Hili
Nakayuko na naman siya sa harap
ng gate. Ilang gabi nang ganito. Pero kailangan niyang tiisin ang bunganga ng
babaeng nakapamewang sa harap niya.
“Oh anong oras
na? maga-alas-diyes na ah! Kung saan-saan ka pa kasi pumupunta. Ang tigas ng
ulo mo. Alam mo namang kailangan kita, uunahin mo pa ang iba? Huwag ka nang gagala!
Bukas ng gabi, sakto alas-nuwebe nandito ka na!”
“Opo ma’am”
‘Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Sige, alis na! Pare-pareho
kayong mga lalaki, hindi maasahan! Mga nang-iiwan, he!”
Inabot na niya
ang apat na balot sa loob ng plastic.
“Ingatan niyo po
ang beybi niyo!”, pahabol siyang sumigaw sa pagkalabog ng gate tsaka sumampa sa
kakarag-karag na bike at nagsimulang pumadyak.
11/21/2012
8/19/2013
Comments
Post a Comment