Entrance to Heaven
“Pare, balita ko mayroon daw sa top floor ng Isetann ah.”, bulong ni Jun sa akin noong nakaraang Lunes. “Anong mayroon?” “Heto naman. Iisa lang naman ang hilig natin eh, alam mo na yun”, ngisi nito. Tama, hindi na kailanganing ipaliwanag ni Jun. Noong nakaraang taon nang una naming masubukan. Sa Malate, Quezon Ave, Avenida, Recto, iniikot namin ang Maynila. Kahit sa Luneta at Baywalk, minsan pag malaki ang pera, Greenbelt. “Eh diba malinis na ang Isetann?”, pagtataka ko. “Oo pre, hush hush lang to. Ilang buwan pa lang, sinusubukan pa nila. Kaya, ganito ang gawin mo.. magsuot ka ng polo, dapat yung puti at plantsado. Tas mag-slacks at black shoes ka. At ayusin mo yang buhok mo! Suklayan mo, dapat pinong-pino, ala-Jose Rizal ba!” “Pucha pre. Ano ba naman yan, pano ba ako matitipuhan no’n?” “Di nga, seryoso ako. Ganoon kasi ag protocol dun. Sila ang lalapit sa’yo, alam na nila pag ganoon ang ayos mo. Dapat mukhang professional, mas gusto nila yung mukhang may...