Kuya Tricycle sa Tapsilog Avenue


‘Medyo sad’ kumain ng mag-isa.

Wala namang problema sa akin ang mag-isa. Pero sa panahong tulad nito, na mag-isa lang ako sa dorm (ilang araw ko na kasing inaasikaso at binabalik-balikan ang litsugas na medical certificate na ‘yan for OJT, x-ray na lang ang kulang ko tas ang lakas pa magcut-off ng “first 100 per day” sa Health Service. Eh buong Thomasian community ata nagpapa-physical exam. Ughhh.) habang ang ibang kaklase ko ay nasa beach/ out-of-the-country at/o feel na feel ang semana santa.

Kaya kanina, naglakad ako sa Dapitan. Bago makarating sa aking patutunguhan na Tinapayan Festival, nadaanan ko ang Tapsilog Avenue. Matagal nang napagusapan namin sa dorm na kakain rito, pero dahil solo flight na ako nang ilang araw, last week pa. Minabuti ko nang unahan sila (o wala lang talaga kasi akong kasama).

Pagkaupo ko sa maliit na open resto, ang kasama ko lang ay ang tatlong empleyado na bored na bored sa kanilang matching green uniform tshirts. Lahat sila abala sa pagte-text, malamang iniintay na lang nila ang oras ng pagsasara. Matumal na ang mga kainan, kumunti na kasi ang mga estudyante sa Dapitan.

        Pagtingin ko sa kaliwa, may isa pa pala kaming kasama. Si Kuya tricycle.

Si Kuya tricycle na ginawang lounge/kama ang motor niya, habang nag-aabang sa kanto ng Dapitan.  Kumportableng nakahiga, naka-sando at shorts, complete with the Good Morning towel get-up.

Nakatingin siya sa akin.

      Mga anim na hakbang lang ang layo namin sa isa’t isa. At ang tanging nakaharang sa aming dalawa, ay ang wooden table ko. Sabihin nating, intense ang mata ni Kuya. Para bang tagos sa puso’t kaluluwa mo ang kanyang malumanay at kalmadong mata.  Talaga namang focused, nakakatunaw na tingin.

Malamang hindi na siya nakatingin sa akin, kundi sa maaring maging pasahero niya! (kalaaaaa niyoo aaahhh)

Kaya naman, naisip ko. Paano kaya, kung kawayan ko si Kuya. Ayain at ilibre ko ng pagkain. Sabihin kong “hey kuya, do you like eggs too? Pili ka ng mga kung anu-anong  –log dito oh!”

Kung baga, dahil pareho kaming naghihintay, siya para sa pasareho, ako para sa tapsilog malamang pareho rin kaming nalulungkot. Baka pwedeng sabay na lang kaming magsalo ng kalungkutan habang naghihintay sa tapsilog. Semana Santa na rin, hindi ba tulong na rin sa kapwa ang ilibre sila ng sinangag na kanin at itlog? Parang ang sama ko naman, kung sarap na sarap ako sa pagkain samantalang nag-iisa siya with his motor.

Sampung segundo ko pa lang ‘yun naiisip napa- “Ops. Teka, teka. WAIT.” ako sa sarili.

Baka akalain ni kuya.. type ko siya.

Baka isipin niya, naakit ako sa alindog ng pahiga-higa niya sa motor. Baka mamaya, mag-assume siya na trip ng maputi at matabang babae ang mukhang ‘medyo bad’ (o bad boy). Baka type niya ang mga ‘aggressive’ na dalaga na nanlilibre ng tapsilog.

HUWAAAAAAAAAAAAAAT?! Shucks.

Ano na namang pumasok sa kokote ko?! Heto ba ang nadudulot ng pag-iisa sa dorm, at pagtambay sa Health Service?

Kinuha ko na lang ang cellphone ko. Nagsend ng text. Buti sumagot ang aking masugid na boypren, si Bal Inquiry. Kunwari nagty-type ulit, para mukhang busy. Maiwasan lang ang mga mata ni Kuya. Hindi ko na alam ang ire-reply kay baby Bal Inquiry.

Buti dumating na ang Tapsilog ko. Hinga.

Buti nakahanap na siya ng pasahero. Hinga, whoooooo!




LET ME EXPLAIN! LET ME EXPLAIN!!! Gusto ko lang namang tumulong sa kapwa ah! Sabi kasi ni Father last Sunday, we should do a good deed. Nabanggit pa ni Father ang Corporal Works of Mercy at number 1 ang ‘feed the hungry’, naisip ko lang naman ang welfare ni Kuya. Pramis. Swear talaga! Pleeeaaaaaaaaseee don’t judge me, di ko talaga type!  hahaha :)))

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay