Posts

Showing posts with the label filipino

Si Rizzy: Water Princess

Bago ko isulat ang entry na ito, naglalaba ako sa likod ng bahay namin kaninang mga 8pm. Kailangan ko nang labhan ang tatlong skirt kong inuwi mula sa dorm at isang tuwalya, dahil babalik na ako sa Linggo. Nakatitig ako sa washing machine, iniintay na mapuno ang tubig nang biglang napatingin ako sa kaliwa. Nakakita ako ng hugis ng aso. Pumikit ako. Pagmulat ko,  basang semento lang ang nakita  ko. At isa pa napaka-himbing ng tulog ng iba pa namin alaga sa may garahe. Hindi ko alam kung dahil ba November 1 at naisipan akong dalawin ni Rizzy. Pwede rin na-miss ko lang siya. Sa likuran ng bahay namin, naka-hilera ang washing machine, katabi ang isang malaking plastic na puno ng tubig, gripo, tsaka susunod ang mataas at mahabang sementong lababo. Tuwing naglalaba ako, nakasunod na sa akin si Rizzy. Tatakbo na siya kapag narinig niya ang pagbukas ng gripo at pag-awas ng tubig. Mayroon kasi kaming makipot at napakahabang canal. Ganito, isipin mo ang alulod sa ...

Totoo pala ang *toooot*

Totoo pala ang censorship. Yeap, June 4, 2013 nang mapatunayan ko ito. Censorship. Hindi ako maka-relate dito dati. Oo, alam kong may censorship, pero sabi ko “naku, sa professional world lang ‘yun’. Ay mali. Huhuhu, mali pala. May mga tao at nasa posisyon pala ang babatikos at babatikos sa lahat (at kahit ano), lalo na kung kinakailangan mo ng pirma, approval o go signal. Bakit naapektuhan ng tatlong salita ang lahat? Paano ako naging insensitive sa mga salitang ‘yun? Anu-anong bagay ba ang mga kailangan ipa-proof read? Gaano nga ba ka-liberal ang ‘liberal’? Makakagalaw ka bang talaga sa loob ng ‘academe’? Maisisingit mo ba ang F-U-N sa professional? Nasaan ang limitasyon ng creativity? NASAAN? Hindi naman ako galit. Alam kong may mali ako, at alam ko rin (ngayon lang nga tumatak) na kailangan i-screen at i-filter ang mga bagay. Hindi galit, inis. Nakakainis. Kung kailan ang dami nang napa-photocopy na komik strip, tsaka pa kailangang i-edit. Syempre, hind...

Shhh, tulog na

Sasabak ka na naman sa puyatan. Kung kasama siguro kita sa mga oras ng disoras ng gabi.. Guguluhin ko ang basa mong buhok na kakagaling lang ng shower. Malamig na shower pampagising. Mamasahihin (o chochop-chopin) ko ang mga balikat mo para di ka na kumuba sa harap ng monitor. Pagtitimpla kita ng kape pero bago ko iabot ito, mabilis kong ididikit ang napaka-init na tasa sa iyong braso. Tunay na pampagising. Maaring manlaki ang mata mo at mainis ka sa akin. Kapag pagod ka na sa kakabasa, saglit kong idadampi ang aking labi sa talukap ng iyong mga mata, pagtanggal mo ng salamin. Malamya kong sasampalin ang mga pisngi mo, dahil wala nang epekto ang pang-ilang mong kape. Tsaka malarong pipisilin at marahang hahalikan ang magkabilang kambal. Ibubulong mo sa akin, “tulog na”, sa pagbagsak ng aking mga mata, kasabay ng pagbagsak ng ulo sa lamesang puno ng mga nasulatang papel. Tatayo ako mula sa silyang kaharap mo. Iiwan kita. Makakatulog ako ng tatlo o apa...

Kahit Hindi Gwapo

Image
HINDI ka gwapo, matipuno o macho. Kahit anong pilit, laging kang talo. Compared sa ultimate baby face ni Dennis Trillo, at nakaka-kilig na dimples ni Diether Ocampo. Ay susko! Itabi pa ang tyan mo, sa poging abs ni Papa Piolo. Huwag ka rin tatabi ng hubo’t hubad, sa makalaglag panty na si Paulo Avelino. Pero hindi! Hindi magpapadala sa tukso! Ikaw pa rin ang tanging boto ng puso. Dahil para sa akin, mas yummy ka pa kaysa kay Coco! Sabi kasi ngayon,  ‘bagong gwapo’ ang  mga hindi namamansin, pana’y ngiti lang at tingin. Inshort, gwapo ang mga tulad mo, Ubod nga lang ng suplado! He! * Para sa lahat ng nangangarap na mahawakan ang mga katawan nila Dennis Trillo, Diether Ocampo, Papa Piolo, Paulo Avelino at Coco. HAHAHAHAHA. Number one na ako run!  ^ hihihihihi, COCO! <3 

Letter to Emily

Mababasa rito ang 'Nang Gupitin ni Emily ang Sariling Buhok' -->  http://omaygash.blogspot.com/p/emily.html Kahit hindi ako confident sa istoryang to, gusto kong itaguyod si Emily. Gustong makwento ang istorya niya. Naiisip kong palitan, baka hindi ako manalo dito. Kaya ko pang palitan. Pero ayaw ko talaga. Mas okay na sa aking hindi manalo basta maisulat lang ito. Iba si Emily. Boses siya ng ibang babae ng ating henerasyon. Hindi ko alam kung mabait ba siya o masama. Bobo o mapangsamanatala. Ang alam ko lang, katulad naitng lahat, nahihirapan siya. At may mga bagay na pinagdaaaanana natin sa buhay na kailanganng sabihin. Isambulat. Sa tingin ko isang mirror si Emily ng dalagang Pilipina, kahit pa man pangit ang maging pagkakasulat ko ng istorya. Hang in there, Emily. Tatapusin kita. Tatapusin ka ni Giselle. You are my baby. No regrets tayo diba? NO REGRETS EMILY! KAHIT ANONG MANGYARI!  Magkasama tayo dear. * Mga 2 days before ng deadline, marami pa ...

#Ngiti

Pagkalabas ng Jollibee. Pinigil kita. Bago tumawid sa intersection na madilim at puno ng jeep. Inangat ko ang kaliwang kamay, Dahan-dahan. Slowly but surely. Dahan-dahang, nilapat sa kanan mong pisngi. This is it! No room for pagtitimpi. Ginantihan ko ng malaking ngiti ang kumorbang ngiwi. Your eyes, medyo naging big. Medj lang. Siguro’y nagulat at nagtaka (pero sana’y dahil sa kilig) Dahil nang makaramdam ng lambot ang mga daliri, hindi ka lumayo, umiwas o gumilid. Pero hindi napapahaba ang mga sandali, hind rin blockbuster movie ang life para magslow-mo ang paligid. Kahit na. Keri lang beh! Naglakad akong palayo, malakas ang kabog ng dibdib. tugtugtugtugtugtugtugtug Ramdam ko ang pagkahulog ng loob. Swear, hindi ko sinasadya, hindi pilit. Patuloy na naglakad, kahit maraming tambay sa gilid, di mapigilan. To further elaborate, I just can’t resist. Tumataginting na laki ng #ngiti #ngiti #ngiti. First draft on 2...

Tide (of the Ipis)

‘Pag bumuhos ang malakas na ulan sa UST. Taranta. Di lang estudyante, pati na rin ang mga ipis. Isa-isang, dose-dosenang  nag-uunahan, nagkakandarapa palabas sa butas ng manhole. Tumatakbong, palayo. Nakikisilong sa ilalim ng carpark. Pero unfair din pala ang buhay, kahit sa ipis. Nang ang mga naka-Accountacy uniform, skirt na hapit, makinis at shaved legs, makintab, itim ang sapatos na may matataas takong, Sabay-sabay na tumiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! “AAAAAAAAAAAAYYYYYY!, EWWWWWWW!” Tili ng tili. Para mapapatunayan ang pagkababae o pagkamayaman o pagka-duwag. Sabay, APAK! Apak pa ulit. Talon, sabay apak. ‘Pag may napatay, mas matining na tili. Di man lang nag-isip, naunahan ng diri. Na ang mga ipis na maliit, nais lamang lumisan sa takot ng baha at malakas na ulan. Dahil sila’y giniginaw din. *True story. March 22, 2013 sa UST carpark.  Ang sarap lang sampalin nila Ate, wala ba silang puso?! Ano bang g...

Kuya Tricycle sa Tapsilog Avenue

‘Medyo sad’ kumain ng mag-isa. Wala namang problema sa akin ang mag-isa. Pero sa panahong tulad nito, na mag-isa lang ako sa dorm (ilang araw ko na kasing inaasikaso at binabalik-balikan ang litsugas na medical certificate na ‘yan for OJT, x-ray na lang ang kulang ko tas ang lakas pa magcut-off ng “first 100 per day” sa Health Service. Eh buong Thomasian community ata nagpapa-physical exam. Ughhh.) habang ang ibang kaklase ko ay nasa beach/ out-of-the-country at/o feel na feel ang semana santa. Kaya kanina, naglakad ako sa Dapitan. Bago makarating sa aking patutunguhan na Tinapayan Festival, nadaanan ko ang Tapsilog Avenue. Matagal nang napagusapan namin sa dorm na kakain rito, pero dahil solo flight na ako nang ilang araw, last week pa. Minabuti ko nang unahan sila (o wala lang talaga kasi akong kasama). Pagkaupo ko sa maliit na open resto, ang kasama ko lang ay ang tatlong empleyado na bored na bored sa kanilang matching green uniform tshirts. Lahat sila abala sa pagte-...

Sinandomeng

Limang minuto ko nang kinukuskos ang mga plato, kutsara’t tinidor, ihalo pa ang kaldero ng champorado kaninang agahan. Matagal  at kinakailangan ng mahabang pasensya lalot’  mahina lang ang bukas ng gripo. Tipid na tipid sa tubig, kahit may Nawasang naghihintay sa tubo.   Nakakaya ng Joy ang sebo, pero hindi ang nanigas na butil ng Sinandomeng. Si Cecil lagi ang nagpriprisentang magligpit.  Laging masinop at kailanman di nagpapabaya. Pero pagkarating ko ng apartment, mga hugasin ang sumalubong sa akin. Sa kuwardrado at maliit na kwarto, walang bakas ng pambabaing gamit. Mas kapansin-pansin ang espasyo sa gawing kanan ng kuwarto. Wala ang kabundok niyang maruming damit. Hindi na hinintay ang Surf sun fresh at Downy passion na ipinabili sa akin. Pati ang panty na kaninang umaga lang isinampay, kinulang ng pasensya para hintayin mabagal na pagpapatuyo. Kanina, bago ako makalabas ng pinto, kinalabit ako ni Cecil. “Kalian mo ba ako pakakasalan Raymo...

(hindi) Takot

Dream guy ko ang rapist. Nanlilisik ang mga mata. Hindi mapakali. kamot sa ulo, panay tingin sa relo, tumutulo ang pawis. Naghihintay, Naghihintay. Naiinip, malaki ang ngiti. Dream guy ko ang mukhang rapist. Pagkakapal-kapal ng bigote’t balbas, pinagsungitan siguro ng oras, para sa pag-aahit. Ebidensya ng tanda, mas matanda, ubod ng tanda Pakunsuelo na lang na hindi marungis at kahit papaano, amoy shower pa rin. Dream guy ko ang ugaling rapist. Suot ay laging itim, gising hanggang takipsilim. Ninanamnam ang pagluluksa, gin at kape ang nilaklak,  nilalaklak. Ipinalit sa mineral water para punan ang pusong nawasak. Dream guy ko ang nagpipilit maging rapist Ilag sa pag-ibig. Mas nais pang masiyahan sa sexual na panggagamit Pero ang puso ipinagdadamot, ipinagdadamot. Takot at pahamak lang daw ang maiaalay at idudulot. Dream guy kita. Teka, matatawag ka pa bang ‘rapist’? Kung ako naman ang nang-aakit, Pili...

Polo

DAPAT HUWAG KA NANG MAG-SUOT NG KULAY blue. Bakit? Dahil prone akong mahulog sa langit at ulap. Sa kulay bughaw na polo. Award-winning, uber plantsado. At baka, kung, kapag sakaling mahulog (o tumalon) ako, mamaya'y nakalimot pala ang hangin na akoy' saluhin at mauwi sa nakamamatay na bangin, Kung saan ubod ng talas at gaspang ang mga bato. Huwag ka nang magsuot ng blue na polong plantsado. Pero anong magagawa, kung iyon ang aking gusto. Dahil totoo nang sinabi kong, "bagay ang blue sa’yo" 2/19/13

Yakapin Mo Ako sa Pebrero

February 3, 2013. Binuksan ko ang Twitter. Heto ang tumambad sa akin na tweet ng DZRH. “National Parks Development Committee: Unang 'Yakapalooza' ngayong Valentine's Day isasagawa sa Araw ng mga Puso sa Rizal Park” Ang reaksyon ko: “Omaygad hindi ko na kinakaya ito!!!” Reaksyon niyo:  “WEHHHHH? Di nga?” Legit to, promise! http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/02/01/13/1st-yakapalooza-ph-valentines-day-set Yakapalooza? Ughh, tas ang daming tao? Edi nagkapalit-palitan na kayo ng pawis. Kung iisipin natin, bakit may budget ang gobyerno para rito? At tuwang-tuwa naman ang mga private companies sa pag-sponsor ng mga loveey-doveey events. Hindi pa ba sapat ang mga gusgusin at pakalat-kalat na bata para masabing naguumapaw ang pagmamahalan sa Pilipinas? Kung ako ‘yan, magpapa-feeding program na lang ako. At aayain ko ang mga tatakbong senador, congressman, mayor at kahit barangay chairman na maghalo at sabawan ang pinipilit na masustansyang lugaw. ...

Entrance to Heaven

“Pare, balita ko mayroon daw sa top floor ng Isetann ah.”, bulong ni Jun sa akin noong nakaraang Lunes. “Anong mayroon?” “Heto naman. Iisa lang naman ang hilig natin eh, alam mo na yun”, ngisi nito. Tama, hindi na kailanganing ipaliwanag ni Jun. Noong nakaraang taon nang una naming masubukan. Sa Malate, Quezon Ave, Avenida, Recto, iniikot namin ang Maynila. Kahit sa Luneta at Baywalk, minsan pag malaki ang pera, Greenbelt. “Eh diba malinis na ang Isetann?”, pagtataka ko. “Oo pre, hush hush lang to. Ilang buwan pa lang, sinusubukan pa nila. Kaya, ganito ang gawin mo.. magsuot ka ng polo, dapat yung puti at plantsado. Tas mag-slacks at black shoes ka. At ayusin mo yang buhok mo! Suklayan mo, dapat pinong-pino, ala-Jose Rizal ba!” “Pucha pre. Ano ba naman yan, pano ba ako matitipuhan no’n?” “Di nga, seryoso ako. Ganoon kasi ag protocol dun. Sila ang lalapit sa’yo, alam na nila pag ganoon ang ayos mo. Dapat mukhang professional, mas gusto nila yung mukhang may...

‘Anim na Sabado ng Beyblade’ sa December 24

“Napabilang din ako sa beyblade ‘craze’ noong ako’y bata (kahit pa man babae ako). Isa lang ang original kong beyblade, yung kulay blue, kaya naman naging paborito ko ito. Minsan isinama ako ng tatay sa Cartimar, ibinili niya ako ng pinakamalaki kong beyblade, kulay puti. Doon lang din ako nakanood ng live beyblade battles pero dahil mahal ang beyblade ‘stadium’ kung saan dinaraos ang paglalaban, binigay na lang sa akin ng aking mga magulang ang kulay green na batsang panlaba.” Ito dapat ang una kong maaalala sa pagbabasa ng ‘Anim na Sabado ng Beyblade’. Dapat tuwa at saya ng nakaraang childhood, carefree na paglalaro, walang problema basta hawak ko ang beyblade ko. Pero hindi. Nasa jeep ako nang matapos kong basahin ang sanaysay. Hindi ko nabitawan ang photocopy, sa tricycle at jeep, sumakit man ang mata ko o mahilo, tuloy ang pagbabasa.  Hindi ko alam kung anong mararamdaman, iyakin pa naman ako sa mga bagay na ito. Hindi naman ako maka-iyak dahil nakapalibot sa aki...

Beer at Sinulid

“Ricky” Sunod-sunod ang tapik sa akin ni Jane. Sabado naman ah, bakit niya ako ginigising? “Ricky, ikaw ba yung nagpasok ng lahat ng sinulid ko? " “Oo” “Ano na naman bang pumasok sa isip mo?” _________________________________________________________________ Kagabi , pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko na naman si Jane na nanahi. May alas-onse na, madaling araw na naman siya matutulog, sa makalawa na kasi ang delivery niya ng sampung kurtina. Noong isang buwan niya pa’to ginagawa, kung hindi lang sana napaka-arte ni Dona Clara at  gustong burdahan pa ng Japanese sequins at beads ang telang gawa sa Korean silk. “Naghanda ka pa, kumain na ako. Mamaya ka pa matatapos?” Nanatiling nakakunot ang kanyang noo.  “Jane?” Binitawan niya ang karayom at inabot ang Manila beer na nakatago sa likod ng mala-bundok na kurtina. Humagikhik ito, parang tawa ng bata. Tawa ng isang sira-ulong murderer na papatayin ang isang laruang manika. Nilapitan ko siy...

Uulitin pa (not really)

Noong December 16, sa Santo Domingo Church, first time kong makatulog sa patapos nang misa. 6pm, dala-dala ang violet kong backpack at hila-hila ang mabigat at malaking sakong bag (yung inilalako sa Quiapo at tabi-tabi, yung may zipper) bumaba ako ng jeep galing Quezon Avenue. 8pm sa UST chapel, anticipated na simbang gabi. Kahit nakatayo lang ako at nakasandal sa pader, habang nag-homily si Father, nakatulog na naman ako. Sa araw-gabi ko ba namang na pananahi, isang linggo na akong kulang sa tulog, pati na rin ang dormate kong si Sarah (super thank you!).         First-time ko kasing sumali ng bazaar noong nakaraang Linggo, para sa handmade business ko na Crazy Dreamy Crafts (like niyo ako sa FB!). Naisipan kong isulat ang experience ko, dahil alam kong maraming magtatanong. Napakarami kong supportive na mga kaibigan at sa lakas ko ba naman mag-share at mag-advertise sa Facebook, marami-rami ang mangangamusta.  Pero nakakasawa magpaulit-ulit ng k...

Photocopy

Siya ang pinakamatalinong Xerox girl na nakilala ko. Ay mali, photocopy girl pala. Tanging tag line/quotable-quote/pangaral niya ang ‘Xerox is the machine, its photocopy’. Matagal ko na siyang nakikita, palangiti, makwento at mabait. Maraming katrabaho ko na ang nagtangkang makipagkilala, sagot niya raw palagi ay ‘hindi kita kilala’. Ayaw tumanggap ng calling card, ayaw naman ibigay ang cellphone number. Buti marami akong ID. Tuesday – Company ID Tatlo ang naunang nagpa-photocopy, lahat sila ‘xerox’ ng ‘xerox’.  “Xerox is the machine, its photocopy.” Inabot ko ang ID, “pa-photocopy” sabi ko. Tumingin siya sa akin, saba’y ang pagkorte ng simpleng saya sa aming mga labi. Wednesday - Resume                 “Hmmm, Relations department? Sira ba yung photocopy machine dun?”, inusisa niya ang resume ko.             ...

Kulay

“Oi, saan room tayo?” - Sa kuwartong madilim, mailap ang tingin. San ilulugar ang mata, sa’yo? Pwede ba? “Nahiya yung polo ko.” - Kung may award sa polo na pinaka-pino ang plantsa, panalo ka na.  Dahil kung ako pagpa-plantsahin ng ganun, malamang lalabas ka ng bahay na naka-sando lang. “Ang bango!” - Musk, dark musk, ang sabi nila. Surf o Tide, para sa akin. Malayo ako para masiguro ang bango. Masyadong malayo. “Okay ka lang?” - Kinabahan ako. “Uwian na!” -  Patuloy na lumalim ang gabi, naghiwalay ang ating landas.  Ako palabas, ikaw paakyat. “Bawal sumakay diyan.” - Kakulay ng polo mo ang elevator.  Ninais kong makita na suot mo ang kulay na ito: maamo, maaliwalas, parang may ginhawa ang bukas. “Ano na?” - Unti-unting nagsara ang mga pinto ng makinarya. Hindi lang para sa akin ang kulay ng langit. "Tapos?" - 

Pagtitiis

Namula ang aking daliri, di nagtagal nangati na ang paligid. Tinanggal ko ang metal, pero kailangang ibalik. Ipinilit. Inikot-ikot. Para lang matahimik. Ito ang utos ng Diyos, bawal ang sumibat. Patuloy na nagreklamo ang manipis na balat, nagbanta ng pagsusugat. Di nagtagal, konsensiya’y kumampi sa maliit, malambot at batang-bata na daliri. Ninais kong itago pero ipinaubaya ko sa maruming ilog, ang paglunod sa alaala ng kumikinang na diamond. Initsapwera ang ‘kasalanan’, Sa wakas, nakahinga ang katauhan. Eh anong magagawa ko? Allergic ako sa wedding ring.

Mahal ang Appliances

"Pagod na ako Dina." "Ayan, pagod na naman. Yan lang ang nararamdaman mo. Pag-uwi, pagod. Pag may sasabihin ako, pagod. Pag nasa kama tayo, pagod. Ako rin napapagod! Subukan mo kayang magluto ng kanin kung hindi ka mas mapagod?" Umupo ako sa silya. Lalamig na naman ang hapunan ko, papalamigin ng pagtatalo. Pero sa pagtatalong ito, si Dina ang host habang ang audience ay ang pulang itlog, kamatis at ako. “Hay, nako. Sabi na eh...” tuloy ang satsat ni Dina. “..pakiramdam ko lagi na lang akong dumedepende sa’yo...” tuloy din ang subo ko. Sana may tuyong kahalo ang plato, o kaya naman sardinas. “.. rice cooker, refrigerator o plantsa!”  Pagkatapos nito, mahihiga na ako. Maaga pa ang call time ko bukas, bibisita raw ang Regional Head. “Ramon! Nakikinig ka ba?!” sigaw ni Dina. “Teka, eh bakit ba nasama na naman ang appliances sa usapan?” “Aba, eh pano yan ang hindi mo mabigay sa akin! Kahit rice cooker lang, dyusko sa tingin...