Matindi at Masayang #ThrowbackThursday!

May project kami sa Marriage and Family, e-family scrapbook. Kaya kagabi napahalungkat ako sa folders sa 600gb na hard drive. Buti na lang napakasipag ng Tito ko (miss na kita Tito, bisita ka rito)  na na-collate per year ang lahat ng pictures ng pamilya namin. Nakita ko ang mga pictures noong 10 yrs old ako.

#tbt. Ang cute, cute, cute ko pala noong bata ako. Tinitignan ko ang sarili ko, mataba at masaya. As in, ibang smile talaga!  

yun oh! CUTE. :))

Heto ang mga panahon na wala akong inaalala. Sa pagkakatanda ko, summer ito sa Amerika.  Kain at tulog, napupuyat ako sa kakanood ng Disney channel. Hindi pa uso ang to-do list sa murang edad ko. O walang magagalit na ka-grupo (o hindi ako magagalit) kapag hindi nakapag-contribute sa kung ano-anong paper na actually, sayang lang sa ink at papel.

Nakaka-miss ang mga panahon na gumigising ako ng maaga, hindi para tapusin ang school works kundi dahil inuunahan ko sa computer ang ate ko para maglaro ng Sims 1. Ang pinoproblema ko lang bago matulog ay kung anong design ng floor tiles ang ilalagay ko sa bahay ng Sims. Ngayon, madalas sobrang inaantok akong nakaupo (minsa’y tuluyang nakakatulog) sa harap ng laptop at sa malamig na floor tiles ng dorm.

         Heto ang edad na ang tanging hinahabol ko lang ay si mamang taho tuwing umaga, Selecta ice cream bike-cart naman sa hapon sa loob ng aming subdivision at ang tuta naming nakakatakas sa gate ng bahay. Wala pa akong hinahabol na pirma ng kung sino-sino para sa mga dokumentong malusog sa stapler wire na kailangan ipasa at pirmahan uli, magpaikot-ikot at magpabalik-balik.

       Sa college ko lang nasubukan na umiyak ng tahimik, sa classroom ng may prof, o maglakad-lakad sa UST ng nagpupunas ng luha o mag-shower ng  mas malakas pa ang tulo ng tubig sa mata kaysa sa gripo. Dati kasi  ngumangawa ako ‘pag ayaw kong pumasok dahil gusto ko lang manood ng Pokemon sa Cartoon Network o  kapag nagsasawa na ako sa backpack ko. 

       Ngayon ko na-rerealize na totoo palang mami-miss mo lahat noong bata ka. Iba na talaga ang load work ngayon, lalong mag-iiba pa sa future. Kung dati’y ang iniintay ko pagpapasarap sa 2 months na summer, ngayon kating-kati na ako para sa 3 weeks na sembreak. Para lang makahinga.

Marami man ginagawa, enjoy pa rin. Nakaka-miss man ang dati, wala kasing choice kundi makisabay sa buhay. Kaya pressured man basta masaya, sobrang okay na!

Gusto ko lang humingi ng pasensya sa lahat ng naiirita dahil malakas akong magpicture, pero tine-treasure ko ang bawat isa.

Sa tingin ko kasi, dito lang maibabalik kahit sandali ang dati. 

Favorite pic ko ‘to, Jurassic Park water ride. Mabangis kumuha ng picture ang tito ko, kakahulog lang namin mula sa mataas na mountain. Shinoweran ng tubig sa lake pagkarating sa baba. Sobrang prepared ng ibang tao na naka-rain coat pa, haha.  

Feeling ko talaga sa ilang segundo, tunay kaming masaya. Ako, ang ate ko at ang hindi ko kilalang cute na Hapon sa likod namin.

Circa 2004, Universal Studios Hollywood.



*Kay Tito Clar, miss na kita tito! Uwi ka rito, please :D At thank you po sa napakaraming pictures, ang dami-dami mo palang na-save. Buti na lang hihi! Mana ata ako sa'yo sa pagpi-picture. Ngayon, ikaw naman ang pi-picturan ko at ikaw naman ang ipapasyal ko <3


Ate, me and Tito Clar!

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay