Ctrl+S: ex


Pinapatanda siya ng alanganing daster, alanganing lingerie na suot, pagod ngunit malumanay ang mga mata. Nakatiklop ang mga braso sa baba ng kanyang dibdib, walang bra, siya’y dumungaw sa akin.

“Hindi ka pa ba matutulog? “

            “Tatapusin ko lang to.” bumalik na ulit ang tingin ko sa monitor.

Yun ang iba sa kanya, ang pag-unawang gumuhit sa kanyang labi. Nakatali ang buhok na ginulo ng pumalit sa akin, na dapat niyang kayakap sa kwarto.

“Unan na naman ang kasama ko.”  hinihimas ng kanan niyang kamay ang kaliwang suso.

Mahirap hindi magpadala sa ganitong nagpapaawa at nang-aakit na boses. At mas mahirap di matukso sa malikot at malambot niyang mga kamay. Alam ko.

“Pag-gising mo ulit, katabi mo na ako”, pangako ko.

Ngumiti siya, tuloy ang tagaktak ko sa keyboard.

Tumalikod na siya mula sa akin, halata ang ambok ng pwet at naglakad pabalik sa kama. Iniwang bukas ang pinto. Kahit nung mga teenager pa kami, ayaw talagang nag-iisa, syempre lagi kong sinasamahan pag kaya. Pero nang ipanganak si Coby, naging mahirap na.

Isang paragraph na lang, buti aabot sa deadline ko. Piniga ang utak, nagsayaw na ang bulaklaking salita sa balitang sinusulat ko. May narinig akong tahimik na nahulog malapit sa bahagyang bukas na pinto. Tumayo ako sa aking kinauupuan, baka nahulog lang ang mga scratch paper ko.

Tumambad sa akin ang magandang surpresa sa dis-oras ng umaga. Panty. Pula.

Namulat ang inaantok kong pagkatao. Mabilis na nag-formulate ng closing sentence. Ctrll+S. Attach file sa email, pinadala sa editor. Bahala na. Nagkarerahan sa pinindot ang “x” sa  lahat ng nakabukas na application, turn off ng laptop.

Kanina pa malamig ang matapang kong kape pero nagsisimula nang mag-init ang katawan ko. Eto talagang si Grace, mabilis galitin ang sundalo ko. Kahit madaling-araw nagpapagana.

Walang –wala ang misis ko.

Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay