Polo


DAPAT HUWAG KA NANG MAG-SUOT NG KULAY

blue.

Bakit?
Dahil prone akong mahulog
sa langit at ulap.
Sa kulay bughaw
na polo.
Award-winning, uber plantsado.

At baka, kung, kapag
sakaling mahulog (o tumalon) ako,
mamaya'y nakalimot pala ang hangin
na akoy' saluhin
at mauwi sa
nakamamatay na bangin,

Kung saan ubod ng talas at
gaspang ang mga bato.

Huwag ka nang magsuot ng blue na polong plantsado.
Pero anong magagawa,
kung iyon ang aking gusto.
Dahil totoo nang sinabi kong,

"bagay ang blue sa’yo"


2/19/13


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay