Posts

Showing posts with the label Crazy Dreamy Crafts

Kung Bakit Ba Talaga Ako Nananahi- Crazy Dreamy Crafts

Image
TOTOO BA ITO. AT 1:25 AM 10/23/13. Napansin ko kasi, na maliban sa ‘Crafts’ tab ko dito sa blog, kung saan naandun ang history, hindi pa ako talagang nakakakapagkwento tungkol sa isa ko pang pinagkakaabalahan. :) Maraming nakakita sa akin na in action sa pananahi, pero hindi naman ako nakikipag-tsikahan tungkol dito. At nagugulat din ang mga bagong kaibigan ko, kapag nalalaman nilang nananahi ako at may online business, ang Crazy Dreamy Crafts.   At dahil busy uli ako sa pananahi ngayon, hindi ako pinatulog nito! Grabe, nakahiga na ako at naka-lights out, tas ang daldal ng utak ko. ______________________________________________________________________­­­­­­­­_____ Iba ang ugali ko, kapag nagsusulat at nanahi. May alter-ego ata ako, biglang nagshi-shift. Peaceful ako at tahimik kapag nananahi. Hindi na ako kinakausap ng pamilya ko pag may hawak akong sinulid. Kahit may ka-chat ako, hindi ko muna pinapansin, hindi ako nagrereply sa mga text, naba-bad trip ako kapag may bi...

Uulitin pa (not really)

Noong December 16, sa Santo Domingo Church, first time kong makatulog sa patapos nang misa. 6pm, dala-dala ang violet kong backpack at hila-hila ang mabigat at malaking sakong bag (yung inilalako sa Quiapo at tabi-tabi, yung may zipper) bumaba ako ng jeep galing Quezon Avenue. 8pm sa UST chapel, anticipated na simbang gabi. Kahit nakatayo lang ako at nakasandal sa pader, habang nag-homily si Father, nakatulog na naman ako. Sa araw-gabi ko ba namang na pananahi, isang linggo na akong kulang sa tulog, pati na rin ang dormate kong si Sarah (super thank you!).         First-time ko kasing sumali ng bazaar noong nakaraang Linggo, para sa handmade business ko na Crazy Dreamy Crafts (like niyo ako sa FB!). Naisipan kong isulat ang experience ko, dahil alam kong maraming magtatanong. Napakarami kong supportive na mga kaibigan at sa lakas ko ba naman mag-share at mag-advertise sa Facebook, marami-rami ang mangangamusta.  Pero nakakasawa magpaulit-ulit ng k...