Flirting 101 o Flirting 911? (Lalandi ka pa ba?)
“Girl!!!“, biglang chinat ko ang
close friend ko.
“Omgeeeee. Tignan mo to! Nilalandi
niya ba ako? Or naglalandian kami? Baka
paranoid lang ako? Sabihin
mo na sa akin kung friendly lang ah!” sabay copy+paste ng conversation sa chat
box.
Eto ang reply ng kaibigan ko. “Landiiiii”.
Uh-oh. Oops. Confirmed. Nanlaki ang
mata ko. Tumigil at nanatiling nakalapat ang mga daliri ko sa keyboard. Biglang
nag red-alert ang utak ko. “Hala! Pano
na? Ano na ang ire-reply ko? Makiki-ride na ba ako? Do I make landi back? Or deadma?
Ahhhhhhhhhhh!”
Bakit nga ba nakakatakot
makipag-flirt? Sa mga hindi masyadong malakas ang loob at in doubt sa kanilang
seducing powers, bakit mas madaling isa-isahin ang mga pangalan ng mga pulitikong
nakikipaglandian sa kaban ng bayan? Sa mga hindi pro, mga first-timers at pati
sa introvert, bakit mas gusto ko pang suminghot ng polusyon sa mga humaharurot
na jip at bus sa Maynila? Ewan ko ba, pero katulad ng iba, ako rin natataranta.
Kaya naman naghanda ako ng points
kung bakit scary ang flirting - WORST
CASE SCENARIOS.
Unang-una, katakot-takot na tsismis
ang maaring kumalat. Mga tsismis na nagsisismula sa “Omaygash, alam mo ba? This
is so juicy! Si ganito inaano si ganyan..” . Nako mas mabilis atang umarangkada
ito kaysa sa jet plane. Syempre, paano
kung di pala trust-worthy ang ka-landian mo? Minsan lang na nagkainisan or
hindi nagkamabutihan eh kung anu-ano na ang sinabi niya tungkol sa’yo. Pano na
lang ang ibang prospect mo? Mamaya ma- turn off na dahil sa mga kababalaghan
(at di naman pala totoo, bitter lang ang ex-kalandian mo) na narinig nila. Ang
masaklap pa, kadalasan may iba’t-ibang version ang tsismis. Malamang ang mga version
na yun ay pa-grabe-han pa. The bigger, juicer, wider, deeper, louder, the
better! Uhh, the tsismis that is. (no ‘double meanings’ intended)
Pangalawa, minsan ang dapat na
two-way communication ay nagiging one-way. Parang kalye lang rin yan, akala mo
salubungan. Yun pala one-way ang napasukan mong eskinita. Hala, ariba ka ng
ariba! Natayuan na kasi ng mga informal settlers ang kabilang kalye ng mga
bahay na gulanit. Eto yung feeling na nakakainis, akala mo okay na. Nag-click
na kayo! Sa loob-loob mo, onting push na lang, everything is going well. Sabi
mo pa sa mga close friends mo, (pero sa totoo ay tini-tweet mo na to) “Kami na!
Malapit na!”. Araw-gabi kang nakikining sa radyo, namimili na ng inyong couple
song at pinagtatawanan ang ibang callers ni Papa Jack, dahil buti ka pa success
story na! Handang-handa ka na rin palitan ng ‘in a relationship’ ang Facebook
status mo. Ang saya mo na talaga, finally may love-life ka na, hallelujah!
Tapos biglang *poof*. ANYARE? Ha? Di
mo alam? Well, mas lalong di ko alam! Basta akala mo yun na, di naman pala. Clue:
Baka naman mayroon ka palang ka-kompetensiya at ang bruhang sugo ng kalandian
ay gumamit na ng gayuma. Sorry girl, nag-expect ka pa.
Lastly, threesome or worse gang bang.
(applicable for virtual flirtations e.g.
text and/or chat. Basta yung hindi kayo magkaharap or nagkikita)
Unahin natin ang threesome, let’s say
natutunaw ka na sa uber-kilig lines niya, pumi-pick up lines pa! Mayroon din pamatay
na one liner, parang galing lang sa pelikula. This is it. Sige, edi gagantihan
mo rin ng mga ultra-flirtatious words, pa-cute and sweet pa ang tone at syempre
di mo nakalimutang magpaulan ng smiley at heart emoticons. Para sa gabing ito
(or sige extended version) at sa mga susunod pang gabi ay matutulog ka ng
naka-smile. Naka-smile habang nagsusuklay, bigla biglang kinikilig na parang
epileptic. Pero isang araw, magigising ka din sa kahibangan mo dahil unti-unti
mong mapapansin, dalawang indibidwal na ang ngumingiti sa’yo. Hindi lang ang
‘someone’ mo, maari din namang pati ang kaibigan niya, ang laging kadikit
na kaibigan. Eh isa lang kamo ang katext/kachat mo? Kala mo lang yun. Kaya pala yung mga sinasabi mo sa ‘someone’ mo,
alam din nung kaibigan niya walang bawas walang kulang. Akala mo, baka shinare
niya lang. Medyo huli mo na nang matunugan, na si ‘kaibigan’ witness pala sa
lahat, or worse participant din ng lovely discussions niyo. Creepy much?
Para naman sa Gang Bang, yung isang
text mo, todo tipid! Parang ‘GM’ (group message) sa buong tropa. Depende ang
bilis ng reply sa laki ng grupo. Pag more than 10, pasenya sa paghihintay.
Syemre pinapasa-pasa pa yung cellphone at saka mag-iisip ang 10 o higit pang katao
para sa 1 reply sa’yo. Pwedeng mauna pang humapo ang hanggang bewang na baha sa
maduming estero, matapos ang sangkaterbang komersyal sa teleserye pag gabi.
Dito nae-exercise ang kasabihan na “more heads are better than one”.
Isipin mo na lang may kausap na
Lernaean Hydra (yung serpent/dragon-like monster na bumubuga ng apoy sa Greek mythology at
kapag pinutol mo ang isang ulo, 2 ulo pa ang tutubo muli). Paano mo naman malalaman kung Hydra na pala ang ka-flirtan mo? Malamang
may front ang grupo, siya ang alam mong kausap mo, pero pag nagkita kayo sa
personal magdalawang-isip ka na kung buong barkada niya ang nanunukso ng
sabay-sabay. Well, malay nga naman natin baka sadyang tinutukso lang talaga
nila kayo. Kaya eto, pag more than one sa kanila ang nagbanggit o nagbitiw ng
mga linya mula sa virtual conversations niyo, patay na. Tipong, naghihiritan
na sila ng mga akala mong personal landi words niyo tas sabay tatawa. Nako,
girl. Katulad ng pagpatay sa Hydra, dapat hindi pinuputol ang ulo, stab the
heart, friend! The heart! Puntiryahin mo yung dummy nila, gilingin mo at para
mamatay na rin ang mga iba pang ulo.
Minsan malinis na katuwaan, pero
meron din na pustahan. Basta, ingat lang, Swerte ka na lang kung may nagkagusto
nga talaga sa’yo at tinuloy ang paglalandi niya. Yun nga lang, ilan na ang
naka-witness ng history niyong dalawa. Ang dami na. Awkward.
Special situation: Feelingero/ feelingera/assumingero/assumingera
Okay, ganito ang scenario, hindi ka
nag-aatempt na manlandi in any way. Period.
Eto yung mga panahon na may kailangan
ka lang talaga. Kakausapin mo siya 'out of nowhere', pasmile-smile, with
matching greeting pa. Kahit i-kiss mo pa siya sa cheek at bigyan ng free hug,
i-libre ng milk tea o kahit pa masahihin mo siya. Susuyu-suyuin mo, lalambingin
at magpapa-cute.
Basta sagutan niya lang yung survey
na to para sa thesis mo o turuan ka lang niya ng statistics/ calculus. Pwede
rin magmakaawa ka na nang nakaluhod, pahiramin ka lang talaga ng scientific
calculator dahil may exam ka mamayang hapon. In short, desperado ka na talaga.
Kapag chinat, gusto na agad? Di’ba
pwdeng magpapa-like lang ng page o picture? Tinabihan mo sa classroom,
pinopormahan na agad? Di’ba pwedeng manghihingi lang ng pagkain o mangongopya? Masyado
kasing mataas ang excitement ng iba, tsumitsismis na agad ng “kung
maka-dikit nga sa akin eh”. Eto ang mga masarap sigawan ng “Ewwww, hindi kaya
kita type! Kaphhhhhaaaaaaal.”
Naghihintay na ng reply ang ka-chat
ko. Sasagutin ko ba?
Fine, sige. Bahala na.
Fine, sige. Bahala na.
Ipagdadasal ko na lang na iba ang
senaryo namin, na iba ang daang tatahakin, wag din sana sa one-way na eskinita
o sa Edsa at lalong-lalo wag sana sa rotonda.
Comments
Post a Comment