(hindi) Takot


Dream guy ko ang rapist.
Nanlilisik ang mga mata.
Hindi mapakali. kamot sa ulo,
panay tingin sa relo,
tumutulo ang pawis.
Naghihintay,
Naghihintay.
Naiinip, malaki ang ngiti.

Dream guy ko ang mukhang rapist.
Pagkakapal-kapal ng bigote’t balbas,
pinagsungitan siguro ng oras,
para sa pag-aahit.
Ebidensya ng tanda, mas matanda,
ubod ng tanda
Pakunsuelo na lang
na hindi marungis at kahit
papaano, amoy shower pa rin.

Dream guy ko ang ugaling rapist.
Suot ay laging itim, gising
hanggang takipsilim.
Ninanamnam ang pagluluksa,
gin at kape ang nilaklak,
 nilalaklak.
Ipinalit sa mineral water
para punan ang pusong nawasak.

Dream guy ko ang nagpipilit maging rapist
Ilag sa pag-ibig.
Mas nais pang masiyahan
sa sexual na panggagamit
Pero ang puso ipinagdadamot,
ipinagdadamot.
Takot at pahamak lang daw
ang maiaalay at idudulot.

Dream guy kita.
Teka, matatawag ka pa bang ‘rapist’?
Kung ako naman ang nang-aakit,
Pilit na nang-aakit.
Nagtatawag, na ika’y kusang lumapit.
at yakapin ako ng mahigpit.




February 12, 2013 

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay