Posts

Showing posts with the label maikling kwento

Beer at Sinulid

“Ricky” Sunod-sunod ang tapik sa akin ni Jane. Sabado naman ah, bakit niya ako ginigising? “Ricky, ikaw ba yung nagpasok ng lahat ng sinulid ko? " “Oo” “Ano na naman bang pumasok sa isip mo?” _________________________________________________________________ Kagabi , pagkauwi ko ng bahay, naabutan ko na naman si Jane na nanahi. May alas-onse na, madaling araw na naman siya matutulog, sa makalawa na kasi ang delivery niya ng sampung kurtina. Noong isang buwan niya pa’to ginagawa, kung hindi lang sana napaka-arte ni Dona Clara at  gustong burdahan pa ng Japanese sequins at beads ang telang gawa sa Korean silk. “Naghanda ka pa, kumain na ako. Mamaya ka pa matatapos?” Nanatiling nakakunot ang kanyang noo.  “Jane?” Binitawan niya ang karayom at inabot ang Manila beer na nakatago sa likod ng mala-bundok na kurtina. Humagikhik ito, parang tawa ng bata. Tawa ng isang sira-ulong murderer na papatayin ang isang laruang manika. Nilapitan ko siy...

Resibo

Ang tanging maitatago ko lang ay isang pirasong resibo na may sulat-kamay mo at pirma ng iyong amo. Natatandaan ko pa ang iyong mga matang puno ng interes, ang kala’y masungit na itsura pero sa harap ko’y palangiti. Ang hindi kagwapuhang mukha, na nababawi ng iyong matipunong tindig. Namatay na nga pala ang alaga kong goldfish.  Wala na akong rason para bumalik. ________________________________________________________________ Binalot ng init ang ating mga katawan. Hindi nakatulong ang pag-alburoto ng kulob na lugar sa palubog na araw. Basa na ang manipis kong panyo. Kulang sa biyaya ng aircon ang sunod-sunod na pasilyo at tabi-tabing tindahan.  Hindi ko naintindihan ang sinabi mo. Mailap ang mga kilos mo, mailap naman ang mga mata ko. Hindi ako makatingin, hindi ka naman makadikit. Walang magalawan, kaya wala rin tayong nagawa kundi tumuon sa isa’t-isa. Pang-apat na beses ko nang pinaulit ang sinasabi mo, kaya natawa na lang ako. Tumawa  ka rin. T...

Sigurado?

“Mahal mo si Annie?” “Oho.” “Mario, alam naming responsable ka. Pero kung hindi buo ang isip mo, hindi ka namin pipilitin.” “Kung hindi naman ho, wala ho ako dito ngayon.” “Sigurado ka bang talaga?” pang-uusisa ni Mang/Tatay Jun. Paano ko ito sasagutin? Dahil para sa akin, walang bagay sa mundo ang sigurado.  Kahit nga ang Safe Guard, Head and Shoulders, Biogesic o alcohol hanggang 99.9% lang ang napapangako. Walang taong sigurado. Maski ako. Kahit dalawang linggo na lang ay magaabang na akong nakatayo sa harap ng altar.  At sa apat na buwan, may bagong dadagdag na buhay  sa aking murang edad. Sa isip-isip ko, ang matinding katunggali ng kasiguraduhan ay pagbabago. Mortal na magka-away na pinag-aaway ang mga mortal sa mundo. Kaya nagkakaletse-letse ang buhay dahil sa mga umaasang ‘siguradong walang pagbabago’. Ang pag-ibig, pangarap at kinabukasan, walang kasiguraduhan.  Ang pag-ako ng responsibilidad, yan ang sigurado. Sigura...

Bata ka pa

Palaruan ko tong Plaza Dilaw, kahit maliit lang may mga halaman. At may iba’t-ibang kulay pa ang pintura ng mga upuan dito, tapos sa gabi. Wow! Yung mga poste ng ilaw, parang pinaghalong mga candy na nakatusok sa stik! Tapos sa harap ng plaza, may malaking building! Ang ganda talaga kahit luma na, dati nag-uusap kami ng mga kalaro kong sina Tony at Boboy, pag dumilim tatakas kami dun sa nagbabantay na gwardiya. Tapos papasukin naming ang lumang building, baka may mu-mu, mga namatay nung gera! Nung nakaraang buwan pa yung plano, pero ayaw talaga nung dalawa. Mga duwag. Sabi ng nanay nila masama daw yun, ang sabi ko naman “Ba’t niyo kasi sinabi sa nanay niyo?!”. Pero kapag wala pang tao masyado, sumasama na lang ako sa kanila. Iba-ibang raket kasi ang ginagawa nung magkapatid na yun! Minsan nagpupunas kami salamin ng mga mamahaling kotse, daanan ng kotse ang katabing kalsada. Ang lapad ng kalsada, kaya pag naka-red yung stoplight, takbo kami agad kasama ng bote ng tubig at basahan!...

Ctrl+S: ex

Pinapatanda siya ng alanganing daster, alanganing lingerie na suot, pagod ngunit malumanay ang mga mata. Nakatiklop ang mga braso sa baba ng kanyang dibdib, walang bra, siya’y dumungaw sa akin. “Hindi ka pa ba matutulog? “             “Tatapusin ko lang to.” bumalik na ulit ang tingin ko sa monitor. Yun ang iba sa kanya, ang pag-unawang gumuhit sa kanyang labi. Nakatali ang buhok na ginulo ng pumalit sa akin, na dapat niyang kayakap sa kwarto. “Unan na naman ang kasama ko.”  hinihimas ng kanan niyang kamay ang kaliwang suso. Mahirap hindi magpadala sa ganitong nagpapaawa at nang-aakit na boses. At mas mahirap di matukso sa malikot at malambot niyang mga kamay. Alam ko. “Pag-gising mo ulit, katabi mo na ako”, pangako ko. Ngumiti siya, tuloy ang tagaktak ko sa keyboard. Tumalikod na siya mula sa akin, halata ang ambok ng pwet at naglakad pabalik sa kama. Iniwang bukas ang pinto. Kahit nung mga te...

21

Hindi ko na kayang makinig, kung paano ka magsalita na parang wala tayong relasyon. Panay ang pakikipag-usap mo sa iba habang dinadaanan mo lang ako ng iyong mga mata, walang rekognisyon, walang pakiramdam, walang pagpapahalaga. Nanliliit ako sa harap mo, dahil isa lang ako sa kanila. Habang ikaw, tinitingala, rinerespeto at wala akong iba pang pwedeng gawin kundi sundin at makisama sa senaryong ito. Kagabi, ang unang pagpapakilala at pag-amin natin sa mga magulang ko. Alam natin pareho na dito magsisimula ang mga paghihirap natin at pagtutol nila. Nakita mo ang lungkot sa aking mga mata, habang tayo ay naglalakad, pinapalibutan ng mga taong nagtataglay ng pagtataka at pangungutya saan man tayo magpunta. Kaya’t hinawakan mo ang aking mga kamay, “Mahal mo ba ako?” ang marahan mong tanong. Walang pagpipilit, hindi rin naman naninigurado para lang isang batang walang muwang na nagtatanong. “Oo naman” ani ko. “Kahit mas matanda ako sa’yo?” nakakalungkot ...