Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay (book review ata haha!)


Si Sir Jarin, napamahal (mahal talaga?) na siya at naging malapit sa barkada ko. Mula nang bumisita siya sa klase, hanggang sa naimbitahan namin siya manood ng school play namin. Naging ka-chat at ka-like-an sa Facebook. At sa grupo namin, ako pa lang ang nakakabasa ng kanyang libro. Nauna na kasi akong nakapunta sa soft book launch niya sa UP Diliman.

(minor spoiler) Kaya naman excited kong binalita na, “Pumasok pala ng kumbento si Sir? Grabe, isang taon!”. Isang malaking “WEH” ang narinig ko.  Sa katunayan nga, napasimba ako noong hapon matapos kong mabasa ang ‘Kumbento’. Hindi ko alam, parang kailangan ko lang magsimba.

Kaya naman pala panay like ni Sir ng mga religious post sa Facebook. ‘Yun pala ang hugot niya, nalaman ko kung saan siya nangagaling. Hindi lang talaga halata, hahahahaha (peace po)! Pero ngayon, nalaman ko rin kung paano siya naging ganito katatag.

Sa totoo lang, kahit mahilig akong magbasa, overwhelming pa rin sa akin ang six pages pataas na essay.  Kaya ang laging sinasabi ko, “tatapusin ko lang ‘tong isang chapter”. Madalas pa nga, 1 am na ako nakakatulog, at hindi lang isang chapter ang natatapos ko.  ‘Pag nagbasa ako pagkagising, minsan sa buong araw, naiisip ko ang mga istorya.

Sino ba namang hindi maiintriga?

Sa maliit, mabilis tumakbong binata na nagpupulot ng tennis ball sa mga opisyal ng militar. Sa teenager na binebentahan ng plastic-plastic na toyo o mantika ang isang cute girl sa Niog, Cavite. Sa recollection master na nagpapaiyak ng mga bata habang kumakantang kapartner ang gitara. Sa pakikipag-sapalaran at kasikatan ng isang batang musician.  Sa expert na pagpuslit sa pwet ng manok sa ilang fast food chain. Sa paglalaba sa loob ng napakaliit na CR ng isang paupahan sa Airpot road, Baclaran habang ang tanging iniisip lang ay ang kanyang nalayong munting mga anak. Sa luhang tumulo sa loob ng taxi at yakap-yakap ang pinalamig na kakaunting sample ng dugo.

Bitawan ko man ang libro, binabalik-balikan ko. Isang linggong heto lang ang hawak ko, binasa nang sandaling ma-stranded ako sa Pasay mall dahil sa malakas na ulan, minsan bigla ko na lang maalala ang ibang chapters kahit sa classroom discussions. Nalilito lang nga ako kung iyak o tawa ba ang gagawin ko.
 
Gustong-gusto ko kasi ng mga totoong kuwentong walang takot, kahit pa gaanong kapilyo o kasakit. Mga sakit na walang takot na naisulat.  Bilib ako sa kung paanong naisulat ang mga personal experiences ng buhay na kung sa iba (o kung ako) itatago at kikimkimin na lang. Iniidolo ko ang mga nagsusulat ng autobiography. Walang kinahihiya ang bawat salita niya. Hindi lang sila writer, kundi kaibigan.  

Kaya si Ferdinand Pisigan Jarin, hindi lang basta nag-kukuwento kundi isang kaibigan, na nagpaparamdam.

At sa mga susunod na buwan o taon, matatabunan na itong blog ko ng mga hindi mabilang na book reviews ng iyong mga future fans.



*Tsantsantasantsan! Official book launch ng ‘Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay’ sa July 5, 2013 (Friday),  1:00-3:00pm sa Philippine Normal University(PNU) Main Auditorium.  Punta na! YEEEEY! J


Comments

  1. Natutuwa ako nabasa ko ito. Si ferdie kababata ko sa cembo naging kabanda (APO Dyukay), kainuman na madalas napupuyat sa kwentuhan debate ng mga bagay ng politika at relihiyon. Gusto ko nga syang makitang muli at maka kwentuhan kung makakausap mo sya pakisabi kinakamusta sya ng kaibigang nya si Alvin ng Cembo.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula