Posts

Showing posts with the label happy birthday

Worst Birthday Ever

Image
Gustong-gusto ng nanay ko na mag-aya at subukan ang mga bagong bukas na kainan/restaurant dito sa may amin. Tuwing nakasakay kami sa kotse, automatic kakalabitin niya ang tatay ko, kapag may nadaraanan kami. At madalas, tinatapat na namin ang pagkain sa labas tuwing birthdays, mother’s day, father’s day, graduation at kung anu-ano pang holiday. 5 years old ako nang lumipat ang pamilya namin dito sa Paranaque. Humiwalay na kami sa bahay ng lola ko sa V. Mapa, Caloocan. Residential area itong Better Living, ang subdivision namin ay nasa loob ng subdivision na nasa loob pa ng isang subdivision. Kabi-kabila ang mga security house, lahat ng bahay may gate, may kotse, tricycle lang ang tanging public transportation sa loob, sementado ang daan, alaga ang mga kung anu-anong klase ng damo at tahimik, sa hapon lang lumalabas ang mga ka-edad kong mga bata. Kadalasan 4-6 pm lang ang laro. Nakakapanibago. Lalo na kung ikukumpera sa V. Mapa, walang subdi-subdivision, paano isang bloke lang ka...

28 days

Utang na loob! 28 days na kitang hindi nakikita. Hindi ko na kailangan ng scientific calculator o table ng degrees of freedom (na dapat ay inaaral ko ngayon) para malaman na 2 araw na lang ay mag-iisang buwan na kitang di nasisilayan. Naalala ko pa, birthday ko nang huli tayong nagkaharap. Feeling ko, moment of truth. Sure akong makikita ka sa araw na yon. Kaya kahit napakasungit ng ulan at kinailangan pang lumusong sa baha, carry lang! Suot pa ang bagong damit na binili sa Divisoria, with matching dangling earrings pa. Ikaw naman, naka-normal get-up na long sleeves black polo, nakatiklop hanggang sa may bandang siko. Oo nga pala. Iisa lang ba talaga ang kulay ng polo mo? Sang-ayon nga din naman ako, kasama ng karamihan ng tao na bagay nga talaga sa’yo ang black. Kaysa sa polo mong light yellow, parang kulay ng pinya, ayaw ko pa naman ng pinya. Although gusto ko sanang makita ka nang naka-blue. Maaliwalas at maamo. Ikaw, maaliwalas at maamo? Gusto kong makita kung sino ka na nun. ...

Happy Siomai

Bumalik na ako sa dorm. Umupo sa kama. Ako na lang ang nandito. Binuksan ang styro ng dapat sanang lunch pero naging merienda na sa hapon. Sa 3 taon kong pinantatawid gutom ang siomai rice, eto na ang pinakamasarap. Hindi dahil tipid. Hindi rin dahil P30 lang to at may pamasahe pa ako pauwi ng Paranaque. Hindi rin naman dahil crunchy pa ang tustadong balat. Unti-unti nang nanigas ang mantika ng 4 na pirasong fried siomai. Pautal-utal na ang pagsubo ko sa lumalamig na pagkain dahil sa malaking ngiting hindi ko matuwid. Sa kabila ng aking pagpasok kahit wala naman talaga akong klase. Sa kabila ng pagkabog ng aking dibdib at pilit na pag-alala ng bagong ligo+masculine perfume na amoy mo(kahit na walang memory ang olfactory nerves). At sa kabila ng kanin na lasang NFA at nalulunod pa sa toyo. Nakangiti pa rin ako. Dahil nabati kita ng Happy Birthday. 7/7/12