Letter to Emily

Mababasa rito ang 'Nang Gupitin ni Emily ang Sariling Buhok' --> http://omaygash.blogspot.com/p/emily.html

Kahit hindi ako confident sa istoryang to, gusto kong itaguyod si Emily. Gustong makwento ang istorya niya. Naiisip kong palitan, baka hindi ako manalo dito. Kaya ko pang palitan. Pero ayaw ko talaga. Mas okay na sa aking hindi manalo basta maisulat lang ito. Iba si Emily. Boses siya ng ibang babae ng ating henerasyon. Hindi ko alam kung mabait ba siya o masama. Bobo o mapangsamanatala. Ang alam ko lang, katulad naitng lahat, nahihirapan siya. At may mga bagay na pinagdaaaanana natin sa buhay na kailanganng sabihin. Isambulat. Sa tingin ko isang mirror si Emily ng dalagang Pilipina, kahit pa man pangit ang maging pagkakasulat ko ng istorya.

Hang in there, Emily. Tatapusin kita. Tatapusin ka ni Giselle. You are my baby.

No regrets tayo diba?

NO REGRETS EMILY! KAHIT ANONG MANGYARI!  Magkasama tayo dear.



*Mga 2 days before ng deadline, marami pa rin blanko ‘yun word document. Litong-lito ako, papalit-palit ako sa page-edit ng tatlong entries. Kaya naisip ko na talagang huwag ‘tong ituloy, tutal may iba na akong panlaban, pero sayang. Sayang ‘yun nasimulan, sayang din ang storya ni Emily. Para sa mga writers na sumasali sa kung anu-ano, masakit hindi manalo, pero okay lang, basta maikuwento.

Kaya in 3 minutes, nagsulat ako ng letter para sa akin at kay Emily (habang nasa CR ng dorm) at 11:34 am on 1/10/13.


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay