Tide (of the Ipis)


‘Pag bumuhos ang malakas na ulan sa UST.
Taranta.
Di lang estudyante, pati na rin ang mga ipis.
Isa-isang, dose-dosenang
 nag-uunahan, nagkakandarapa
palabas sa butas ng manhole.

Tumatakbong, palayo.
Nakikisilong sa ilalim ng carpark.
Pero unfair din pala ang buhay, kahit sa ipis.

Nang ang mga naka-Accountacy uniform,
skirt na hapit, makinis at shaved legs,
makintab, itim ang sapatos na may matataas takong,

Sabay-sabay na tumiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!
“AAAAAAAAAAAAYYYYYY!, EWWWWWWW!”
Tili ng tili.
Para mapapatunayan ang
pagkababae o pagkamayaman o pagka-duwag.

Sabay, APAK! Apak pa ulit.
Talon, sabay apak.
‘Pag may napatay, mas matining na tili.

Di man lang nag-isip, naunahan ng diri.
Na ang mga ipis na maliit,
nais lamang lumisan
sa takot ng baha
at malakas na ulan.

Dahil sila’y giniginaw din.




*True story. March 22, 2013 sa UST carpark.  Ang sarap lang sampalin nila Ate, wala ba silang puso?! Ano bang ginawa sa kanila ng mga ipis? Biiiitch. (Galit eh, nagawan ko pa talaga ng tula.) 

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay