#Ngiti
Pagkalabas ng Jollibee.
Pinigil kita.
Bago tumawid sa intersection na madilim at puno ng jeep.
Inangat ko ang
kaliwang kamay,
Dahan-dahan. Slowly but surely. Dahan-dahang,
nilapat sa kanan mong
pisngi.
This is it! No room for pagtitimpi.
Ginantihan ko ng malaking ngiti ang kumorbang ngiwi.
Your eyes, medyo naging big. Medj lang.
Siguro’y nagulat at nagtaka (pero sana’y dahil sa kilig)
Dahil nang makaramdam ng lambot ang mga daliri,
hindi ka lumayo, umiwas o gumilid.
Pero hindi napapahaba ang mga sandali,
hind rin blockbuster movie ang life para magslow-mo ang
paligid.
Kahit na. Keri lang beh!
Naglakad akong palayo, malakas ang kabog ng dibdib.
tugtugtugtugtugtugtugtug
Ramdam ko ang pagkahulog ng loob.
Swear, hindi ko sinasadya, hindi pilit.
Patuloy na naglakad,
kahit maraming tambay sa gilid,
di mapigilan.
To further elaborate, I just can’t resist.
Tumataginting na laki ng
#ngiti #ngiti #ngiti.
First draft on 2/1/13, without the conyo lines :)
Comments
Post a Comment