Totoo pala ang *toooot*

Totoo pala ang censorship.

Yeap, June 4, 2013 nang mapatunayan ko ito.

Censorship. Hindi ako maka-relate dito dati. Oo, alam kong may censorship, pero sabi ko “naku, sa professional world lang ‘yun’. Ay mali. Huhuhu, mali pala.

May mga tao at nasa posisyon pala ang babatikos at babatikos sa lahat (at kahit ano), lalo na kung kinakailangan mo ng pirma, approval o go signal.

Bakit naapektuhan ng tatlong salita ang lahat? Paano ako naging insensitive sa mga salitang ‘yun? Anu-anong bagay ba ang mga kailangan ipa-proof read? Gaano nga ba ka-liberal ang ‘liberal’? Makakagalaw ka bang talaga sa loob ng ‘academe’? Maisisingit mo ba ang F-U-N sa professional? Nasaan ang limitasyon ng creativity? NASAAN?

Hindi naman ako galit. Alam kong may mali ako, at alam ko rin (ngayon lang nga tumatak) na kailangan i-screen at i-filter ang mga bagay.

Hindi galit, inis.

Nakakainis. Kung kailan ang dami nang napa-photocopy na komik strip, tsaka pa kailangang i-edit. Syempre, hindi ko na kukunin sa bagong kalap na funds ang inabono ko sa photocopy. Nasayang lahat ‘nun, ang dami ko tuloy scratch paper.  Nakakainis, na kailangan ko pang ngaragin ang artist ko na kakauwi lang mula sa OJT para sa super last-minute changes. Nakakainis, kasi, sa To- Do list ko ngayong Tuesday, pang-number 6 ang ‘cry T.T’ at hindi ko pa rin siya nagagawa. Paano, tapos na ang araw at hindi ko pa tapos ang mga naunang number.

                Whooo, basta bukas. Okay na ako. Hai. Gogogogo, passion! Passion! Ginagawa ko ‘to para sa pagmamahal at passion! At least alam ko na, sa future na may mga bagay na *toooooot* *tooooot* *toooot*.

Dahil nala-lasing  ako sa mga salita at nahi-high sa pagsusulat. Adik ata akong writer.



11:50 pm 6/4/13 dapat matutulog na ako eh. But no, this is the highlight of my day.


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay