Si Jonas, my love
Para sa bagong baby ko, si Jonas.
Elementary pa
ata ako nang huli kaming magkaroon ng isda, kaya matagal-tagal ko rin pinag-isipan
‘to. Last, last week, biglang nag-text ako sa
tatay ko. “Dad, I want a fish”, pumayag naman siya. At dahil ako ang runner niya
sa Cartimar (sikat dahil sa hile-hilera ng murang bentahan ng pet stores) para
bumili ng pet paraphernalia ng mga aso namin, isabay ko na raw ito. Mahal naman ang aquarium at oxygen para sa gold fish, isa pa
wala kaming paglalagyan sa bahay kaya fighting fish na lang daw.
Kakabili ko lang
kay Jonas kanina sa halagang 75 pesos. Hindi katulad ng ibang fighting fish na
25 pesos lang. Crown tail fighting fish,
mas maganda ang fins, mukhang pinadaan sa paper shredder. Mas makulay rin ang
breed na ito, mukhang metallic ang naghahalo na dalawa o tatlong kulay.
Si Jonas ang
napili ko, mula sa isang dosenang isda na tila nasa preso sa loob ng masikip na
plastic cup. Marami namang kakulay si Jonas. Kulay blue, pero sa ibang anggulo,
nagiging turquoise. Pero siguro dahil siya ang pinaka-chill na isda sa mga
hinawakan kong plastic cup. Hindi nataranta katulad nung isang maliit (baka
epileptic) at hindi kasing tamlay, tulad nun isa (na nasa sahig na) kahit pa mas malaki ng kaunti.
“Kuya, eto po”,
tinuro ko siya. Kinuha ni kuya ang plastic cup, tsaka isinalin sa maliit na
plastic bag (‘yun pwedeng pang-yelo).
Naku, naalog na
agad siya!
At lalong naalog
si Jonas dahil isinakay ko siya sa pauwing jeep na may rutang Skyway. Ang bilis ng takbo ng jeep! Umulan pa naman
at madulas ang daan, hawak na ng dalawang kamay ko ang maliit na plastic pero
ramdam ko na tumatalon ang tubig. Feeling niya siguro, nasa gitna siya ng
tsunami. Napadasal tuloy ako na dapat hindi agad siyang mamatay, makaabot man
lang siya sa bahay!
Naging hot topic
si Jonas pag-uwi ko. Mula sa lola ko ang pansamantalang aquarium-jar niya, na
ngayo’y masaya niyang iniikot. Nilagyan ko pa ng mga naitagong sea shells mula sa
beach-outing, 2 years ago sa Cavite. Naalala naman ng nanay ko ang mga isda sa
kanyang Palawan-snorkelling adventure, na napunta pa sa kwentuhan ng Finding Nemo.
Pero ito
talagang tatay ko! Sabi ba naman, “ang pangit oh”. Paano, sa maliit na mukha ni
Jonas, kita na mas mahaba ang baba niya. Kulay blue man ang katawan, itim naman
ang mukha. Isa pa, ‘yun fins niya sa taas, hindi pantay-pantay, mas maiksi rin at
mas manipis. Mukhang nasugatan o baka natuklap o hindi tumubo o kung anong
nangyari na hindi nagpakita ng full potential ng beauty niya. Sabi pa ng tatay
ko “parang nakulangan siya ng shampoo at conditioner”. Napa-research tuloy ako
ng ibang photos ng ka-uri ni Jonas. Putek. Ang tataray ng fins nila! Kung bumuka, akala
mo pamaypay na rinebond, mukhang mga supermodel fish ang nasa internet at
simpleng isda lang si Jonas.
Kaya nagtalo
kami ng Ate ko, hindi raw bagay ang pangalan na ‘Jonas’, parang tao. ‘Brusko’ na lang
daw. Wow ah! Kung bulldog ‘tong alaga ko, pwede pa! Pero gusto ko talaga ng
Jonas eh. Dahil kung hindi, ang ibang name options ko (na naisip ko habang
nakasakay ng jeep) ay Puchu, Juju o Jiji. Yuhuuuuckk.
Ngayong
tinititigan ko si Jonas (mukhang inaantok na siya), habang nakapatong sa gitna
ng Lazy Susan naming kitchen table (lalo na kapag nagspe-space out na ako at
walang maisulat). Naisip ko, kaya pala siya ang napili ko. Wounded pero
fighter. Hindi man gwapo, pero super brusko.
Kaya, Jonas na
lang! Ang lakas kasi maka-macho ng pangalan!
![]() |
Lalong umibabaw ang ganda, thank you, flash ng camera |
PS. Jonas din kasi ang pangalan
ng isang karakter ko sa ine-edit na short story. HAHA.
Comments
Post a Comment