Neneng


Nakasakay ako sa UV Express shuttle van na mula Bicutan hanggang Lawton last Monday nang may madaaanan na isang laundry shop sa Bautista o Leon Guinto ng Brgy. Palanan, ewan ko lang kung Makati o Manila na ito. Bigla kong isinulat sa hawak kong notebook ang pangalan ng laundy shop.

Na-intriga talaga ako sa pangalan ng store nila. Parang ganito pa nga ang font style ng signage..



Naisip ko lang, “Kawawa naman si Neneng, pinaglalaba na agad.”

Malamang kung talagang pinaglalaba si Neneng, sa batis siya pupuwesto. Matapos niyang lakarin ang ilang kilometro ng masukal na gubat at matalahib na patag mula sa kubo nila.  Dala-dala niya ang isang malaking batya. Hindi ‘yun plastic, pero ‘yun malaking tansa. Uupo siya sa malaking bato sa tabi ng batis.

Kaya ganyan ang naisip ko, sa probinsya ko kasi naririning ‘yun 'Neneng'.  

Dahil nasa Makati/Manila siya, kawawa naman si Neneng. Sa murang edad, sinasabak agad sa mga washing machine na may Clorox at litro-litrong fabric softener pampabango. At biruin mo! Laundry shop pa ‘yun, kilo-kilong labahin! Mga bed sheet, comforters, kumot, tuwalya, uniporme, at lahat ng mahirap at mabibigat na labahan. Siya pa rin ang magpla-plantsa!

Buti na lang may washing machines na, kung hindi, child labor na ‘yun. Pano para sa akin, ‘Neng’ ang mga may edad na sampu pababa.

Neng ang tawag sa mga nagbebenta ng sampaguita sa kalye. Neng ang mga kumakatok sa salamin ng kotse kapag natrapik ka sa intersection ng highway. Neng ang mga sumisigaw ng ‘banana-kyuuuu’, habang paikot-ikot sa subdivision na tangan ang mabigat na basket ng minatamis na saging. Neng ang lumalabas na naka-sando lang (o nakasuot na ng baby bra) at nakikipaghabulan sa kalsada. Neng ang mga mahihigpit ang kapit sa palda ng nanay nila, habang nakikipagsigawan/nakikipagtawaran si inay ng mga gulay at isda sa palengke.

          Neng ang mga walang kamalay-malay na nakikita na ang panty sa pagkabukaka.

Okay lang, Neng ang mga inosente at walang malisya. (Naku, hindi na talaga akong pwedeng tawagin na Neng!)

Pero minsaaaaaan, naiisip ko, ‘Neng’ ang tawag ng mga pedophile sa mga batang minamata nila. HALA! haha. 

May tumawag na rin sa akin ng “Neng”. Ang weird, madalas kasi, ‘Ate’ o ‘Miss’ na ang tawag sa akin.

Gusto ko tuloy sabihin,

“Susko, hindi na ako naka-baby bra, magbe-bente na ako!”

 Huwag na huwag ulit akong matawag na ‘Neng’.

Katulad ng favourite line ni Aljur Abrenica, complete with the fork and hotdog pa.. “Di na ako baby!”


Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay