Aircon Bus at Holding Hands


Gusto kitang makatabi sa malamig na bus habang palalim na ang gabi. Nais kong malaman kung dahan-dahan bang gagapang ang kamay mo para abutin ang nanlalamig kong kamay.  Kung sa ilang minute ay hindi mo inabot ang akin, kamay ko na lang ang dahan-dahan gagapang, para habulin ang init ng sa iyo. Gusto kita makatabi sa malambot na 2-seater aircon bus sa palalim na gabi. Isasandal ko ang ulo ko sa balikat mo. Hindi ka gagalaw ng marahas para itaboy ako at sadyang ipatama ang shoulder blades mo sa noo ko. Kahit pa amoy usok na ng jeep ang mahabang buhok na kinonditioner pa kaninang uamga. Gusto kitang makatabi sa hindi mataong bus, walang nakatayo at pilit sumisiksik sa aisle. Ikaw na ang dudukot ng wallet at magbabayad ng pamasahe natin kapag nakatulog (o nagtutulug-tulugan) ako. Gusto kitang makatabi sa bandang likuran ng bus, habang napapasarap ng ng nood ng kung anong local late night show sa tv si kuya konduktor.

Heto na ang hinihintay ng marami, ang solong-solo niyong dalawa ang mga upuan sa napakalamig na aircon ng bus na wala masyadong tao, lalo na sa bandang likuran. Walang ibang makakakita sa ating dalawa. Tayo na ang nasa pinaka-likuran, maluwag ang daan at sa intersection lang may trapik. Kahit malalim na ang gabi, hindi tayong nagmamadaling umuwi. Walang maghahanap, walang manghuhuli. Gagapang ang kamay mo, sasapuin ang kamay ko. Sasandal ako sa balikat mo. Wala nang manghuhuli dahil sumisilip na pati si manong driver sa malabong tv. Pwedeng-pwedeng gawin, walang pipigil. Susulitin natin ang pagkakataon. Susunggab ang kamay mo sa loob ng tshirt ko at magpupumilit na pumasok sa suot kong bra habang ang kabilang kamay ay butones ng jeans na suot. Maglalakbay ang kamay ko para mag-dive sa bukas mong zipper. Kasabay ng paglalakbay ng mga kamay natin, lalalim ang  halik mo na unti-unting nagpapainit sa akin.

Pero hindi mangyayari iyan.

Dahil kuntento ka na at masaya na ako sa init na binibigay ng pagkakahawak ng ating kamay, sa aircon, hindi mataong bus sa kalaliman ng gabi at mahaba pa ang byahe.

Gusto kitang makatabi para malaman ko, kung hahawakan mo ang mga kamay na naghihintay sa iyo.




Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay