Kailangan Isulat

Ang dami kong kailangan isulat.

‘Yun sa Chronicle, ‘yun pang-workshop, para sa blog, para sa akin. Bakit hindi ako nagsusulat? Bakit ang daming nasa utak ko na hindi ko mapiga? Ba’t nauunahan ako ng takot, tamad at inis bago ang pagsususlat? Pakiramdam ko hindi matino ang writing ko ngayon. Parang may sobra, parang may kulang. Sobra na ang dami kong nalaman kaya super censor ang ginagawa ko sa sarili. Kulang, kasi hindi buo ang thoughts sa utak ko.

Pressure at expectations. Hindi ako makasulat ng maluwag. Nasa isip ko ngayon, dapat maganda, dapat worthy, dapat okay na. Dapat hindi ako mapahiya. Dapat may maipakita akong galing sa iba.

AYUN. Wala tuloy akong masulat. Dahil hindi naman lahat ng isusulat ko, ganun ang resulta. Hai. Nakakainis.

Pigil na pigil ‘yun isip ko. Dapat ganyan, dapat ganito. Dapat matapos ng ganito, dapat ganitong karaming pages. Dapat ganito ang theme, dapat ma-post ko by ganitong date.

Ang daming DAPAT, na nagiging mahirap.

Sa araw-araw na to-do list ko, ang hindi ko lang ma-scratch off ay ‘yun pagsulat. Drafts lang ang naabot lahat. May project proposal pa ako, ni pagsulat nga ng room reservation di ko matapos-tapos.

Bakit ganito? Kung kailan mas marami akong natututunan at nababasa. Kung kailan pa na may clue na  ng tama at ng mali. (pero mukhang mali ang ginagawa ko. Teka, may mali ba talaga?)

Nahihirapan ako pag mas marami akong natututunan. Pinipilit ko silang ilagay into practice. Hindi pa natatapos ang isang sentence, ini-iscratch ko na. Kasi mali. Kasi pangit.

Shit.

Hindi censored ang post na ito. Kaya ipo-post ko. Ay nako, nakakapagod, kaya magsusulat na lang ako. Basta sulat lang. Wala na akong keber kung pangit, kung may mali, kung may manlalait.

Bahala sila, ang hirap kayaaaaa!!!!!!


12:05 am 6/8/13




Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay