Summer tas may sakit? Really?! + OJT



Ngayon ko lang hindi nalasahan ang Vienna sausage. Ngayon ko lang din binitawan ang patis dahil para san pa? Kung di ko rin naman malalasahan.

(Ang weird ata ng intro ko haha. Super weird.) Anyway..

Napapagod na siguro ako. Sa isang linggo, anim na araw akong umaalis ng bahay. Monday to Friday na OJT at writing workshop sa Saturday.

Para makapunta sa on-the-job training ko sa malaking network na may makulay na puso, 3 sakay ang kailangan kong gawin. 30 mins na tricycle (oo, dito sa side na ‘to ng Paranaque lang ako nakakaranas ng napakahabang tricycle ride), 30 mins na skyway jeep at 30 mins na MRT. Minimum 1 ½ hours ang byahe ko, 2 hours pag na-trapik.  2 ½ hours naman ang  ang masasayang sa buhay ko, kung uuwi ako ng 6pm at makikipagsabayan sa uber tinding rush hour. Kaya madalas minamabuti ko nang late umuwi para mas mabilis ang biyahe.

One time, nakauwi ako ng 10:30 pm, sakay ng ordinary bus mula Kamuning-Edsa, hanggang Bicutan, Paranaque. Hindi ko mabilang kung ilang stop-over ang ginawa ng bus. Ang alam ko lang, ako ang tanging pasahero na pinakamatagal na nakaupo sa bus. Nakapanood kasi kami ng shoot ng pagi-interview sa holdaper (yeap, ini-interview ang holdaper, ang COOL) Ok ang experience, narinig mo ang mga kuwento nila. Napa-over time na naman kami ng hindi counted sa hours. ‘Yun nga lang super paranoid ako sa bus, tinitignan ko lahat ng mga muhka. Pano nabanggit nila na sa ganun lugar daw ang pinupuntirya nila. Susko! Dilat na dilat ang mga mata ko, kahit ang lakas ng hangin sa EDSA. O.O

Okay. Balik tayo sa sakit. Nakakapagod/masama siguro ‘yun init, lamig, init, lamig. Mainit at polluted na hangin tas malamig na office.

Kaya noong Monday, maaga na akong nag-out sa ojt. Nakakatulog na ako sa cubicle namin,  paubos na rin ang tissue na dala ko. Pano pagpasok ko pa lang sa umaga, effort na. Tipong ‘yun MRT pa na nasakyan ko, walang aircon. Sa 11th station pa ang baba ko at nandun pa ako sa part ng may mga lalaki. Parang huwaaat.

Tas feeling ko nagha-hallucinations na ako pauwi. Akala ko nagsisiga ‘yun kapitbahay namin, kitang kita ko ang makapal at malaking usok, kulay abo talaga. Pero nang palapit na’ko sa bahay, walang namang siga. Ang nakita ko pala ay ‘yun kulay gray nilang mataas na pader. Like, usok = pader? Anyare?

Hah. Di na rin tuloy ako pumasok noong Tuesday.

Mahirap magkasakit ‘pag summer. Di mo na kasi alam kung ‘yun pawis mo ba habang natutulog ay dahil sa lagnat o dahil hindi kaya ng electric fan ang init kahit mga 6pm na. Sabay magpapahid pa ako ng katinko sa noo, ilong, likod at dibdib, mas lalong uminit. Minsan nga, pagkasinga ko sa tissue ng super blockbuster ko na sipon, gusto ko na lang ipamunas 'yun hawak kong tissue sa pawis ko. Para tipid. (Hindi ko naman 'to ginawa, kahit gusto ko talaga!)

Sa mga ganitong pagkakataon, naiisipan kong lutuan ng chicken soup ang sarili ko. Uso ‘yun diba? Pag may sakit ka, tas pahigop-higop ka lang ng sopas. Pero biglang may tutulong pawis sa noo ko, summer nga pala ngayon. Hindi ba inaalay ko ang sarili ko sa heat stroke kung magchi-chicken soup pa ako? Kaya kinuha ko na lang ang pitchel sa ref, nagtimpla ng pineapple juice.

       Buti na lang, as of now, okay na rin ang pakiramdam ko. Makakapasok na ako bukas! Yeyeyey! Pano, kailangan talagang pumasok, wala pa ako sa kalahati ng 200 hours ko. Atrasado na ako, sana matapos ako sa OJT ng 3rd week of May, para naman kahit papaano may 1 linggong ‘summer’ pa rin ako. Shucks.


               

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay