Dapat sa Resume..
Resume. Lahat ng kaklase ko ay natataranta rito ngayon. Kailangang hasain namin ang VIP pass at winning lotto ticket na ifoforward sa kung ano-anong kumpanya. Maliban sa grades/report card, resume pa ang isang dapat pagkaabalahan. Ehhhh, paano na ‘pag wala kang maisulat? Halaaaaa? Sana pwede ring isulat sa CV/resume lahat ng inaplayan na hindi ako natanggap. Sa malamang 5 pahina na ang dokumento ko. Hindi ba pwedeng isulat sa experience ‘yun? Kung maari rin sanang ilagay lahat ng contest na sinalihan, hindi lang nga nasabitan ng medalya o nabigyan ng tropeo. Lalo na noong elementary at high school, n Participant, Spelling Quiz Bee (wala na talaga kasing mapiling iba) n Essayist, Essay writing contest (forfeit na lahat ng matatalino, dahil nanalo na) Sa college level, eto naman ang kadalasang dinaranas ng mga estudyante, n Applicant, Mga pa-importanteng-tao-kala-mo-sino Organization n ...