#SalamatShopee: Mini bluetooth keyboard
Masaya siguro maging influencer no? Padadalhan ako ng mga kung ano-anong freebie/merchandise tapos ididikit ko sa mukha habang nagpapa-cute. Katulad nitong 'mini bluetooth keyboard' na ico-connect lang sa phone at tab, para ka nang may laptop sa halagang P288 lang! Sa mga WFH o nago-online classes dyan, sabay sabay nating sabihin, #SalamatShopee! 😂💖🎉🛒 Not a paid advertisement 😅 Pero ginamitan ko ng shipping voucher at Shopee coins, para maging P215 na lang! 🎉 May 20% coin cashback pa!
Super happy ako with the purchase, it makes typing easier for me! Lalo na hindi naman laging nakabukas ang laptop ko, ang bigat at laki rin ng laptop ko para dalhin siya lung saan-saan sa bahay. One night naisip ko lang isearch na baka may external keyboard nang pwedeng i-connect sa phone and voila! Here it is! So far nagamit ko siya sa messenger, facebook at instagram, okay namana at madaling i-connect via bluetooth!
Usually kasi, pagkatapos kong mag-craft, pagod na ang mga kamay at daliri ko para magdududutdot sa screen ng cellphone. Nararamdaman ko rin sa fingertips ko kapag matagal nang babad sa screen. Hindi ko tuloy agad nare-replayan ang mga customer inquiries ko sa Instagram. Pinagpapabukas ko na para makapagpahinga ang mga kamay, but now I have the keyboard, imma type away! (Sana lang tumagal haha, ang mura kasi eh!)
Napaisip din ko tuloy, ibabalik ko na ba Shopee vlogs ko sa YouTube? Wahaha!
Comments
Post a Comment