PDA = Public Display of Affliction, Adversity or Attack
Is it just me or masarap talagang panuorin ang mga mag-syota na nag-aaway in public? Parang nakakatuwang lumapit sa kanila, at mahinang sabihin ang mga katagang "uiiiii, may issuuuueeeeee". Kadalasan, gusto ko na lang umupo sa isang tabi at manuod, kasama pa ang extra large buttered popcorn at ga-litro ng softdrinks. Heto ang real life drama. Walang take-two, walang script, at lalong walang nakakaalam ng ending. Action, suspense o minsa'y horror! Siguro maganda kung gagawa ng reality show base dito. May hidden cameras na nakatago sa poste, paso ng halaman, pwede rin sa basket ng mambabalot, depende sa senaryo. Dapat 3-cam set up: CAM 1= Close Up sa lalaki, CAM 2 = Close Up sa babae at CAM 3 = Wide Shot. Kinakailangang super HD, para kitang-kita ang raw emotions ng mga couples (or soon to be ex-couples). Tapos every week may special edition, nag-aaway na mga artista o pulitiko! Mauungkat ang rason ng mga pag-aaway, sino kaya ang batang kabit ni...