Makakasulat din ako ng love story
Hindi ako
maka-sulat ng love stories.
Ewan ko, pero
hindi talaga. Ang hirap.
Todo-effort.
Siguro kasi,
hindi pa ako nai-inlove. As in ‘yun pure, to die for, kind of love. Or baka
hindi lang kaya ng DNA ko magsulat ng nakakakilig na pagmamahal.
Wala pa.
Kahit ilang
dosenang love pocketbooks na ang nabasa ko, kapag kaharap ko na ang keyboard o
bolpen at papel. Walang mga pusong kinikilig sa story lines ko.
May kaunting love
story, pero hindi ko ma-expound ang story line. Mga isa o dalawang scenes lang
ng ‘relationship’ kuno nila. Huhuhu. At eto pa, mas madali para sa akin
magsulat sa point-of-view ng lalaki. Dahil ba mataas ang androgen ko? Ang
weird. O kaya third person point-of-view.
Ba’t ganun?
Dapat ata, mas okay ako sa point-of-view ng babae dahil babae naman ako. Pero
tuwing ginagawa ko ‘yun, personal essay na ang lumalabas. Katulad ngayon.
Hai. I must, I
must try.
Comments
Post a Comment