Entrance to Heaven


“Pare, balita ko mayroon daw sa top floor ng Isetann ah.”, bulong ni Jun sa akin noong nakaraang Lunes.

“Anong mayroon?”

“Heto naman. Iisa lang naman ang hilig natin eh, alam mo na yun”, ngisi nito.

Tama, hindi na kailanganing ipaliwanag ni Jun. Noong nakaraang taon nang una naming masubukan. Sa Malate, Quezon Ave, Avenida, Recto, iniikot namin ang Maynila. Kahit sa Luneta at Baywalk, minsan pag malaki ang pera, Greenbelt.

“Eh diba malinis na ang Isetann?”, pagtataka ko.

“Oo pre, hush hush lang to. Ilang buwan pa lang, sinusubukan pa nila. Kaya, ganito ang gawin mo.. magsuot ka ng polo, dapat yung puti at plantsado. Tas mag-slacks at black shoes ka. At ayusin mo yang buhok mo! Suklayan mo, dapat pinong-pino, ala-Jose Rizal ba!”

“Pucha pre. Ano ba naman yan, pano ba ako matitipuhan no’n?”

“Di nga, seryoso ako. Ganoon kasi ag protocol dun. Sila ang lalapit sa’yo, alam na nila pag ganoon ang ayos mo. Dapat mukhang professional, mas gusto nila yung mukhang may pera.”

“Puting polo? Plantsado ha?” sinigurado ko na.

“Oo, oo. Paplantsa mo sa nanay mo. Dapat pino talaga, walang lukot!”

“Eh, magaganda ba?”

“Birhen pare! Mala-birheng Maria!” tinapik ako ni Jun sa balikat.

“Heaven!” sabay kami ni Jun. Alam na.
___________________________________________________________________

Okay, ready na ako. Isetann sa Recto. Heto na, buti nakapag-ipon ako ngayong linggo. Alas-siete na ng gabi, Biyernes pa. Kung ano man ang mangyayari, sakto maabutan ko.

Nilalakad ko na kahit ang escalator. Hinahakbangan ang mga hagdanan. Excited na ako! May malalamas na naman ako. Yes Lord! Sana makinis, o basta maputi!

Top floor. Sa may sulok daw, yun daw ang entrance sa heaven. Iniisip ko pa lang, nag-iinit na ang kalamnan ko. Mukhang jackpot ako ngayong gabi ah. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-aliw ng ganito. Sabi ko pa naman kay inay may school project akong gagawin. Project naman to ah? Research at immersion, binigyan niya pa ako ng isang daan, gagamitin kong pang-tip.

Ayan sa kanan, naririnig ko na. Tawanan. Teka. Kantahan. Masigabong na palakpakan. Acoustic na gitara.  Ha?  ‘God’, ‘Love’, ‘Praise’, sapat na ang tatlong salita ng masayahing kanta.

Silip ako.

May nakatingin na sa akin, nakangiti.  Matandang babae. Nakaputi.

Anak ng putres! Entrance nga talaga sa heaven! Literally! Bakit may mga relihiyoso rito?! Worship songs ang kinakanta, potek! Kaya pala panay ang poster sa loob ng mall ‘Worship Sessions with Brother Bait'.

Naglakad na akong palayo, baka mahatak pa ako. Hindi dapat ito ang papalakpakan ko ah.

Putang ina talaga ‘tong si Jun, sa CR na lang tuloy ako didiretso.

Aaaahhhhh. Sayang yung pang-Sogo ko!



*May na-miss ba ako? May cinema 5 ba? Baka may ibang milagro talaga ah?! O.O

 Kasi worship songs lang talaga ang naabutan ko! WORSHIP SONGS NGA! Na naman!  Ang lakas pa ng palakpakan nila, masigabong talaga hahahaha.

1/8/13. 1/9/13.

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay