malaking tansa. Uupo siya sa malaking bato sa tabi ng batis. Kaya ganyan ang naisip ko, sa probinsya ko kasi naririning ‘yun 'Neneng'.   Dahil nasa Makati/Manila siya, kawawa naman si Neneng. Sa murang edad, sinasabak agad sa mga washing machine na may Clorox at litr...

Summer tas may sakit? Really?! + OJT

Ngayon ko lang hindi nalasahan ang Vienna sausage. Ngayon ko lang din binitawan ang patis dahil para san pa? Kung di ko rin naman malalasahan. (Ang weird ata ng intro ko haha. Super weird.) Anyway.. Napapagod na siguro ako. Sa isang linggo, anim na araw akong umaalis ng bahay. Monday to Friday na OJT at writing workshop sa Saturday. Para makapunta sa on-the-job training ko sa malaking network na may makulay na puso, 3 sakay ang kailangan kong gawin. 30 mins na tricycle (oo, dito sa side na ‘to ng Paranaque lang ako nakakaranas ng napakahabang tricycle ride), 30 mins na skyway jeep at 30 mins na MRT. Minimum 1 ½ hours ang byahe ko, 2 hours pag na-trapik.  2 ½ hours naman ang  ang masasayang sa buhay ko, kung uuwi ako ng 6pm at makikipagsabayan sa uber tinding rush hour. Kaya madalas minamabuti ko nang late umuwi para mas mabilis ang biyahe. One time, nakauwi ako ng 10:30 pm, sakay ng ordinary bus mula Kamuning-Edsa, hanggang Bicutan, Paranaque. Hindi ko mabi...

Shhh, tulog na

Sasabak ka na naman sa puyatan. Kung kasama siguro kita sa mga oras ng disoras ng gabi.. Guguluhin ko ang basa mong buhok na kakagaling lang ng shower. Malamig na shower pampagising. Mamasahihin (o chochop-chopin) ko ang mga balikat mo para di ka na kumuba sa harap ng monitor. Pagtitimpla kita ng kape pero bago ko iabot ito, mabilis kong ididikit ang napaka-init na tasa sa iyong braso. Tunay na pampagising. Maaring manlaki ang mata mo at mainis ka sa akin. Kapag pagod ka na sa kakabasa, saglit kong idadampi ang aking labi sa talukap ng iyong mga mata, pagtanggal mo ng salamin. Malamya kong sasampalin ang mga pisngi mo, dahil wala nang epekto ang pang-ilang mong kape. Tsaka malarong pipisilin at marahang hahalikan ang magkabilang kambal. Ibubulong mo sa akin, “tulog na”, sa pagbagsak ng aking mga mata, kasabay ng pagbagsak ng ulo sa lamesang puno ng mga nasulatang papel. Tatayo ako mula sa silyang kaharap mo. Iiwan kita. Makakatulog ako ng tatlo o apa...

Kahit Hindi Gwapo

Image
HINDI ka gwapo, matipuno o macho. Kahit anong pilit, laging kang talo. Compared sa ultimate baby face ni Dennis Trillo, at nakaka-kilig na dimples ni Diether Ocampo. Ay susko! Itabi pa ang tyan mo, sa poging abs ni Papa Piolo. Huwag ka rin tatabi ng hubo’t hubad, sa makalaglag panty na si Paulo Avelino. Pero hindi! Hindi magpapadala sa tukso! Ikaw pa rin ang tanging boto ng puso. Dahil para sa akin, mas yummy ka pa kaysa kay Coco! Sabi kasi ngayon,  ‘bagong gwapo’ ang  mga hindi namamansin, pana’y ngiti lang at tingin. Inshort, gwapo ang mga tulad mo, Ubod nga lang ng suplado! He! * Para sa lahat ng nangangarap na mahawakan ang mga katawan nila Dennis Trillo, Diether Ocampo, Papa Piolo, Paulo Avelino at Coco. HAHAHAHAHA. Number one na ako run!  ^ hihihihihi, COCO! <3 

Letter to Emily

Mababasa rito ang 'Nang Gupitin ni Emily ang Sariling Buhok' -->  http://omaygash.blogspot.com/p/emily.html Kahit hindi ako confident sa istoryang to, gusto kong itaguyod si Emily. Gustong makwento ang istorya niya. Naiisip kong palitan, baka hindi ako manalo dito. Kaya ko pang palitan. Pero ayaw ko talaga. Mas okay na sa aking hindi manalo basta maisulat lang ito. Iba si Emily. Boses siya ng ibang babae ng ating henerasyon. Hindi ko alam kung mabait ba siya o masama. Bobo o mapangsamanatala. Ang alam ko lang, katulad naitng lahat, nahihirapan siya. At may mga bagay na pinagdaaaanana natin sa buhay na kailanganng sabihin. Isambulat. Sa tingin ko isang mirror si Emily ng dalagang Pilipina, kahit pa man pangit ang maging pagkakasulat ko ng istorya. Hang in there, Emily. Tatapusin kita. Tatapusin ka ni Giselle. You are my baby. No regrets tayo diba? NO REGRETS EMILY! KAHIT ANONG MANGYARI!  Magkasama tayo dear. * Mga 2 days before ng deadline, marami pa ...

#Ngiti

Pagkalabas ng Jollibee. Pinigil kita. Bago tumawid sa intersection na madilim at puno ng jeep. Inangat ko ang kaliwang kamay, Dahan-dahan. Slowly but surely. Dahan-dahang, nilapat sa kanan mong pisngi. This is it! No room for pagtitimpi. Ginantihan ko ng malaking ngiti ang kumorbang ngiwi. Your eyes, medyo naging big. Medj lang. Siguro’y nagulat at nagtaka (pero sana’y dahil sa kilig) Dahil nang makaramdam ng lambot ang mga daliri, hindi ka lumayo, umiwas o gumilid. Pero hindi napapahaba ang mga sandali, hind rin blockbuster movie ang life para magslow-mo ang paligid. Kahit na. Keri lang beh! Naglakad akong palayo, malakas ang kabog ng dibdib. tugtugtugtugtugtugtugtug Ramdam ko ang pagkahulog ng loob. Swear, hindi ko sinasadya, hindi pilit. Patuloy na naglakad, kahit maraming tambay sa gilid, di mapigilan. To further elaborate, I just can’t resist. Tumataginting na laki ng #ngiti #ngiti #ngiti. First draft on 2...

Tide (of the Ipis)

‘Pag bumuhos ang malakas na ulan sa UST. Taranta. Di lang estudyante, pati na rin ang mga ipis. Isa-isang, dose-dosenang  nag-uunahan, nagkakandarapa palabas sa butas ng manhole. Tumatakbong, palayo. Nakikisilong sa ilalim ng carpark. Pero unfair din pala ang buhay, kahit sa ipis. Nang ang mga naka-Accountacy uniform, skirt na hapit, makinis at shaved legs, makintab, itim ang sapatos na may matataas takong, Sabay-sabay na tumiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! “AAAAAAAAAAAAYYYYYY!, EWWWWWWW!” Tili ng tili. Para mapapatunayan ang pagkababae o pagkamayaman o pagka-duwag. Sabay, APAK! Apak pa ulit. Talon, sabay apak. ‘Pag may napatay, mas matining na tili. Di man lang nag-isip, naunahan ng diri. Na ang mga ipis na maliit, nais lamang lumisan sa takot ng baha at malakas na ulan. Dahil sila’y giniginaw din. *True story. March 22, 2013 sa UST carpark.  Ang sarap lang sampalin nila Ate, wala ba silang puso?! Ano bang g...

Makakasulat din ako ng love story

Hindi ako maka-sulat ng love stories. Ewan ko, pero hindi talaga. Ang hirap. Todo-effort. Siguro kasi, hindi pa ako nai-inlove. As in ‘yun pure, to die for, kind of love. Or baka hindi lang kaya ng DNA ko magsulat ng nakakakilig na pagmamahal. Wala pa. Kahit ilang dosenang love pocketbooks na ang nabasa ko, kapag kaharap ko na ang keyboard o bolpen at papel. Walang mga pusong kinikilig sa story lines ko. May kaunting love story, pero hindi ko ma-expound ang story line. Mga isa o dalawang scenes lang ng ‘relationship’ kuno nila. Huhuhu. At eto pa, mas madali para sa akin magsulat sa point-of-view ng lalaki. Dahil ba mataas ang androgen ko? Ang weird. O kaya third person point-of-view. Ba’t ganun? Dapat ata, mas okay ako sa point-of-view ng babae dahil babae naman ako. Pero tuwing ginagawa ko ‘yun, personal essay na ang lumalabas. Katulad ngayon. Hai. I must, I must try.

Kuya Tricycle sa Tapsilog Avenue

‘Medyo sad’ kumain ng mag-isa. Wala namang problema sa akin ang mag-isa. Pero sa panahong tulad nito, na mag-isa lang ako sa dorm (ilang araw ko na kasing inaasikaso at binabalik-balikan ang litsugas na medical certificate na ‘yan for OJT, x-ray na lang ang kulang ko tas ang lakas pa magcut-off ng “first 100 per day” sa Health Service. Eh buong Thomasian community ata nagpapa-physical exam. Ughhh.) habang ang ibang kaklase ko ay nasa beach/ out-of-the-country at/o feel na feel ang semana santa. Kaya kanina, naglakad ako sa Dapitan. Bago makarating sa aking patutunguhan na Tinapayan Festival, nadaanan ko ang Tapsilog Avenue. Matagal nang napagusapan namin sa dorm na kakain rito, pero dahil solo flight na ako nang ilang araw, last week pa. Minabuti ko nang unahan sila (o wala lang talaga kasi akong kasama). Pagkaupo ko sa maliit na open resto, ang kasama ko lang ay ang tatlong empleyado na bored na bored sa kanilang matching green uniform tshirts. Lahat sila abala sa pagte-...

Sinandomeng

Limang minuto ko nang kinukuskos ang mga plato, kutsara’t tinidor, ihalo pa ang kaldero ng champorado kaninang agahan. Matagal  at kinakailangan ng mahabang pasensya lalot’  mahina lang ang bukas ng gripo. Tipid na tipid sa tubig, kahit may Nawasang naghihintay sa tubo.   Nakakaya ng Joy ang sebo, pero hindi ang nanigas na butil ng Sinandomeng. Si Cecil lagi ang nagpriprisentang magligpit.  Laging masinop at kailanman di nagpapabaya. Pero pagkarating ko ng apartment, mga hugasin ang sumalubong sa akin. Sa kuwardrado at maliit na kwarto, walang bakas ng pambabaing gamit. Mas kapansin-pansin ang espasyo sa gawing kanan ng kuwarto. Wala ang kabundok niyang maruming damit. Hindi na hinintay ang Surf sun fresh at Downy passion na ipinabili sa akin. Pati ang panty na kaninang umaga lang isinampay, kinulang ng pasensya para hintayin mabagal na pagpapatuyo. Kanina, bago ako makalabas ng pinto, kinalabit ako ni Cecil. “Kalian mo ba ako pakakasalan Raymo...

(hindi) Takot

Dream guy ko ang rapist. Nanlilisik ang mga mata. Hindi mapakali. kamot sa ulo, panay tingin sa relo, tumutulo ang pawis. Naghihintay, Naghihintay. Naiinip, malaki ang ngiti. Dream guy ko ang mukhang rapist. Pagkakapal-kapal ng bigote’t balbas, pinagsungitan siguro ng oras, para sa pag-aahit. Ebidensya ng tanda, mas matanda, ubod ng tanda Pakunsuelo na lang na hindi marungis at kahit papaano, amoy shower pa rin. Dream guy ko ang ugaling rapist. Suot ay laging itim, gising hanggang takipsilim. Ninanamnam ang pagluluksa, gin at kape ang nilaklak,  nilalaklak. Ipinalit sa mineral water para punan ang pusong nawasak. Dream guy ko ang nagpipilit maging rapist Ilag sa pag-ibig. Mas nais pang masiyahan sa sexual na panggagamit Pero ang puso ipinagdadamot, ipinagdadamot. Takot at pahamak lang daw ang maiaalay at idudulot. Dream guy kita. Teka, matatawag ka pa bang ‘rapist’? Kung ako naman ang nang-aakit, Pili...