Tide (of the Ipis)
‘Pag bumuhos ang malakas na ulan sa UST. Taranta. Di lang estudyante, pati na rin ang mga ipis. Isa-isang, dose-dosenang nag-uunahan, nagkakandarapa palabas sa butas ng manhole. Tumatakbong, palayo. Nakikisilong sa ilalim ng carpark. Pero unfair din pala ang buhay, kahit sa ipis. Nang ang mga naka-Accountacy uniform, skirt na hapit, makinis at shaved legs, makintab, itim ang sapatos na may matataas takong, Sabay-sabay na tumiliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii! “AAAAAAAAAAAAYYYYYY!, EWWWWWWW!” Tili ng tili. Para mapapatunayan ang pagkababae o pagkamayaman o pagka-duwag. Sabay, APAK! Apak pa ulit. Talon, sabay apak. ‘Pag may napatay, mas matining na tili. Di man lang nag-isip, naunahan ng diri. Na ang mga ipis na maliit, nais lamang lumisan sa takot ng baha at malakas na ulan. Dahil sila’y giniginaw din. *True story. March 22, 2013 sa UST carpark. Ang sarap lang sampalin nila Ate, wala ba silang puso?! Ano bang g...