Hawak sa Pisngi
Matapos ang mga pagkikita, pagkikitang karamihan ay aking sinadya. Ngayon, nagbabantang maglaho ang kasiguraduhan, kaya ang iyong tinig at mga mata wala akong ibang magawa kundi tandaan.
Ang iyong tingin na parang isang malambot na unan, kamang masarap higaan sa pagtatapos ng sinubok na araw. Pinapantayan ng tinig mong katulad ng marshmallow, natutunaw sa init ng matapang na kape. Kapeng gumigising sa aking kalamnan.
Hindi ko mapipigilan. Dahan-dahang kong ilalapat ang aking kanang kamay sa kaliwa mong pisngi. At habang naghahalo ang strawberry lotion ko sa iyong shower scent na pabango, maglalakbay ang pinipilit maging malambot na mga daliri sa iyong balbas ng edad at talino.
Isasara ko ang aking pagod na mga mata sa malumanay na senaryo. Kakalimutan lahat ng mga nangmamata ng ilang segundo.
At sa muling pagmulat, sana'y tunay na makapiling. Kung saan walang mang-aagaw para ako ang tanging pipiliin.

Comments
Post a Comment