Posts

Showing posts from 2012

‘Anim na Sabado ng Beyblade’ sa December 24

“Napabilang din ako sa beyblade ‘craze’ noong ako’y bata (kahit pa man babae ako). Isa lang ang original kong beyblade, yung kulay blue, kaya naman naging paborito ko ito. Minsan isinama ako ng tatay sa Cartimar, ibinili niya ako ng pinakamalaki kong beyblade, kulay puti. Doon lang din ako nakanood ng live beyblade battles pero dahil mahal ang beyblade ‘stadium’ kung saan dinaraos ang paglalaban, binigay na lang sa akin ng aking mga magulang ang kulay green na batsang panlaba.” Ito dapat ang una kong maaalala sa pagbabasa ng ‘Anim na Sabado ng Beyblade’. Dapat tuwa at saya ng nakaraang childhood, carefree na paglalaro, walang problema basta hawak ko ang beyblade ko. Pero hindi. Nasa jeep ako nang matapos kong basahin ang sanaysay. Hindi ko nabitawan ang photocopy, sa tricycle at jeep, sumakit man ang mata ko o mahilo, tuloy ang pagbabasa.  Hindi ko alam kung anong mararamdaman, iyakin pa naman ako sa mga bagay na ito. Hindi naman ako maka-iyak dahil nakapalibot sa aki...

Beer at Sinulid

“Ricky” Sunod-sunod ang tapik sa akin ni Jane. Sabado naman ah, bakit niya ako ginigising? “Ricky, ikaw ba yung nagpasok ng lahat ng sinulid ko? " “Oo” “Ano na naman bang pumasok sa isip mo?” _________________________________________________________________ Kagabi , pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko na naman si Jane na nanahi. May alas-onse na, madaling araw na naman siya matutulog, sa makalawa na kasi ang delivery niya ng sampung kurtina. Noong isang buwan niya pa’to ginagawa, kung hindi lang sana napaka-arte ni Dona Clara at  gustong burdahan pa ng Japanese sequins at beads ang telang gawa sa Korean silk. “Naghanda ka pa, kumain na ako. Mamaya ka pa matatapos?” Nanatiling nakakunot ang kanyang noo.  “Jane?” Binitawan niya ang karayom at inabot ang Manila beer na nakatago sa likod ng mala-bundok na kurtina. Humagikhik ito, parang tawa ng bata. Tawa ng isang sira-ulong murderer na papatayin ang isang laruang manika. Nilapitan ko siy...

Uulitin pa (not really)

Noong December 16, sa Santo Domingo Church, first time kong makatulog sa patapos nang misa. 6pm, dala-dala ang violet kong backpack at hila-hila ang mabigat at malaking sakong bag (yung inilalako sa Quiapo at tabi-tabi, yung may zipper) bumaba ako ng jeep galing Quezon Avenue. 8pm sa UST chapel, anticipated na simbang gabi. Kahit nakatayo lang ako at nakasandal sa pader, habang nag-homily si Father, nakatulog na naman ako. Sa araw-gabi ko ba namang na pananahi, isang linggo na akong kulang sa tulog, pati na rin ang dormate kong si Sarah (super thank you!).         First-time ko kasing sumali ng bazaar noong nakaraang Linggo, para sa handmade business ko na Crazy Dreamy Crafts (like niyo ako sa FB!). Naisipan kong isulat ang experience ko, dahil alam kong maraming magtatanong. Napakarami kong supportive na mga kaibigan at sa lakas ko ba naman mag-share at mag-advertise sa Facebook, marami-rami ang mangangamusta.  Pero nakakasawa magpaulit-ulit ng k...

Photocopy

Siya ang pinakamatalinong Xerox girl na nakilala ko. Ay mali, photocopy girl pala. Tanging tag line/quotable-quote/pangaral niya ang ‘Xerox is the machine, its photocopy’. Matagal ko na siyang nakikita, palangiti, makwento at mabait. Maraming katrabaho ko na ang nagtangkang makipagkilala, sagot niya raw palagi ay ‘hindi kita kilala’. Ayaw tumanggap ng calling card, ayaw naman ibigay ang cellphone number. Buti marami akong ID. Tuesday – Company ID Tatlo ang naunang nagpa-photocopy, lahat sila ‘xerox’ ng ‘xerox’.  “Xerox is the machine, its photocopy.” Inabot ko ang ID, “pa-photocopy” sabi ko. Tumingin siya sa akin, saba’y ang pagkorte ng simpleng saya sa aming mga labi. Wednesday - Resume                 “Hmmm, Relations department? Sira ba yung photocopy machine dun?”, inusisa niya ang resume ko.             ...

Kulay

“Oi, saan room tayo?” - Sa kuwartong madilim, mailap ang tingin. San ilulugar ang mata, sa’yo? Pwede ba? “Nahiya yung polo ko.” - Kung may award sa polo na pinaka-pino ang plantsa, panalo ka na.  Dahil kung ako pagpa-plantsahin ng ganun, malamang lalabas ka ng bahay na naka-sando lang. “Ang bango!” - Musk, dark musk, ang sabi nila. Surf o Tide, para sa akin. Malayo ako para masiguro ang bango. Masyadong malayo. “Okay ka lang?” - Kinabahan ako. “Uwian na!” -  Patuloy na lumalim ang gabi, naghiwalay ang ating landas.  Ako palabas, ikaw paakyat. “Bawal sumakay diyan.” - Kakulay ng polo mo ang elevator.  Ninais kong makita na suot mo ang kulay na ito: maamo, maaliwalas, parang may ginhawa ang bukas. “Ano na?” - Unti-unting nagsara ang mga pinto ng makinarya. Hindi lang para sa akin ang kulay ng langit. "Tapos?" - 

Pagtitiis

Namula ang aking daliri, di nagtagal nangati na ang paligid. Tinanggal ko ang metal, pero kailangang ibalik. Ipinilit. Inikot-ikot. Para lang matahimik. Ito ang utos ng Diyos, bawal ang sumibat. Patuloy na nagreklamo ang manipis na balat, nagbanta ng pagsusugat. Di nagtagal, konsensiya’y kumampi sa maliit, malambot at batang-bata na daliri. Ninais kong itago pero ipinaubaya ko sa maruming ilog, ang paglunod sa alaala ng kumikinang na diamond. Initsapwera ang ‘kasalanan’, Sa wakas, nakahinga ang katauhan. Eh anong magagawa ko? Allergic ako sa wedding ring.

Resibo

Ang tanging maitatago ko lang ay isang pirasong resibo na may sulat-kamay mo at pirma ng iyong amo. Natatandaan ko pa ang iyong mga matang puno ng interes, ang kala’y masungit na itsura pero sa harap ko’y palangiti. Ang hindi kagwapuhang mukha, na nababawi ng iyong matipunong tindig. Namatay na nga pala ang alaga kong goldfish.  Wala na akong rason para bumalik. ________________________________________________________________ Binalot ng init ang ating mga katawan. Hindi nakatulong ang pag-alburoto ng kulob na lugar sa palubog na araw. Basa na ang manipis kong panyo. Kulang sa biyaya ng aircon ang sunod-sunod na pasilyo at tabi-tabing tindahan.  Hindi ko naintindihan ang sinabi mo. Mailap ang mga kilos mo, mailap naman ang mga mata ko. Hindi ako makatingin, hindi ka naman makadikit. Walang magalawan, kaya wala rin tayong nagawa kundi tumuon sa isa’t-isa. Pang-apat na beses ko nang pinaulit ang sinasabi mo, kaya natawa na lang ako. Tumawa  ka rin. T...

Stop

A month ago, this started. And now, things may stop, but it doesn't have to end.

Mahal ang Appliances

"Pagod na ako Dina." "Ayan, pagod na naman. Yan lang ang nararamdaman mo. Pag-uwi, pagod. Pag may sasabihin ako, pagod. Pag nasa kama tayo, pagod. Ako rin napapagod! Subukan mo kayang magluto ng kanin kung hindi ka mas mapagod?" Umupo ako sa silya. Lalamig na naman ang hapunan ko, papalamigin ng pagtatalo. Pero sa pagtatalong ito, si Dina ang host habang ang audience ay ang pulang itlog, kamatis at ako. “Hay, nako. Sabi na eh...” tuloy ang satsat ni Dina. “..pakiramdam ko lagi na lang akong dumedepende sa’yo...” tuloy din ang subo ko. Sana may tuyong kahalo ang plato, o kaya naman sardinas. “.. rice cooker, refrigerator o plantsa!”  Pagkatapos nito, mahihiga na ako. Maaga pa ang call time ko bukas, bibisita raw ang Regional Head. “Ramon! Nakikinig ka ba?!” sigaw ni Dina. “Teka, eh bakit ba nasama na naman ang appliances sa usapan?” “Aba, eh pano yan ang hindi mo mabigay sa akin! Kahit rice cooker lang, dyusko sa tingin...

Coffee Jelly at Takot

Bumili ako ng Coffee Jelly, yung grande, sa rip off na Starbaks dito sa tabi ng dorm. Sabi ko,  “Ate, yung pinakamatapang na coffee-based”. Pero kahit na ang pinaghalong jelly, kape at sandamukal na asukal, sumusuko na. Mage-edit na ako ng Filipino. Pagkatapos, maglilipat ng nagawang istorya mula sa stationary papuntang laptop. Gusto ko nang matulog. Mukhang mapapasubo na naman ako sa pikit-matang, nakakatarantang, kamot-ulong pagsusulat bukas. Heto na naman ako, pang-ilang screening ko na to. Pang-ilan na talaga. Ngayon, hindi na ako nagtataka, sa mga 3 hanggang 5 oras na screening. Basta pipili ako ng upuan na katabi ng pader o bintana, may dalang dyaket. Dahil alam kong 4/5 ng inilalaang panahon para magsulat ay magagasta ko sa kakaisip, kakatanga. At sa huling 40 minuto, doon mamumulikat ang mga daliri ko sa pagsulat ng mabilis, ng mga salitang nagsasayaw ng cursive. Oras ang gugugulin, utak ay paduduguin. Sana naman ngayon, tawagan na ako. Eh pano kung hindi? Na ...

Sigurado?

“Mahal mo si Annie?” “Oho.” “Mario, alam naming responsable ka. Pero kung hindi buo ang isip mo, hindi ka namin pipilitin.” “Kung hindi naman ho, wala ho ako dito ngayon.” “Sigurado ka bang talaga?” pang-uusisa ni Mang/Tatay Jun. Paano ko ito sasagutin? Dahil para sa akin, walang bagay sa mundo ang sigurado.  Kahit nga ang Safe Guard, Head and Shoulders, Biogesic o alcohol hanggang 99.9% lang ang napapangako. Walang taong sigurado. Maski ako. Kahit dalawang linggo na lang ay magaabang na akong nakatayo sa harap ng altar.  At sa apat na buwan, may bagong dadagdag na buhay  sa aking murang edad. Sa isip-isip ko, ang matinding katunggali ng kasiguraduhan ay pagbabago. Mortal na magka-away na pinag-aaway ang mga mortal sa mundo. Kaya nagkakaletse-letse ang buhay dahil sa mga umaasang ‘siguradong walang pagbabago’. Ang pag-ibig, pangarap at kinabukasan, walang kasiguraduhan.  Ang pag-ako ng responsibilidad, yan ang sigurado. Sigura...

PDA = Public Display of Affliction, Adversity or Attack

          Is it just me or masarap talagang panuorin ang mga mag-syota na nag-aaway in public? Parang nakakatuwang lumapit sa kanila, at mahinang sabihin ang mga katagang "uiiiii, may issuuuueeeeee". Kadalasan, gusto ko na lang umupo sa isang tabi at manuod, kasama pa ang extra large buttered popcorn at ga-litro ng softdrinks. Heto ang real life drama. Walang take-two, walang script, at lalong walang nakakaalam ng ending. Action, suspense o minsa'y horror! Siguro maganda kung gagawa ng reality show base dito. May hidden cameras na nakatago sa poste, paso ng halaman, pwede rin sa basket ng mambabalot, depende sa senaryo. Dapat 3-cam set up: CAM 1= Close Up sa lalaki, CAM 2 = Close Up sa babae at CAM 3 = Wide Shot. Kinakailangang super HD, para kitang-kita ang raw emotions ng mga couples (or soon to be ex-couples). Tapos every week may special edition, nag-aaway na mga artista o pulitiko! Mauungkat ang rason ng mga pag-aaway, sino kaya ang batang kabit ni...

Takot sa Sakit

Bakit ako matatakot sa iyo? As far as I know, hindi ka naman alien, o maligno. Bakit pa magdadalawang-isip, sa butihing pang-aakit? Kung hindi naman sa'yo isisisi ang anumang sakit.

Bata ka pa

Palaruan ko tong Plaza Dilaw, kahit maliit lang may mga halaman. At may iba’t-ibang kulay pa ang pintura ng mga upuan dito, tapos sa gabi. Wow! Yung mga poste ng ilaw, parang pinaghalong mga candy na nakatusok sa stik! Tapos sa harap ng plaza, may malaking building! Ang ganda talaga kahit luma na, dati nag-uusap kami ng mga kalaro kong sina Tony at Boboy, pag dumilim tatakas kami dun sa nagbabantay na gwardiya. Tapos papasukin naming ang lumang building, baka may mu-mu, mga namatay nung gera! Nung nakaraang buwan pa yung plano, pero ayaw talaga nung dalawa. Mga duwag. Sabi ng nanay nila masama daw yun, ang sabi ko naman “Ba’t niyo kasi sinabi sa nanay niyo?!”. Pero kapag wala pang tao masyado, sumasama na lang ako sa kanila. Iba-ibang raket kasi ang ginagawa nung magkapatid na yun! Minsan nagpupunas kami salamin ng mga mamahaling kotse, daanan ng kotse ang katabing kalsada. Ang lapad ng kalsada, kaya pag naka-red yung stoplight, takbo kami agad kasama ng bote ng tubig at basahan!...

Ctrl+S: ex

Pinapatanda siya ng alanganing daster, alanganing lingerie na suot, pagod ngunit malumanay ang mga mata. Nakatiklop ang mga braso sa baba ng kanyang dibdib, walang bra, siya’y dumungaw sa akin. “Hindi ka pa ba matutulog? “             “Tatapusin ko lang to.” bumalik na ulit ang tingin ko sa monitor. Yun ang iba sa kanya, ang pag-unawang gumuhit sa kanyang labi. Nakatali ang buhok na ginulo ng pumalit sa akin, na dapat niyang kayakap sa kwarto. “Unan na naman ang kasama ko.”  hinihimas ng kanan niyang kamay ang kaliwang suso. Mahirap hindi magpadala sa ganitong nagpapaawa at nang-aakit na boses. At mas mahirap di matukso sa malikot at malambot niyang mga kamay. Alam ko. “Pag-gising mo ulit, katabi mo na ako”, pangako ko. Ngumiti siya, tuloy ang tagaktak ko sa keyboard. Tumalikod na siya mula sa akin, halata ang ambok ng pwet at naglakad pabalik sa kama. Iniwang bukas ang pinto. Kahit nung mga te...

I may cry but I am strong eklat, eklat, eklat (kainisan sa mga photo captions)

          Bakit ba pag nagpo-post ng picture sa mga social networking sites, eh kailangan pang saluhan ito ng mga pagkahaba-habang quotes?           Eto yung mga caption at descriptions ng kanilang vain na mga larawan. Minsan naman, lyrics ng kanta na madalas ay hindi naman talaga tugma. Palagay ko nagpunta lang sila ng Google, sinearch ang "quotable quotes" o "inspiring song lyrics" at kinopy+paste na lang basta nang hindi nila naiintindihan.           Anong silbi ng paglalagay ng mga ganoong kataga? Hmmm, maaring sabihin na dahil yun ang nararamdaman nila, and that quote/song best describes them. Pero, dyusko naman! Simula ng maging friend kita iisa lang naman ang itsura mo sa lahat ng mga picture! Nauurat talaga akong makakita ng ganito, tas sandamukal pang mga tao ang nagli-like ng photo. Watdeeeeeeeff? Ni hindi talaga konek yung quote mo, dun sa sitwasyon na kinuwento mo at dun sa picture mo. ...

Hawak sa Pisngi

         Matapos ang mga pagkikita, pagkikitang karamihan ay aking sinadya. Ngayon, nagbabantang maglaho ang kasiguraduhan, kaya ang iyong tinig at mga mata wala akong ibang magawa kundi tandaan.         Ang iyong tingin na parang isang malambot na unan, kamang masarap higaan sa pagtatapos ng sinubok na araw. Pinapantayan ng tinig mong katulad ng marshmallow, natutunaw sa init ng matapang na kape. Kapeng gumigising sa aking kalamnan.          Hindi ko mapipigilan. Dahan-dahang kong ilalapat ang aking kanang kamay sa kaliwa mong pisngi. At habang naghahalo ang strawberry lotion ko sa iyong shower scent na pabango, maglalakbay ang pinipilit maging malambot na mga daliri sa iyong balbas ng edad at talino.          Isasara ko ang aking pagod na mga mata sa malumanay na senaryo. Kakalimutan lahat ng mga nangmamata ng ilang segundo.          At sa muling pa...

Tay, Huwag Mag-alala

Kakauwi ko lang ng bahay, galing sa dinaos na WIT 2012 seminar ng Visprint (more on that later). Sumalubong sa akin ang tanong na, “Bakit yung mga kaibigan mo hindi naman pumunta? Ikaw punta ka ng punta.” Naambunan ang kaninang naghihimutok na kasiyahan. Hindi ko malaman kung bakit ako kailangang ikumpera sa iba. Lalo na sa mga kaibigan ko. Eh iba ang trip ko sa kanila. Trip ko ang mabasa, magsulat, manuod ng mga indie films at plays. Pangarap kong makapunta sa mga art museums at maka-attend sa kung ano-anong artsy at literature events. Okay lang sa akin kahit gawin ko lahat ng mag-isa. Ngayon, mas pamilyar na ako sa Maynila at naging suki na ng Google maps. Para sa akin, basta may pera at alam ko kung paano makakauwi, walang problema. Isa pa ang malaking tutol sa pagbili ko ng mga libro. Gosh, sa totoo lang ngayon ko lang naranasang ma-discouraged bumili sa Book Sale. Naiintindihan ko ang katwiran na maaring magsasayang lang ako ng pera at marami pang pwedeng mapuntahan ...

Nawawalang Pera, Dorm at Corned Tuna (special participation of 'Hamsterdam')

Ano ang pakiramdam ng nawalan?  Sa isang bigla, isang kurap, isang gabi o isang pasintabi naglaho ang pinaghirapan. Nawawalan ako ng pera na nasa loob ng cute na brown envelope. Huling tanda ko nasa loob lang siya ng bag ko, ilang araw nang nakalipas yun. Hindi ko alam kung paano at saan naglaho ang envelope na akala ko’y effective na taguan. Hindi ko alam kung nahulog ko pagdukot ng gamit sa bag, o nasilid ko sa mga dyaryong panlinis kay Hamsterdam at di napansing ipinakain sa trash can. Mahirap pala mawalan ng pera nang di namamalayan.  Pera na pinakaingatan, pera na plinano mong mabuti ang kahahantungan.  Pera na marahang itinabi, nagpapalakas ng  aking disiplina para di bumili. Hindi ko mahanap ang P500 na binigay ng lola ko. Hulog ng langit nang binigay niya to,  sabi ko makakanood ako ng BONA. Nang malaman na may Writers In Talks (WIT) ang Visprint at magbebenta ng libro, sabi ko sakto. Babawas ako ng kaunti sa P500, pwede nang makabili ng ba...

28 days

Utang na loob! 28 days na kitang hindi nakikita. Hindi ko na kailangan ng scientific calculator o table ng degrees of freedom (na dapat ay inaaral ko ngayon) para malaman na 2 araw na lang ay mag-iisang buwan na kitang di nasisilayan. Naalala ko pa, birthday ko nang huli tayong nagkaharap. Feeling ko, moment of truth. Sure akong makikita ka sa araw na yon. Kaya kahit napakasungit ng ulan at kinailangan pang lumusong sa baha, carry lang! Suot pa ang bagong damit na binili sa Divisoria, with matching dangling earrings pa. Ikaw naman, naka-normal get-up na long sleeves black polo, nakatiklop hanggang sa may bandang siko. Oo nga pala. Iisa lang ba talaga ang kulay ng polo mo? Sang-ayon nga din naman ako, kasama ng karamihan ng tao na bagay nga talaga sa’yo ang black. Kaysa sa polo mong light yellow, parang kulay ng pinya, ayaw ko pa naman ng pinya. Although gusto ko sanang makita ka nang naka-blue. Maaliwalas at maamo. Ikaw, maaliwalas at maamo? Gusto kong makita kung sino ka na nun. ...

Happy Siomai

Bumalik na ako sa dorm. Umupo sa kama. Ako na lang ang nandito. Binuksan ang styro ng dapat sanang lunch pero naging merienda na sa hapon. Sa 3 taon kong pinantatawid gutom ang siomai rice, eto na ang pinakamasarap. Hindi dahil tipid. Hindi rin dahil P30 lang to at may pamasahe pa ako pauwi ng Paranaque. Hindi rin naman dahil crunchy pa ang tustadong balat. Unti-unti nang nanigas ang mantika ng 4 na pirasong fried siomai. Pautal-utal na ang pagsubo ko sa lumalamig na pagkain dahil sa malaking ngiting hindi ko matuwid. Sa kabila ng aking pagpasok kahit wala naman talaga akong klase. Sa kabila ng pagkabog ng aking dibdib at pilit na pag-alala ng bagong ligo+masculine perfume na amoy mo(kahit na walang memory ang olfactory nerves). At sa kabila ng kanin na lasang NFA at nalulunod pa sa toyo. Nakangiti pa rin ako. Dahil nabati kita ng Happy Birthday. 7/7/12

Tulog

Inaantok, kinakatok. Nang mga elemento sa mapayapang daigdig. Tinatawag, pinipilt. Isara ang mga mata at sumama sandali. Atras, sulong. Aking katawan makipag-kooperasyon. Sa pagpatay ng ilaw, pitong minuto na lang ang aking iniintay. Sa pitong minuto, mamamatay ang mundo ko at magsisikat ng panibago.

Goldfish – makinang na katawan

Goldfish, goldfish. Gusto ko ng goldfish. Dati pa. Sa paaralan ko nung elementary, nagkakaroon ng taun-taong katarantaduhan na ‘bring your pet day’. Grade 2 ako noon nang may nagdala ng 2 goldfish, nasa matigas na plastic container ng imported na pagkain. At dahil sa tuwa niya na ang daming natuwa, ang ginawa nila, isa-isa nilang nilulublob ang kanilang mga kamay sa kumikislap na tubig. Saka ididkit ng marahan ang kanilang palad at pipisain ang goldfish ng dahan-dahan. Noong una naiinggit ako, dahil walang natuwa sa dala kong ibon. Love bird ito, sabi pa ng tatay ko, ito daw ang dalhin ko. May sakit ang ibon, alam niya at alam ko din na mamatay na ito, pareho kaming patay malisya. Sabi niya na lang, “Dalhin mo, baka gumaling kasi ible-bless ni father” tango naman ako. Hala sige, dala. Ang tagal ko na kasing pinangarap na magdala ng kakatuwang alaga. Nakatitig lang ako sa ginagawa nila, pasalin-salin, lublob dito, lublob doon sa malabo nang tubig. Hindi makatarungan. Kung ak...

21

Hindi ko na kayang makinig, kung paano ka magsalita na parang wala tayong relasyon. Panay ang pakikipag-usap mo sa iba habang dinadaanan mo lang ako ng iyong mga mata, walang rekognisyon, walang pakiramdam, walang pagpapahalaga. Nanliliit ako sa harap mo, dahil isa lang ako sa kanila. Habang ikaw, tinitingala, rinerespeto at wala akong iba pang pwedeng gawin kundi sundin at makisama sa senaryong ito. Kagabi, ang unang pagpapakilala at pag-amin natin sa mga magulang ko. Alam natin pareho na dito magsisimula ang mga paghihirap natin at pagtutol nila. Nakita mo ang lungkot sa aking mga mata, habang tayo ay naglalakad, pinapalibutan ng mga taong nagtataglay ng pagtataka at pangungutya saan man tayo magpunta. Kaya’t hinawakan mo ang aking mga kamay, “Mahal mo ba ako?” ang marahan mong tanong. Walang pagpipilit, hindi rin naman naninigurado para lang isang batang walang muwang na nagtatanong. “Oo naman” ani ko. “Kahit mas matanda ako sa’yo?” nakakalungkot ...