Mahirap pala

Noong bata pa ako, akala ko taglay ng dugo at kalooban ang pagsusulat. Para siyang mens na kusang lalabas kada buwan, parang bata na basta iniluwal sa mundo.  Parang gifted child ng Promil, ‘yun tipong you’re born with it at kaunting enhancement na lang ng pag-inom ng twice a day ng gatas.

Hindi pala.

Nagulat ako rati nang sabihin ng mga writers sa lahat ng writing seminar na napuntahan ko, na naaral daw ang pagsusulat. Kinakailangan ng practice para ma-polish. Magbasa ng sandamakmak na libro sa library para may reference.

Sa mga diary/journal ko pa naman noong high school, may mga nakasulat na “I want to write” at “I’ll write someday”. Kaya hindi ako nagsusulat ng storya o kahit ano maliban sa diary ko.

Sabi ko, it will come. Magiging ready ako sa pagsusulat. Kaya maghihintay akong matupad ang pangarap ko. I will wait. Para akong prinsesa na naghihintay sa Prince Charming niyang nakasakay sa maputi at mabangong kabayo. Magigising lang ako isang umaga na bumabaha ng salita at creative juices ang bawat papel na mahawakan ko.

Ay sus. Hindi ko alam  kung bakit ganun ako mag-isip.

Hindi ko rin alam na ang pasusulat ay pag-type, delete. Type. Delete.Type.Delete.Type.Delete. Type. Delete. Delete. Delete. Delete at pagtitig sa isang paragraph ng ilang oras.

                Pero mas mahirap palang mag-edit/mag-revise/mag-rewrite. Weird. Madali ‘to para sa iba, kasi alam na nila ang babaguhin ang i-improve.  
         
Hindi ko inaasahan na kumain ng isang Bread Pan at maka-dalawang kape dito sa kusina ng bahay namin para lamang magising kahit masarap matulog dahil patuloy na umuulan sa labas ngayong alas-tres ng madaling araw na inggit na inggit man ako sa mahimbing na pagkakahilata ng mga alagang shih tzu sa paanan ko dahil hindi ko mapin-point kung ano ang ipinaglalaban at ano ang bagong sinasabi ng storya ko. (hinga)

Sa ngayon, mas gusto kong tumayo sa masikip, de lata-like, rush hour na tren ng Philippine National Railway.  O kaya maglakad sa maduming tubig ng baha kasama ang mga floating ipis. O ang paluin ako sa pwet ng nanay ko gamit ang mainit na kawali.

Hindi ko alam kung ano ang sinulat ko sa diary ko noong high school. At malamang sa future, hindi ko rin alam kung anu-ano ang pinagsusulat ko ngayon. Ang mga alam ko lang, wala naman akong pingsisihan, nagsasawa na sa akin ang Microsoft Word at inaakit na ako ng malambot na kama. 



Comments

Popular posts from this blog

Iris and Will – Their Super Amazing Wedding!!!

Chippy at Pula

Anim na Sabado ng Beyblade at iba pang sanaysay