YEY! Book launch experience (source of katsismisan at kabalastugan)
THE EROS ATALIA WRITING WORKSHOP EXPERIENCE (sabi ni JC Pacala haha.)
Perys taym kong
maka-punta sa book launch, sa Solidaridad Bookshop sa may Padre Faura, Ermita.
Sa may bandang ‘likod ng Rob Ermita’ (like, di nga, may likod ba ang Rob
Ermita? San banda? Haha! Ang dami tuloy naming naligaw at na-late.)
Pero di ko akalain na gagawin ko ang mga ito, kasama ng anim kong kasamahan sa writing
workshop. Isa-isahin natin! (Si JC, Ryan, Chenley, Gianne, Peach at Karen)
= 1.) Sabi
ng mentor namin (si sir Eros Atalia), ‘eat and run’ kami. Medyo totoo nga
naman. Kumuha kami ng pichi-pichi, palabok, at nung masarap na cake na di
namin malaman kung gawa ba sa pili o pinya. Tumungga ng coke na puno ng yelo at
tinitigan/pinagnasaan ang mga imported bottle ng vodka at tequila na
naka-display.
2.) Nasa
isang maliit na kuwarto lang kami kasama ang mga National Artists na sina F.
Sionil Jose at Bienvenido Lumbera at ang bigating si Jun Cruz Reyes. Umuwi kami
ng walang picture ng kahit isa sa kanila.
3.) Sa
tatlong authors na nag-book launch, hindi man lang ako bumili ni isang ibro
nila. HAHAHA, shucks. Heto pa, naging prof ko pa ang isa run. AT, isang
malaking at! Maaring maging prof ko siya this year sa art app. Anakng, sigurado
akong mamumukhaan niya ako. Uh-oh, patay na.
4.) Gumawa
ng sarili naming circle ng mga kasamahan ko, habang inaalaska ang ibang mga tao
na maaring naririnig ang pinag-uusapan namin dahil nasa likod lang namin sila
habang nangingingain ng masarap at libreng pagkain dahil hindi namin alam ang
gagawin.
5.) Tumamabay
sa bookstore sa 1st floor ng mga 30 minutes. Lakas ng tawanan namin
habang nanga-alaska ulit. Pabuklat-buklat lang ng mga libro habang nakabantay
sa amin ang tatlong bookstore staff. Nag-picturan din kami na bookshelf ang
background, pang-cover photo kamo, kahit di namin alam kung pwede ba o bawal
ang magpicture.
6.) Makitawa
habang naga-alaskahan ang mga authors tungkol sa censorhip at eroticism at
naturalism. Grabe, benta ‘to eh, kulang na lang pumapalakpak kami at magsabi ng
“burneeeeed” :)))
Pero di nga,
masaya makapunta ng book launch! Kay raming taong makikita, iba’t-ibang ugali
ng mga writers, big time man o mga katulad naming nakiki-ngiti at saling pusa
lang. Naks! Simula ngayon mag-aabang na
ako ng mga book launch, tas aayain ko ‘yun mga new-found friends ko sa
workshop. Sisiguraduhin naming gutom kami pagpunta run para sulit sa amin ang
pagkain. ATTT! Pagkatapos, tatambay ulit kami sa Mcdo ng ilang oras, mainly
para magtsismisan at magkuwentuhan ng kung anong kabalbalan at kabastusan.
*AAAAAAHEEEEM-AHEEEEM, AHEEEEEMMM! Haha!
Comments
Post a Comment