Another (long) weekend
Simula nang nag-resign ako last February 2019, hirap na akong masundan kung anong araw na ba, pero ngayon? Wala na akong idea! hahaha. Pre-Covid times kasi may sense of days pa ako, usually Friday night or Saturday ako gagala, makikipagmeet sa mga kaibigan, makikipagdate, mamasyal sa mall, at Sunday naman automatic na magsisimba kami sa hapon or gabi.
Pero ngayon, labo-labo na. Pakiramdam ko araw-araw weekend at pakiramdam ko sa weekend, normal na araw na lang. Non-existent para sa akin ngayon ang TGIF, Hooray for the weekend, hindi ko na rin dine-dread ang Monday morning kagaya noong may normal work pa ako.
Thankful, thankful ako na isa ako sa mga mapapalad na kayang mag-stay sa bahay during this Covid period. Thankful ako na hidni ko na kailangan makipagsaparalan nang kalusugan, hindi kailangan mag-commute, at may pagkain sa lamesa kahit ni isa sa amin ay parte ng normal na workforce.
Syempre, nakakaramdam ako nang pagka-buryo sa bahay. Pakiramdam ko kasi minsan gigising ako para matulog, cycle ng araw-araw na monotonous na buhay. Iisipin mo hanggang kailan na ganito? Paano ako magsu-survive today? Anong gagawin ko na ngayon?
Nasanay kasi siguro ako, tayo na dapat laging may ginagawa para maging productive, proof na tumatakbo ang buhay natin, power na tayo ang in control. But 2020 had different plans, ang feeling ko ngayon naka-pause ang buhay ko. Sandaliang paghinto, stop-over, rest area. Naiisip ko na ang buhay ay parang mahabang journey na nagda-drive ka. Syempre gugustuhin mong makarating nang mas mabilis, may mga daan na mag-iiba, may mga sites and spots na magaganda, may pagkakataon pwedeng masiraan ng makina, magkamali, madisgrasya at may mga pagkakataon kailangan magpahinga.
Ngayon nasa mahabang pahinga ako ng buhay.
Pang-limang buwan na hiatus na ayon sa studies ay maaring umabot pa hanggang 202. Thankful at grateful pa rin, hindi man ito ang plinano ko, ang maging safe, may bahay, hindi nag-aalala sa susunod na kakainina, sobrang thankful.
Sabi nga nila, ngayon taon, ang tanging gagawin lang natin lahat ay to survive. Tsaka na ang mga plano, mga travels, kahit ano man posisyon mo ngayon, top priority ang mabuhay.
At magising araw-araw, para makatulog ulit sa gabi.
Comments
Post a Comment