Kahit Hindi Gwapo


HINDI ka gwapo, matipuno o macho.

Kahit anong pilit, laging kang talo.
Compared sa ultimate baby face ni Dennis Trillo,
at nakaka-kilig na dimples ni Diether Ocampo.

Ay susko!
Itabi pa ang tyan mo, sa poging abs ni Papa Piolo.
Huwag ka rin tatabi ng hubo’t hubad,
sa makalaglag panty na si Paulo Avelino.

Pero hindi! Hindi magpapadala sa tukso!
Ikaw pa rin ang tanging boto ng puso.
Dahil para sa akin, mas yummy ka pa kaysa kay Coco!

Sabi kasi ngayon,  ‘bagong gwapo’
ang  mga hindi namamansin,
pana’y ngiti lang at tingin.
Inshort, gwapo ang mga tulad mo,
Ubod nga lang ng suplado!
He!

*Para sa lahat ng nangangarap na mahawakan ang mga katawan nila Dennis Trillo, Diether Ocampo, Papa Piolo, Paulo Avelino at Coco. HAHAHAHAHA. Number one na ako run! 

^ hihihihihi, COCO! <3 



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay