Kung Bakit Ba Talaga Ako Nananahi- Crazy Dreamy Crafts
TOTOO BA ITO. AT 1:25 AM 10/23/13.
Napansin ko
kasi, na maliban sa ‘Crafts’ tab ko dito sa blog, kung saan naandun ang
history, hindi pa ako talagang nakakakapagkwento tungkol sa isa ko pang
pinagkakaabalahan. :) Maraming nakakita sa akin na in action sa pananahi, pero
hindi naman ako nakikipag-tsikahan tungkol dito. At nagugulat din ang mga
bagong kaibigan ko, kapag nalalaman nilang nananahi ako at may online business,
ang Crazy Dreamy Crafts. At dahil busy
uli ako sa pananahi ngayon, hindi ako pinatulog nito! Grabe, nakahiga na ako at
naka-lights out, tas ang daldal ng utak ko.
___________________________________________________________________________
Iba ang ugali
ko, kapag nagsusulat at nanahi. May alter-ego ata ako, biglang nagshi-shift.
Peaceful ako at
tahimik kapag nananahi. Hindi na ako kinakausap ng pamilya ko pag may hawak
akong sinulid. Kahit may ka-chat ako, hindi ko muna pinapansin, hindi ako
nagrereply sa mga text, naba-bad trip ako kapag may biglang tatawag sa telepono
at iihi lang ako kapag natapos na ang sewing session. Heto kasi ang mga panahon
na blanko ang utak ko. As in blanko. Minsan nakikinig lang ako sa MTV o kaya
naka-replay ang isang album sa laptop. Basta parang automatic na
naghi-hibernate si brain. Kabaligtaran nitong pagsusulat kung saan sumisigaw at
nagwawala siya. Pag nanahi ako, I feel serene talaga! Ang nakikita ko lang ay
ang tela at sinulid, wala akong naiisip. Weird. Pero nare-relax ako. (Lalo na
kung troubled ako, *ahem love life*, edi magtatahi na lang ako haha)
![]() |
Selfie with the big sperm and The Fertilization purses |
Pramis, ang mga
tinatahi ko, hindi mo siya mabibili katulad ng isang dosenang pakyawan sa
Divisoria. Wala sa tabi-tabi ito. Extra ordinary.
Unique. Chos. Wala kang kapareho. At wala talagang makakapareho ang products ko
dahil mahina talaga ako manggaya ng characters! Ang daming kasing nagre-request
sa akin, si Cookie Monster daw, si Superman, One Direction, pati tatay ko
nag-request ng Minions. Nahihirapan talaga ako, kaya ang nangyayari
nag-iimbento ako ng mga sariling designs. Ayun, may isa akong design na sperm
cell. Seryoso. Sperm cell nga! Mayroon pa nga akong “couple products” – sperm
at egg cell purses, I call them “The Fertilization”. Ang benta nyan haha!
Pero dahil hand
made ang ginagawa ko at self-study lang ang lahat ng ito, mas nagkaroon ako ng mahabang pasensya. Paano
ba naman, tumataginting na 2 hours ang minimum ng paggawa ko sa isang keychain.
Kaya gusto ko ng book marks, mas madali at maliit. ‘Yun book pouch ang patayan,
‘yun isang nagawa ko, umabot ng 4 hours – madaling araw ko pa man din ginawa,
di na ako natulog.
![]() |
Gaano katagal ang bawat isa? Stuffed keychains - 2 hours; Bookmarks - 10-20mins; Book pouch - 2-4 hours |
Natutunan ko rin, nasanay na ako, na kailangan
mong paghirapan ang mga bagay bago ang result. The love and pain of labor. Trial
and error, nakaka-ilang sample at test run ako sa mga bagong designs bago ko
makuha ng tama ang shape o tahi o mismong paglo-lock ng sinulid. Seryoso ako
pag sinasabi kong “made with love and blood” ang mga tinatahi ko. Hindi ko na
mabilang kung ilang beses akong natusok ng karayom, nakabali ng karayom,
naggupit at nahiwa ang sarili. Syempre noong una, nagfri-freak out pa ako
“Ouuuuuch, ang sakit! There’s bloooooood!”, may mga band-aid at terramycin pa
akong nalalaman. Ngayon sasabihin ko lang “Aray” , complete with my poker face
tas sabay higop ng dugo.
Ayan kasi, hand
made – kung kailan technology age na tayo, doon ko pa natripan gumawa ng tahing
kamay! Ngayon kasi, parang ‘rare ability’ na siya, kakaunti na lang, mga
malalakas ang loob (hindi natatakot malugi, for the passion of making) at masisipag
lang ang nagve-venture dito. Bilib ako sa sarili ko, pero nagtataka ang ibang
tao. Ba’t mo ba paghihirapan gawin ang pwede namang murang bilhin?
Iba kasi ang
feeling na may natatapos akong made from scratch. Ang saya! Kahit medyo malaki
ang investment ko sa hirap at oras, okay lang. Alam ko kasi sa sarili ko na, ITS
ALL MEEEEE. Nakaka-proud sabihin na “Ako gumawa nyan”, parang nagluwal lang ako
ng anak haha. Lalo na kapag may nagsasabi ng “ang cute” o “ang galing naman”. Tsaka
sa panahon ngayon kung saan naglipana ang mumurahin Made in China sa bangketa,
its actually refreshing to make something na alam kong hindi sa loob ng factory
ginawa. Kahit little things, talagang pinaghirapan.
‘Yun binigyan ng attention ang bawat isa. Gumugol ng oras. ‘Yun talagang minahal.
#DramaLang
![]() |
Sewing progress ko for the last 2 days! 1st design ko ang Ice Cream Popsicles, they are making a comeback! |
Malamang noong
una, mygad ang hirap. Magpa-like lang ng page, nangulit na ako ng mga kaibigan!
Kung ano-anong modus operandi at raffle tuloy ang ginagawa ko, hanggang ngayon. Talagang itinaguyod ko ito, kinontrata ang
best friend kong magdesign ng logo at posters. Pinilit ko rin maging model ang
isa pang best friend para mag-mukhang legit ang photo shoots. Naloka talaga
ako, ilang beses ko nang naisip na i-drop ‘yun page at pananahi, baka kasi
mag-fail, baka tamarin ako, baka walang bumili! Buti malakas ang fighting
spirit ko, pwede na akong fighting fish! Huuuwaaat. Hanggang sa may mga nagli-like
na hindi ko kilala, maraming interested na nagme-message, hanggang sa may mga
orders na akong kailangan tanggihan dahil hindi na kaya ng sewing powers ko.
Hindi ko mapagsabay ang pananahi at school, minsan kaya – pag may order, pero
hindi constant. Kaya summer-sembreak-Christmas break lang ako nakakapg-release
ng items, may mga crafter friends akong nag-aalok na makisama sa pwesto nila sa
mga bazaar, gustong-gusto ko sana sumama kaso, wala naman akong ibebenta! Haruuuy.
Hmmm, on the
bright side, ang maganda dito, sa Pilipinas kaunti lang kaming nanahi. Kung
ise-search mo sa google ang “cute felt products” ang daming rin gumagawa, pero
karamihan sa mga crafters ang nasa Amerika o kaya sa Europe. May mga kilala rin
akong local hand made shops, karamihan sa kanila, katulad ko nag-aaral o
kaka-graduate lang. Sariling sikap. Pero nakakatuwa, dahil hand made siya, iba
ang itsura ng mga produkto ko sa kanila. Kahit parehong baboy o cupcake,
magkaiba pa rin ang version na kinalalabasan. Depende sa level of creativity,
sa pag-polish ng mga tahi at sariling rendition ng crafter. Ako rin ang bahala
kung anong magiging istura at anong kulay ang gagamitin ko. Talagang may
distinction ang designs at iba-iba rin ang focus ng mga fellow crafters ko, may
ibang puro cellphone charms, may puro wallets, Japanese manga dolls, cartoon
characters, may gumagawa ng unan. Iba-iba rin ang price range, target market at
location namin, kaya may sari-sarili din kaming customers.
![]() |
Cutie pamangkin! Cupcake cand rainbow clips |
Sa totoo lang,
akala ng lahat walang patutunguhan ‘tong ginagawa ko, hobby lang. Bagong
kalokohan ko na naman na susubukan tas hindi itutuloy, parang ‘yun painting at
sketching ko noong bata. Hindi rin ako
sineryoso ng magulang ko, wala naman kasi sa lahi namin ang mga modista, puro
running stitch lang ata ang alam nila haha. Pero sinamahan naman ako ng tatay
ako sa Divisoria para mamili ng materials. Buti na lang, hinayaan lang nila
ako. Buti natagalan ko. Noong
nagkakaroon na ako ng orders, napansin na rin ito ng mga kamag-anak ko, sila din
ang una kong mga avid customers. Mayroon din akong dalawang pinsan, ang isa nasa sa Amerika, na super
supportive! Lagi silang nagpapatahi ng hair accessories para sa mga cute-y pamangkin ko at nagpadala pa sa US ng bulk-order ng
keychains bilang give-away sa birthday party
![]() |
Birthday party donut keychain giveaways |
![]() |
Egg ponytails! |
Kahit ang liit
pa lang nitong business, of course may pangarap din ako dito! :D Pagka-graduate
ko ng college, (na few months from now na lang SANA) balak kong i-full blast
‘to kahit papaano. Siguradong jobless/unemployed ako, ayaw ko naman matengga ng
ilang buwan. Kaya lalawakan ko ang product offerings, may sewing machine ako at
may isang malaking plastic box ng tela. Karamihan
din sa ginagamit kong mga hand bags at pouches, ako ang nagtahi. Ako rin ang
tailor dito sa bahay, repair ng mga uniform, kobre kama, tuwalya, pantalon,
bra, kurtina, trapal. Gusto ko rin mag-aral gumawa ng damit, skirt pa lang kasi
ang nasusubukan ko. AY WAAIT, OHHH! Agenda ko rin pala magtahi ng lingerie!
Hahaha OO –‘yun mga see through, lacy, naughty, (nag-underwear ka pa) lingerie!
May isang
journal din ako na puno ng designs at sewing projects na hindi ko pa nagagawa. Kaya
balak ko rin mag-stock na, mabenta kasi talaga ang December at kabi-kabila ang
bazaars! Ultimate fan talaga ako ng mga bazaar please, kaya sana sa December
2014, kabi-kabila rin ang pagsali ko, yey! Naiisip ko rin, namin ng magulang
ko, na kung sakaling magkaroon ng demand, baka humanap na ako ng tutulong sa
akin. Dyusporsanto, naawa din ako sa kanang kamay ko. Mahirap na ako lang
mag-isa, iilan lang ba ang kaya kong tahiin sa isang araw. Overworked tuloy madalas
pati ang shoulders, na kailangan kong paliguan ng Katinko lalo na kung may
malupit akong deadline. At ang isa pang matindi kong pangarap, ay ang magkaroon
ng physical store! Well, pero mukhang matagal pa at magastos sa tax ‘yun.
Kung hindi
siguro ako nanahi, ang boring-boring ng mga huling summer at sem break ko.
Hindi ko kaya humarap ng isang araw sa tv, ako kasi ‘yun tipo ng tao na dapat
may kailangan ginagawa. At heto kasi ang sure akong baon-baon ko sa pagtanda. Sa
future, pag nagka-anak ako, tatahian ko siya ng mga damit (mahal ang damit
pambata, lagi kong chinecheck, kakapiranggot na tela susmiyo P300 na sa
SM!) at gagawan ko siya ng fluffy stuff
toys! At kahit pa anong mangyari sa business ko, maging maliit pa rin o lumago,
sigurado akong hindi ako hihinto. Dito ko kasi talagang napapatunayan sa sarili
ko na productive ako. Masyado akong masaya para itigil ang makulay kong
kabaliwan!
Ui, nagsimula
akong manahi noong sembreak ng 2011, taray! 2nd anniversary ko na
pala! :D Sa mga susunod na anniversary pa, hihi, happy sewing and support
local-hand made businesses! Mwah!
PS. Paki-like po
ng page! Crazy Dreamy Crafts Maraming salamat talaga supeeeer!
3:47 am – Wednesday - 10/23/2013
Comments
Post a Comment