'Pusong Bato' - karaoke, Manila Beer- Light, semento at pigurin
Mahilig
mag-karaoke ang kapitbahay namin. Alam naman sa buong kalye na sila ang medyo
hirap, pero sila ang pinaka-maingay. Karaoke na 'di Magic Sing, katulad ng nasa
katabing bahay namin. Karaoke with the pindutan of buttons pa. Pero hindi ito
tungkol sa karaoke-ng luma o ang estado ng aming kapit bahay. (although
magandang gawan ng storya 'un, sige next time)
Tungkol ito sa
'Pusong Bato', na naging official theme song sa mga karaoke place, kung saan
naghahalo ang kalasingan at ang karumal-dumal na ka-emo-han ng matters of the
heart.
Naka-2 replay na
ng Pusong Bato ang kapit bahay ko, at nakainom na rin ako ng 3/4 ng Manila Beer
- Light, na nilibre ng Lola ko galing 7 Eleven. (The rest, inabot ko na sa
tatay ko.)
Mukhang pwede ko
na sigurong talakayin ito.
Hmmm, pusong
bato. Heto ba 'yun mga unfeeling na tao? Wala naman atang ganoon. Palagay ko
sila 'yun feeling, pero nababatong magsalita o gumalaw. Maraming iniisip, pero
walang lumalabas sa bibig. Maraming gustong gawin, hindi alam kung paano.
Gustong sundan ang puso, pero nauudlot ng utak.
Pusong bato ang
mga gumagamit ng utak. Pusong bato ang mga gumagamit ng utak para pigilan ang
puso.
Parang semento
ang dikta ng utak, kaka-halo at kaka-isip. Kaka-isip, naghahalo-halo na tas
biglang papalibutan ang puso. Nakaraos ang isip at konsensya, pero ang emosyon
ng puso. Bato. O sige na nga, kung masyadong 'poor' ang bato, para Class A =
pigurin. Kuntento kang titigan ang pigurin, pero kating-kati ka na hawakan.
Lalo na pag nakasulat na "Please Do
Not Touch".
Pero anong mas
masarap na pakiramdam maliban sa padaplis na himas? Basagin. Kunwari nahulog.
Sa bahay namin,
may mga pigurin na Chinese porcelain,
may mga handpainting kuno pa. Pero nang makabasag kami ng Ate ko ng
sandosenang pigurin, lahat sila rinelocate na sa kitchen cabinet.
Heto lang ang
natatandaan ko, tuwing nakakabasag kami ng pigurin, madali akong kukuha ng
walis tambo pero bago ko walisin ang bubog, tititigan ko muna ito.
Titignan kung
may laman ba ang pigurin, bakit siya bumigat? O baka hangin lang ang nasa loob?
Makinis ba, katulad ng napaka-perpektong labas? Uusisain ko muna, i-dissect ang
puso gamit ang mata pero hindi ko hahawakan. Baka masaktan ako.
Sa lahat ng
pigurin ng nabasag ko, wala ata akong pinaghinayangan. Masayang makabasag ng
bagay, pakiramdam ko, ako ay.. "medyo bad" hahaha (pero wala pa naman
akong nababasag na puso ahhh T.T)
So anyway, I
therefore conclude that the moral of this (medyo tipsy+medyo umaangal na
left-temple headache dahil sa TMJ) blog post is, *drum roll*
Basagin ang mga
pusong bato.
Wasakin ang
sementong pag-iisip na bumabalot sa kanilang nararamdaman. Dahil utang na loob,
kung iiwas at iiwas sa lumalapit na pagmamahal at kung magkukunwari at
tatakbong palayo sa pinipilit itagong kalambutan, baka mamaya hindi na malambot
na puso ang walang-sawang lumapit.
Magkagulatan na
lang kung biglang magkabukol+pasa dahil sa lumipad na bato na sinawsaw sa dugo,
para magmukhang puso.
Hmmm... 'medyo
bad'. Hahaha.
Comments
Post a Comment