Yakapin Mo Ako sa Pebrero
February 3, 2013. Binuksan ko ang Twitter. Heto ang tumambad sa akin na tweet ng DZRH. “National Parks Development Committee: Unang 'Yakapalooza' ngayong Valentine's Day isasagawa sa Araw ng mga Puso sa Rizal Park” Ang reaksyon ko: “Omaygad hindi ko na kinakaya ito!!!” Reaksyon niyo: “WEHHHHH? Di nga?” Legit to, promise! http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/02/01/13/1st-yakapalooza-ph-valentines-day-set Yakapalooza? Ughh, tas ang daming tao? Edi nagkapalit-palitan na kayo ng pawis. Kung iisipin natin, bakit may budget ang gobyerno para rito? At tuwang-tuwa naman ang mga private companies sa pag-sponsor ng mga loveey-doveey events. Hindi pa ba sapat ang mga gusgusin at pakalat-kalat na bata para masabing naguumapaw ang pagmamahalan sa Pilipinas? Kung ako ‘yan, magpapa-feeding program na lang ako. At aayain ko ang mga tatakbong senador, congressman, mayor at kahit barangay chairman na maghalo at sabawan ang pinipilit na masustansyang lugaw. ...