Yakapin Mo Ako sa Pebrero


February 3, 2013. Binuksan ko ang Twitter.

Heto ang tumambad sa akin na tweet ng DZRH.

“National Parks Development Committee: Unang 'Yakapalooza' ngayong Valentine's Day isasagawa sa Araw ng mga Puso sa Rizal Park”

Ang reaksyon ko: “Omaygad hindi ko na kinakaya ito!!!” Reaksyon niyo:  “WEHHHHH? Di nga?”

Legit to, promise! http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/02/01/13/1st-yakapalooza-ph-valentines-day-set

Yakapalooza?

Ughh, tas ang daming tao? Edi nagkapalit-palitan na kayo ng pawis.

Kung iisipin natin, bakit may budget ang gobyerno para rito? At tuwang-tuwa naman ang mga private companies sa pag-sponsor ng mga loveey-doveey events. Hindi pa ba sapat ang mga gusgusin at pakalat-kalat na bata para masabing naguumapaw ang pagmamahalan sa Pilipinas?

Kung ako ‘yan, magpapa-feeding program na lang ako. At aayain ko ang mga tatakbong senador, congressman, mayor at kahit barangay chairman na maghalo at sabawan ang pinipilit na masustansyang lugaw. Tapos may Yakapalooza rin kami. Yayakapin naming lahat, isang napakalaking group hug ang mga musmos na talagang nangangailangan ng pag-aaruga at pagmamahal.

Hindi ba mas magandang  PR ito? Siguradong kukuha ng simpatya at awa sa mga pusong mamon na boboto. 100% sure ako na mas maganda ito kaysa dito,http://www.facebook.com/photo.php?fbid=417596544993378&set=a.286757518077282.70000.286753951410972&type=1&relevant_count=1.

Back to Yakapalooza, sang-ayon naman ako sa research study na nagsasabi na, “The benefits of a 20-second passionate hug are increased memory level, lower stress levels and normalized blood pressure, Montegrande said, citing a study commissioned by the University of Vienna.”

       Hindi ko na lang nga alam kung bitterness ba ang pinaiiral ko kung saabihin kong “Utang na loob! Maawa naman kayo sa ibang mamamayan ng Maynila! Hindi nila kaya ang mga ganitong ekesena!”. Dahil baka mamaya maraming tao ang magpunta sa Luneta, para lamang yakapin ang sarili nila.

Para naman sa akin, hindi ako nagaalala na pumunta ng Luneta nang walang kasama.  Tatakbo na lang ako kay manong guard sa ilalim ng rebulto ni Jose Rizal. Yayakapin ko siya. Hihimasin at lalamasin. Kung sino pa ang kawal ni Rizal ay siya pa ang na-harass pero wala siyang magagawa kundi tumayo ng tuwid habang tumutulo ang luha na magmamakaawa sa langit. Bwahahaha.

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay