Posts

Si Jonas, my love

Image
Para sa bagong baby ko, si Jonas. Elementary pa ata ako nang huli kaming magkaroon ng isda, kaya matagal-tagal ko rin pinag-isipan ‘to.  Last, last week, biglang nag-text ako sa tatay ko. “Dad, I want a fish”, pumayag naman siya. At dahil ako ang runner niya sa Cartimar (sikat dahil sa hile-hilera ng murang bentahan ng pet stores) para bumili ng pet paraphernalia ng mga aso namin, isabay ko na raw ito.  Mahal naman ang aquarium at oxygen para sa gold fish, isa pa wala kaming paglalagyan sa bahay kaya fighting fish na lang daw. Kakabili ko lang kay Jonas kanina sa halagang 75 pesos. Hindi katulad ng ibang fighting fish na 25 pesos lang.  Crown tail fighting fish, mas maganda ang fins, mukhang pinadaan sa paper shredder. Mas makulay rin ang breed na ito, mukhang metallic ang naghahalo na dalawa o tatlong kulay.   Si Jonas ang napili ko, mula sa isang dosenang isda na tila nasa preso sa loob ng masikip na plastic cup. Marami namang kakulay si Jonas. Kulay b...

Mahirap pala

Image
Noong bata pa ako, akala ko taglay ng dugo at kalooban ang pagsusulat. Para siyang mens na kusang lalabas kada buwan, parang bata na basta iniluwal sa mundo.  Parang gifted child ng Promil, ‘yun tipong you’re born with it at kaunting enhancement na lang ng pag-inom ng twice a day ng gatas. Hindi pala. Nagulat ako rati nang sabihin ng mga writers sa lahat ng writing seminar na napuntahan ko, na naaral daw ang pagsusulat. Kinakailangan ng practice para ma-polish. Magbasa ng sandamakmak na libro sa library para may reference. Sa mga diary/journal ko pa naman noong high school, may mga nakasulat na “I want to write” at “I’ll write someday”. Kaya hindi ako nagsusulat ng storya o kahit ano maliban sa diary ko. Sabi ko, it will come. Magiging ready ako sa pagsusulat. Kaya maghihintay akong matupad ang pangarap ko. I will wait. Para akong prinsesa na naghihintay sa Prince Charming niyang nakasakay sa maputi at mabangong kabayo. Magigising lang ako isang umaga na bumabaha n...

Hili

Nakayuko na naman siya sa harap ng gate. Ilang gabi nang ganito. Pero kailangan niyang tiisin ang bunganga ng babaeng nakapamewang sa harap niya. “Oh anong oras na? maga-alas-diyes na ah! Kung saan-saan ka pa kasi pumupunta. Ang tigas ng ulo mo. Alam mo namang kailangan kita, uunahin mo pa ang iba? Huwag ka nang gagala! Bukas ng gabi, sakto alas-nuwebe nandito ka na!” “Opo ma’am” ‘Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Sige, alis na! Pare-pareho kayong mga lalaki, hindi maasahan! Mga nang-iiwan, he!” Inabot na niya ang apat na balot sa loob ng plastic. “Ingatan niyo po ang beybi niyo!”, pahabol siyang sumigaw sa pagkalabog ng gate tsaka sumampa sa kakarag-karag na bike at nagsimulang pumadyak. 11/21/2012  8/19/2013

Agad, agad. As in, now na. Now or never.

Image
Minsan naiisip mo, bakit ka kaya ganito? Bakit ba kasi lahat ng laundry shop sa Dapitan, either 1 week bago makuha ang laundry, hindi malinis at nag-aamoy fabric softener lang o amoy kulob naman. Ayan, besides sa paglalaba ng panyo, panty at bra, minabuti mo nang ikaw ang maglaba ng school uniforms mo. Bumili ka pa nga ng plantsa bilang gift sa sarili noong 20 th birthday. Shampoo, safeguard, Surf Sun Fresh, Conditioner, Downy, Feminine Wash, Toothpaste. Magto-towel ng katawan, pipigain ang mga nalabhan. Magsusuklay ng basang buhok tapos magsasampay. Kaya lagi kang nala-late sa klase eh, at pumapasok ng basa pa ang buhok. Huwow! Pero sana paglalaba lang ang iniisip mo ngayon. Sana hindi mo iniisip ang 1.8 na GWA mo at hindi ka na napre-pressure maghabol ng lintik na .5 kung kailan 4 th year. Cum Laude kasi ang ate mo, at nursing pa ‘yun. Sana hindi ka na ginatungan ng tanong ng nanay mo “Aakyat ba kami sa stage?”. Sana hindi ka group leader sa isang major subject. Sana h...

Jaymes Young - Fragments

Image
"I wanna hear a damn sentence, out of your mouth"

Worst Birthday Ever

Image
Gustong-gusto ng nanay ko na mag-aya at subukan ang mga bagong bukas na kainan/restaurant dito sa may amin. Tuwing nakasakay kami sa kotse, automatic kakalabitin niya ang tatay ko, kapag may nadaraanan kami. At madalas, tinatapat na namin ang pagkain sa labas tuwing birthdays, mother’s day, father’s day, graduation at kung anu-ano pang holiday. 5 years old ako nang lumipat ang pamilya namin dito sa Paranaque. Humiwalay na kami sa bahay ng lola ko sa V. Mapa, Caloocan. Residential area itong Better Living, ang subdivision namin ay nasa loob ng subdivision na nasa loob pa ng isang subdivision. Kabi-kabila ang mga security house, lahat ng bahay may gate, may kotse, tricycle lang ang tanging public transportation sa loob, sementado ang daan, alaga ang mga kung anu-anong klase ng damo at tahimik, sa hapon lang lumalabas ang mga ka-edad kong mga bata. Kadalasan 4-6 pm lang ang laro. Nakakapanibago. Lalo na kung ikukumpera sa V. Mapa, walang subdi-subdivision, paano isang bloke lang ka...

Akuin Mo

Ngayong madaling araw, karamay ko ang natirang chocolate cake at tissue. Baka tumaba na naman ako. At puyat na nga, baka sipunin pa. Putang ina.           Sabi na eh. Bata pa lang ako, sakit ko na ‘to. O terminal disease. ‘Yun tipong aakuin mo ang trabahong di sa’yo. Dahil ayaw mong ma-tengga o pabayaan ang mga bagay. Parang ganito. Aakuin mo. Kahit wala ito sa schedule mo. Ipipilit na gawin kahit mas gusto mong matulog sa dis-oras ng gabi. Hindi ititigil kahit nahihirapan. ‘Pag hindi alam, patitiyagaan pag-aralan. Pare-pareho naman busy. Kung walang tumulong, sumalo, maki-ako kasama mo. Okay lang. Sanay ka naman. Bakit mo nga ba inako? Kasi hindi raw sila magaling dito. Ikaw rin naman hindi expert. Nakagawa ka na pero nangangapa pa. Magpapatulong ka sa mga kaibigan mo. Mahirap gumawa ng para sa ibang tao. Ano bang style nila? Kailangan hindi ‘yun sa’yo. Masyadong makulay. Maliwanag, masaya. Mahihirapan ka. Lalo na ‘yun background, makaka-il...