Bombahan sa Mall at Couple Stuff
Uso ngayon ang
barilan at bombahan.
HAHAHA!
WAIT. Ulitin
natin.
Nakakagulat (pa
rin naman) pero hindi na gaanong nakakagulantang ang mga balitang tungkol sa
pagnanakaw sa loob ng mall na sinalihan ng mga eksenang barilan at pagbobomba.
Kaya naman
napakatalinong strategy ng lahat ng mall ang maglagay ng dalawang security
guard sa entrance. Ang tanging trabaho nila, magtsimisan, manghimas ng baywang
at tusukin ng stick ang pinaghirapang buksan na bag. Tusok dito, tusok doon. Naku,
mas intense pa ang pagtusok sa fishball.
Paano kaya kung
may granada ako sa bra? O asido sa isang glass bottle ng Gatorade?
Teka, teka,
teka. Hindi nga pala ito isang blog post tungkol sa kakulangan ng seguridad sa
pampublikong lugar o kaya ang hindi sapat na training ng mga security guard in
their super hapit uniform. Lalong hindi rin ito tungkol sa dumadaming masasamang
loob na napakalas ng loob at di natatakot makuhanan ng mga CCTV camera. Marami
na kasing nagtwi-tweet ukol sa Megamall incident, ipapaubaya ko na sa kanila
ang hot topic na iyon.
Isang araw
matapos ang Megamall robbery, nagpunta ako sa Mall of Asia. Lumabas bigla ang
pagka-terorista ko. Sa 43 hectares ng MOA, may isang store unit lang akong gustong
pasabugin.
Kasama kong
naglalakad ang ate ko, hindi ko na napigilan
“Ate, ang sarap pasabugin niyang tindahan. Kahit yan lang talaga. As in
yan lang.”
Store na lahat
ng paninda ay “couples”. Meaning in two’s, bawal ang tingi.
‘Me and You’ ang
pangalan ng store.
BOOM!
KAAAA-BLAAAAAAAAMM!!! BOOOOOM!
Couple
keychains, mugs, bags, shoes, at kung anu-ano pa, pero sa 3 couple stuff lang
naman talaga ako bitter.
1 1. Couple
toothbrush. Nakakita ako rati nito sa standee malapit sa grocery cashier ng SM
supermarket. Isang pink at purple, may tig-kalahating puso ang isa. Sabi ko na
naman sa ate ko, “Ano ba to? Couple toothbrush? Eh paano na lang pag nag-away
kayo, edi hindi ka pa nakapag-toothbrush!”. Natawa ang lady cashier. Sabi na
nga ba, may kabuluhan ang katwiran ko.
2 2. Ansaveeeeh naman ng couple pillow cases? Para siguro synchronize ang pagtulo ng laway sa
matching pillow case habang napapanaginipan niyo ang isa’t-isa. Dapat pala, sa
paglalaba sabay din. Hindi maaring maunang maglaba ang isa, at lalo nang dapat
sabay na matuyo ang mga pillow cases. Kaya nga couple eh, kasi dalawa. Lagi. Sorry
na lang sa heavy drooler, magtiis ka
hanggang sa ‘laba day’ niyong dalawa.
3 3. Kung
magka-boypren man ako, hindi ko na siguro siya pahihirapan at pipilitin na
magsuot ng ‘I love him/her’ t-shirts sa katwiran na “baby, susuotin mo
ito kasi diba you love me sooooooo very much” (pa-cute na tono). Hindi pa ba
sapat ang PDA at holding hands? Okay pa sa akin ‘yun pareho ng kulay ng damit,
sweet pa ‘yun. Pero susko, may mga ibang t-shirt na may tig-kalahating puso pa!
Hanubaaaah kasi ang mayroon sa kalahating puso, na kailangan pagtabihin para
lamang mabuo? Gawin ko kaya talaga sa puso niyo ‘yun ah? Sige, try natin.
Halika, bibili ako ng mighty bond para matapos na ito!
Walang naman talagang masama na
ipagsabi/ipagkalat/itweet/iinstagram sa buong mundo ang di makapigil hiningang
pag-ibig na nararamdaman. Medyo nakakalunod lang para sa ibang mamamayan ng
sambayanan ang super cheesy evidence.
Parang ‘yun
kantang “Cause you’re everywhere to me, when I close my eyes its you I see” (http://www.youtube.com/watch?v=hc9k3-fwwYM)
Isang malaking
DUH. Tinalo pa ng mukha ni honey-lovey-doves ang pagkaraming-raming larawan ng Poong Maykapal sa
simbahan.
LITERALLY. Teh, wallpaper mo na nga yung mukha niya sa
celpon mo eh, tas screensaver mo pa. Bago ka matulog pinapakinggan mo pa yung video
recording niya. Binabasa ulit ang mga text messages niya. Dadagdagan niyo pa ng
sandosenang couple items, at itweet/iinstagram lahat ‘yun. My eyeeeeeess!
Ughh.
Fine, may couple
product din naman akong tinatahi, sperm at egg cell lang nga. Legit talaga,
Biology na ito eh. Reproduction pre,
reproduction!
To end this
(medyo bitter) blog post, sasali na lang ulit ako ng Pasig River Run. Titiisin
ko ang 5k kahit na sa 3k pa lang naghingalo na ang aking asthmatic lungs kaysa pumasok sa store na iyon.
Dahil dalawang
taon nang nakakaraan, sa madilim at mataong bangketa na katabi ng Manila City
Hall. Mag-isa akong naglalakad at napabili ng di oras, sa tig-sampung pisong
cellphone charm na hugis teddy bear. Bumili ako ng isa, kulay pink. Pero
tatlong hakbang pa lang ako palayo, naisip kong baka malungkot siya kaya bumili
pa ulit ako, kulay purple naman. Matagal na silang nakatago. Sa tingin ko, ayaw na nilang maghintay. Ano
naman kung ako gagamit pareho?
*Hmm.. parang magandang plot line ang based sa isang couple stuff. Let’s
say, sa mug nagrerevole ang storya ng mag-syota. ‘Yun lagi ang sign.
FATE+DESTINY = COUPLE MUG. Pero dahil
morbid tayo, syempre dapat lang na magkahiwalay sila sa huli. At para mas
dramatic ang naudlot na pag-ibig, lagyan natin ng mga emo shots. Tipong basagin
natin ang mug, ihulog sa bundok o ipangsandok ng tubig mula sa imburnal.
BWAHAHAHA! (super evil laugh).
11/28/13 madrugada
Comments
Post a Comment