Four years

 Four years. Apat na taon akong tumigil magsulat publicly. 

Maraming nangyari sa buhay ko sa apat na taon, iba na ang Gigi na nagsimula nang blog na ito, sa nagsusualat ngayon. Maraming dahilan din bakit ako tumigil magsulat, nagka-tatlong trabaho, gumawa ng dalawang online business, at di mabilang na heartaches ang naranasan ko. Madalas napaka-ikli nang panahon at kaunti lang ang pagkakataon para igugol ko ang oras na isulat ang mga ito. Kaya tumigil ako. 

Pero hindi ibig sabihin eh tumigil ako totally sa pagsusulat, sa mga panahong gusto ko magkwento, o mag-update, nariyan ang mga ever faithful journals at diary ko. Na-practice din ang aking pagsulat sa paggawa ng 'copies' at product descriptions sa bawat pinopost kong produkto sa mga Halina Jewelry social media at website. Hindi lang nga ako nakapagkwento para sa inyo, hehe, naging abala na ang mga kamay ko sa paggawa ng mga handmade accessories, bracelet at earrings. Nauubos naman ang pagiging madaldal ko sa pag-reply ng comment at messge inquiries mula sa mga customers. 

Ibang klase ng pagsusulat, pero hindi tumigil. Medyo makalawang ang pagiistorya ko, pakiramdam ko bumalik ulit ako sa basics, humina ang boses at kakapain ko uli kung anong tunog at style ang gusto kong mangyari sa mga storya ko.

Pang-limang buwan na ng quaratine dahil sa Covid-19. Naging mas maluwag at mas mabagal ang takbo ng business, walang mga bazaars na dapat paghandaan at puntahan, nauwi ang lahat sa online selling. Kaya sa mga panahong nakakapahinga ang kamay ko sa paggawa, babalik ako sa pagsulat. Never ko naman naisip dati na i-give up ang writing. Kahit na hindi natupad ang dream job ko noong high school (at kung bakit Communication Arts ang pinili kong college course) na maging scriptwriter sa tv o pelikula. Maaring hindi pa ngayon, or hindi at all. Pero ang alam ko, hindi ko ako kailanman mauubusan ng mga ikukwento. Maliban sa pagbebenta ng handmade jewelry ko, pakiramdam ko, pagkwekwento ang isa pang kaya kong i-share sa mundo. 

Matagal na akong kinakati na magsulat ulit, pero syempre may takot. Lagi namang may takot eh, ano ang sasabihin nila? May magbabasa ba? Sino na naman kayang magiistalk at magiging hater ko na magco-comment nang kung anong kasiraan? Hahaha. Pero apat na taon na akong nag-lie low, apat na taon na nagtago, nag-ipon, nagtimpi, at tumahimik. 

Kung mayroon man lesson itong Covid-19, 'yun ay kung paanong napaka-fragile at ikli ng buhay. Walang nakakaalam nang pwedeng mangyari, katulad nito, sa isang iglap nagbago ang buhay nang lahat. Masyado maikli ang panahon na mayroon tayo to make the most out of life. At masyadong maikli ang panahon para lamunin ng takot.  

Magsusulat uli ako, pakaunti-kaunti. Baby steps uli. Dahil lang gusto ko, dahil na-miss ko ang pagsusulat at finally, babalikan ko na. Ngayon magsusulat ako para sa sarili, lahat nang gusto kong sabihin, para sa akin. Tiyaka na ang mga panagarap na makapagpasa ng mga istorya sa Palanca o maka-pagsulat ng script sa Cinemalaya. Tiyaka na ako magsusulat para intindihin ang sinsabi ng iba, ngayon ako muna at importante, hindi ako tumigil. Dahil sa tingin ko marami akong mashe-share at lalo na after 4 years?! 

Naku, humanda kayo sa akin! mwahahaha.



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay