Kulay



“Oi, saan room tayo?” - Sa kuwartong madilim, mailap ang tingin. San ilulugar ang mata, sa’yo? Pwede ba?

“Nahiya yung polo ko.” - Kung may award sa polo na pinaka-pino ang plantsa, panalo ka na.  Dahil kung ako pagpa-plantsahin ng ganun, malamang lalabas ka ng bahay na naka-sando lang.

“Ang bango!” - Musk, dark musk, ang sabi nila. Surf o Tide, para sa akin. Malayo ako para masiguro ang bango. Masyadong malayo.

“Okay ka lang?” - Kinabahan ako.

“Uwian na!” -  Patuloy na lumalim ang gabi, naghiwalay ang ating landas.  Ako palabas, ikaw paakyat.

“Bawal sumakay diyan.” - Kakulay ng polo mo ang elevator.  Ninais kong makita na suot mo ang kulay na ito: maamo, maaliwalas, parang may ginhawa ang bukas.

“Ano na?” - Unti-unting nagsara ang mga pinto ng makinarya. Hindi lang para sa akin ang kulay ng langit.

"Tapos?" - 

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay