Dapat sa Resume..
Resume.
Lahat ng
kaklase ko ay natataranta rito ngayon.
Kailangang
hasain namin ang VIP pass at winning lotto ticket na ifoforward sa kung
ano-anong kumpanya. Maliban sa grades/report card, resume pa ang isang dapat
pagkaabalahan.
Ehhhh, paano
na ‘pag wala kang maisulat? Halaaaaa?
Sana pwede
ring isulat sa CV/resume lahat ng inaplayan na hindi ako natanggap. Sa malamang
5 pahina na ang dokumento ko. Hindi ba pwedeng isulat sa experience ‘yun? Kung
maari rin sanang ilagay lahat ng contest na sinalihan, hindi lang nga nasabitan
ng medalya o nabigyan ng tropeo.
Lalo na noong elementary at high
school,
n
Participant, Spelling Quiz Bee (wala na talaga kasing
mapiling iba)
n
Essayist, Essay writing contest (forfeit na lahat
ng matatalino, dahil nanalo na)
Sa college
level, eto naman ang kadalasang dinaranas ng mga estudyante,
n
Applicant, Mga pa-importanteng-tao-kala-mo-sino Organization
n
Interviewee,
Kung-di-ka-magaling-di-ka-katulad-namin Association
n
Exam taker, Litsugas-san-ko-ba-to-gagamitin
Qualifiers Exam
Sa resume kasi, walang
espasyo para sa lahat ng pagsubok. Hindi makikita kung sino ang pursigido at
pilit naghahanap ng grupo/kumpanya na tatanggap at yayakap sa kung anong meron
siya. Ang tanging nakikita lamang o ang gusto lang makita ay ang tagumpay.
Totoo man o hindi, may daya man o wala, may connection man o sariling sikap,
pinagpaguran o natsamabahan. Basta may certificate, medal o trophy, pwede nang
idagdag sa CV.
Mailalagay ba
ang 2 o 3 oras na tulog dahil pinagpuyatan mo ang pag-aaral? Ang plate number
ng jeep, fx o bus na natuluan mo ng laway? Kung ilang gimmick ang pinalagpas
dahil may darating na exam o kinailangan mong bantayan ang mga kapatid sa
mumunting bahay? Ang lamang pera ng wallet na napulot at isinauli kahit ang
lunch mo lang ay candy? Kung gaano mo nami-miss ang OFW na tatay/nanay na
nagpapakahirap para sa iyong tuition? Kung para kanino ka bumabangon? Ano ang
pangarap mo, na gagawin mo ang lahat, huwag lang itong mapako?
Bawal kasi
haluuan ng personal life ang trabaho. Tangna. Ang personal, psychological at
social disposition mo nga ang makakapekto sa kung maganda o pangit ang trabaho
(lalo na ang ugali) mo.
Pero naglalaan
tayo ng lugar at pumuputol ng puno para sa BIG words at mahahanging talento-kuno
na hindi naman mapatunayan. Paano naman ang mga realizations, values at wisdom?
Kadalasan kasi, ang mga nakasulat sa
resume ay pakitang-tao lamang, achievements ekek, mga binayarang registration
fee pero walang pinuntahang org meetings.
Masyadong mapili
ang mga tao ngayon, dapat nakakamit ka ng ganito – ganyan, kailangan 1st-3rd
prize lang. Aba. Bakit ba kasi nilagyan ng konkretong sukatan ang pagiging
magaling? Ang kagalingan ba may konkretong sukat din?
Kaya kung
magkakaroon ako ng kompanya, secondary requirement ko lang ang resume. Gusto
kong masiguro na pantay-pantay ang tsansa ng lahat, kaya papapilahin ko ang mga
gustong mag-apply para sumagot ng ala-‘slumbook’ at quiz bee na exam. Heto ang
aking naisip, habang naty-type sa fire exit ng aking dorm.
___________________________________________________________________________
Sagutin ang mga sumusunod. Kahit
tag-lish, mala-literaturang Filipino o pa-conyong Ingles ang sagot, basta
naiintindihan ko, okay lang. Bawal ang
magtanong sa katabi, kay Papa God pwede.
n
Kamatis. Fruit o vegetable? Discuss.
n
Pang-ilang presidente si Pnoy? Convince me.
n
Maliban sa pagku-kompyuter, ano pang ginagawa mo
sa iyong free time? Illustrate.
n
Ano ang pinakamasarap na tinapay ang natikman
mo? Magkano at saan ko ito mabibili?
n
Saang lugar ang isang beses mong napuntahan, sobrang
ikinatuwa mo, pero ayaw mo nang balikan? Bakit? (na-harass ka ba?)
n
Maliban sa ‘time is gold’, ‘the glass is half
full’ at ‘just do it’ na quotes, ano pa ang mga kasabihan ang paulit-ulit mong
rinerecite sa sarili kapag pinanghihinaan ka ng loob? Lalo na kapag umiiri ka
sa banyo?
n
Sa tignin mo, bakit kulay puti halos lahat ng
inidoro? Masaya ka ba rito?
n
Die-hard fan ka ba ni Aling Dionisia? Kung hindi, isulat ang lahat ng numero na sumunod
sa 3.14 o p?
Essay: Puwede
bang pang-MMK ang buhay mo? Anyare in your life ateh/kuyah? Kung oo, bakit kita
dapat kuhaning intern sa kumpanya ko? Kung hindi, bakit kita dapat kuhaning
intern sa kumpanya ko? (3 paragraphs, sa 1st paragraph lang pwede
magsinungaling.)
Bonus (50 pts): Isulat ang lyrics
ng super naka-LSS na jingle ni Manny Villar noong huling eleksyon.
(o kinakanta mo talaga? Eh bonus
na nga eh, ba’t nage-effort ka pa? buwaahahahihi)
Last na: Ipasa sa akin ang papel
ng may malaking ngiti. Tas ibulong sa aking kanang tainga, kung saan naganap
ang first-ever date mo. (Legal man o hindi)
___________________________________________________________________________
Pwede nilang tarantaduhing
pabalik ang mga tanong. Ano namang masama sa kakaiba, basta ba productive at maganda?
Mayroon kasing matalinong kagaguhan na
hindi kailanman matatawaran ng uno o tres. Makating isip na hindi maisusulat sa
transcript. (Make sure lang na ikaw ay mabait)
Pero baka maidemanda
naman ako rito dahil walang ‘formality’ o ‘process’ ang hiring system ko. Masasabihang
bias, walang credibility dahil walang basis ng educational attainment at
extra-curricular achievement. Kawawa naman ang kumpanyang nasa isip ko pa lang, binubuwag na.
Ngayon tuloy, libo-libong
teenagers ang natataranta, naiinis at nagkukumahog ng maisusulat sa papel. Nanampalataya
at umaasang heto ang sagot sa mas magandang kinabukasan na magiging highway na
daan para matanggap sa trabaho, at para sa akin, OJT.
Comments
Post a Comment