Happy Siomai
Bumalik na ako sa dorm. Umupo sa kama. Ako na lang ang nandito. Binuksan ang styro ng dapat sanang lunch pero naging merienda na sa hapon.
Sa 3 taon kong pinantatawid gutom ang siomai rice, eto na ang pinakamasarap.
Hindi dahil tipid. Hindi rin dahil P30 lang to at may pamasahe pa ako pauwi ng Paranaque.
Hindi rin naman dahil crunchy pa ang tustadong balat.
Unti-unti nang nanigas ang mantika ng 4 na pirasong fried siomai.
Pautal-utal na ang pagsubo ko sa lumalamig na pagkain dahil sa malaking ngiting hindi ko matuwid.
Sa kabila ng aking pagpasok kahit wala naman talaga akong klase.
Sa kabila ng pagkabog ng aking dibdib at pilit na pag-alala ng bagong ligo+masculine perfume na amoy mo(kahit na walang memory ang olfactory nerves).
At sa kabila ng kanin na lasang NFA at nalulunod pa sa toyo.
Nakangiti pa rin ako.
Dahil nabati kita ng Happy Birthday.
7/7/12
Comments
Post a Comment