Uulitin pa (not really)


Noong December 16, sa Santo Domingo Church, first time kong makatulog sa patapos nang misa. 6pm, dala-dala ang violet kong backpack at hila-hila ang mabigat at malaking sakong bag (yung inilalako sa Quiapo at tabi-tabi, yung may zipper) bumaba ako ng jeep galing Quezon Avenue.

8pm sa UST chapel, anticipated na simbang gabi. Kahit nakatayo lang ako at nakasandal sa pader, habang nag-homily si Father, nakatulog na naman ako.

Sa araw-gabi ko ba namang na pananahi, isang linggo na akong kulang sa tulog, pati na rin ang dormate kong si Sarah (super thank you!).

       First-time ko kasing sumali ng bazaar noong nakaraang Linggo, para sa handmade business ko na Crazy Dreamy Crafts (like niyo ako sa FB!). Naisipan kong isulat ang experience ko, dahil alam kong maraming magtatanong. Napakarami kong supportive na mga kaibigan at sa lakas ko ba naman mag-share at mag-advertise sa Facebook, marami-rami ang mangangamusta. 

Pero nakakasawa magpaulit-ulit ng kwentong di maganda. At nakakapagod umiyak sa tuwing may mag-aalok sa akin ng ‘huuuuuuuug’.

Kaya heto ang istorya ko!

10 am, pagkadating ko sa lugar, naisip ko na sana pala sa garahe na lang ako ng bahay namin nagbenta o kaya nag-ikot sa UST na dala ang paninda katulad ni Ate Yema. Pagkaupo ko pa lang, alam ko na agad na hindi maganda, hindi okay ang araw na pinakahinintay ko.

After 30 mins pa ako nag set-up, itim na tela para litaw ang neon colors na mga produkto ko. Halos katabi ko ang isang puno, nasa dulo na ako. Upo, hintay, hintay, hintay. May isang dumating, tapos wala na. 13 kaming nagbebenta. Walang dumarating. Kaya ako na mismo ang nag-ikot. Nakausap ko ang mga co-sellers ko, lahat kami pareho ng naramdaman. Worried, wala pa rin dumarating. Tinanong ko rin kung nabawi nila ang puhunan noong nakaraang araw, sukat na ngiti at pag-iling ang sagot nila. Wala nang dumating.

Bandang 3pm, bumuhos ang malakas na ulan, wala na ngang tao, nagbaha pa sa pwesto ko. Wala na talagang darating. Pinack-up ko na lahat ng nasa table, sabay pinatong ang mga paa sa isa pang monoblock chair. Mabilis ang pagpack-up na ng iba kong kasama, dumating ang mga kotse at taxi. Umalis na agad sila.

Wala nang pakialam ang mga kasama ko, naririnig (o pinaririnig) na mismo sa organizer ang kanilang pagkadismaya.

Hanggang 7pm pa dapat ang bazaar, pero ayoko nang magsayang pa nang panahon. Kating-kati na rin akong umalis, at sa halos anim na oras akong tumagal, nakipagkwentuhan, nakipagtawanan, sabi ko ‘malakas pala ako’. Pagkasakay ng taxi, hindi ko kinaya. Feeling ko nasa music video ako, tumutulo ang luha na sinabayan ng pagkulog sa labas. Binulong sa sarili, ‘Shit talaga. Lugi na nga ako, nag-taxi pa kami. Ba’t ba kasi walang jeep sa Katipunan Avenue?’

Naawa ako sa dalawa kong bestfriend na galing pang Paranaque (hindi ko na rin pinasunod si Sarah at isa pang bestfriend). Binagtas nila ang buong ka-Maynilaan para mapuntahan lang ako. Inalok nila akong umuwi sa Paranaque, umayaw ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin o ikwekwento sa mga magulang ko. Kahit sa dorm, kahit sa classroom, natakot akong magpakita.

Hindi naman sa naninira, sa tingin ko lang kailangan malaman ang mga bagay na ito.

Buti nga hindi ako nang-aaway, nagsusulat lang (pero parang ganoon na rin yun haha).

Syempre, may pagkukulang rin naman ako. Ako naman ang nagdesisyon na sumali sa bazaar. Hindi ko lang alam na ganoon pala ang sitwasyon. Dahil handmade ang mga gawa ko, naisip kong mukhang okay na makasama ng iba bang handmade o hand baked, para halos pantay ang kompetisyon. Bago rin ako sumali, may mga ‘good’ blog reviews pa akong nabasa sa naunang bazaar nila noong October. Humingi rin muna ako ng pictures ng place, yun nga lang puro pictures lang ng booth ang nakita ko, walang wide shot ng location. At pagkatapos kong mapa-reserve at magdeposit, doon ko lang nakita ang guidelines, na 25 max lang pala ang participants at may P25 pang entrance fee sa tagong location.  

Sa akin lang, hindi kami nagbayad ng 1k a day para lang sa tables at chairs o sa place (na pamilya rin pala nila ang may-ari). Nagbayad kami para sa aming ‘future customers’, at inaasahan namin ang organizer ang bahala doon. Okay lang sana, kung hindi lang talaga trip ng tao ang handmade babies ko, at least may nabibigyan ako ng handwritten na calling cards kaso mga langaw lang ang bumisita at malamang itinaboy ko pa sila.

Ang hirap lang na naging motto ko ang ‘Kailangan kong manahi’. Ito ang tanging tumatakbo sa isip ko sa nakaraang tatlong linggo. And true to that kahit saan nanahi ako, sa restaurant, sa train station, sa CR, sa corridors, sa classroom (may prof man o wala).

Nakokonsensya ako. Sana pwede hingan ng ‘sorry’ ang umangal kong mga daliri, para sa lahat ng tusok at pasakit. Sabihing ‘kaya mo yan’, sa kanang balikat (kung saan maluwag ang joint ko) na pinaliguan ko ng Katinko sa araw-araw na pagtulog. Sana pwedeng mabalik ang tatlong karayom na naputol mismo sa mga daliri ko.

Magba-bazaar pa ba ulit ako? Oo, siguro, pero hindi na doon. May mga kaibigan pa rin akong nag-aalok pero hindi lang nga muna ngayon, hindi na kaya.

Ano nang gagawin ko? MATUTULOG! Magbabasa, matutulog. Magsusulat, matutulog. Next year na ulit ako hahawak ng karayom, christmas gift ko na siguro sa katawan ko ang pahinga.

PS. May kumagat pa sa akin na insekto sa bazaar na yun! Gosh, namaga pa talaga yung right foot ko T.T Hindi pa tinablan ng Katinko at anti-allergy na gamot. Argh. 

Comments

  1. Aw, so sad to read this. Sobrang na-excite ako for this bazaar (ako yung customer mo nung morning hehe) pero maaga ako masyado dumating kaya nadismaya din kasi wala pa ako masyadong nakita. Anyway, feeling ko kulang lang yung event sa publicity. Hehe. Kasi nun nakita ko sa blog ni Saab Magalona, parang okay yung bazaar tapos may friend din ako na nagsabi sakin na okay siya at kaya ako napapunta dito sa Dec na bazaar ay dahil dun sa nakakaengganyong same bazaar nung Oct. Haha. Wala lang, sharing. :) Anyway, I'm looking forward to seeing more of your crafts :) Crafter din ako tulad mo, kaya naaappreciate ko yung mga sobrang nag-eeffort ng ganito. :) Ang saya kasi gumawa, mag DIY eh haha

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay