Pagtitiis


Namula ang aking daliri,
di nagtagal nangati na ang paligid.
Tinanggal ko ang metal,
pero kailangang ibalik.
Ipinilit. Inikot-ikot.
Para lang matahimik.

Ito ang utos ng Diyos,
bawal ang sumibat.

Patuloy na nagreklamo
ang manipis na balat,
nagbanta ng pagsusugat.

Di nagtagal,
konsensiya’y kumampi
sa maliit, malambot at
batang-bata na daliri.

Ninais kong itago
pero ipinaubaya ko
sa maruming ilog,
ang paglunod sa alaala
ng kumikinang na diamond.

Initsapwera ang ‘kasalanan’,
Sa wakas, nakahinga ang katauhan.
Eh anong magagawa ko?
Allergic ako sa wedding ring.


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay