PDA = Public Display of Affliction, Adversity or Attack

         Is it just me or masarap talagang panuorin ang mga mag-syota na nag-aaway in public?

Parang nakakatuwang lumapit sa kanila, at mahinang sabihin ang mga katagang "uiiiii, may issuuuueeeeee". Kadalasan, gusto ko na lang umupo sa isang tabi at manuod, kasama pa ang extra large buttered popcorn at ga-litro ng softdrinks.

Heto ang real life drama. Walang take-two, walang script, at lalong walang nakakaalam ng ending. Action, suspense o minsa'y horror! Siguro maganda kung gagawa ng reality show base dito. May hidden cameras na nakatago sa poste, paso ng halaman, pwede rin sa basket ng mambabalot, depende sa senaryo. Dapat 3-cam set up: CAM 1= Close Up sa lalaki, CAM 2 = Close Up sa babae at CAM 3 = Wide Shot. Kinakailangang super HD, para kitang-kita ang raw emotions ng mga couples (or soon to be ex-couples). Tapos every week may special edition, nag-aaway na mga artista o pulitiko! Mauungkat ang rason ng mga pag-aaway, sino kaya ang batang kabit ni Mayor? Paano magalit sa syota na pangit na nga, nangaliwa pa? Sino ang superstar hunk, na hunk din pala ang gusto? Parang blind item, but with real evidence and action!  Wow, baka ma-hooked pa ang buong Pilipinas dito.

Syempre, hindi lang sa entertainment community papatok ang show na ito. Para sa mga psychologists at researchers, hindi na silang mahihirapan pang mangalap ng data. Talakayan, pagsusuri at kinalabasan ng pag-aaral na lang ang gagawin nila. Finally! We can understand the human mind, when it is in love (or falling out of love). Lagyan pa natin ng behind-the-scenes, ayan, MYSTERY SOLVED!

Kaya kung sakaling maging scriptwriter man ako ng telenobela, sisiguraduhin kong tumabi sa mga tulad nila around the metro.  Feeling ko kasi umuulan ng heartbreaking quotable quotes. Wait scratch that, I mean bumabagyo.

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay