TBT: Sakit ng ngipin at simpleng landi

Written and posted in my Facebook account last August 23, 2016.  
Iba ang nagagawa ng sakit ng ngipin, nagiging mahalay ata ako!


Buong maghapon kumikirot ang molar ko na gumuguhit mula sa panga at ulo ang sakit. Last week pa kasi dapat bubunutin ang sirang molar, nga lang last week din lumabas ang symptoms ng pagiging anemic ko. Nahihilo at nanghihina, sabi ni dentista magpalakas daw muna, inextend pa ng 1week ang antibiotic pero kanina, mukhang di na ako tinatablan. Bumili na ako ng malakas na painkillers (remember arcoxia?). Bago umuwi, naisip ko since buong week akong nasa bahay, mag-iikot muna ako sa subdivision.

Nasa tapat ako ng basketball court nang makita ko si lalaking neighbor, nagpapahinga sa kakatapos na game. Bumababa na ang araw, umeepekto na ang gamot, nawawala ang sakit at parang nagiging numb na ako. Usap-usap-usap, nang bigla kong sinabi,
Me: Ang gwapo mo.
Him: Ha?
Me: Ha? Wala.

Usap-usap-usap pa. Dumidilim na. Magkaharap kami sa labas ng gate ng court, naaanigan na lang ng malapit na poste ng Meralco. Iba ata ang nagagawa ng ilaw ng Meralco at lalaking naka-jersey sa akin dahil sinabi ko uli,
Me: Ang gwapo mo talaga.
Him: Haaaa? Anong meron sa'yo? (Natatawa na siya, kalahating tawa at kalahating nawiwirduhan siguro.)
Me: Kakainom ko lang ng painkiller ang lutang ko.

Tapos eto pa ang ginawa niya! Magpupunas siya ng pawis kaya iniangat niya ang jersey sa harap papuntang noo! Susmarya. Naka-angat na ang kalahati at nakikita ko na ang kanyang abdomen (yes abdomen, di ko alam kung may abs siya).
Me: Agghh. Wag mo gawin yan!!!
Him: Bakit?
Binaba niya ang jersey at tumalikod na ako.
Him: O, san ka?
Me: Uuwi na ako!

At yaan friends, ang nagagawa ng anemia+sakit ng ngipin+painkillers. Pati sense of reasoning ko nanu-numb hahaha. Ops. Lutang talaga ako.

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay