Four years. Apat na taon akong tumigil magsulat publicly. Maraming nangyari sa buhay ko sa apat na taon, iba na ang Gigi na nagsimula nang blog na ito, sa nagsusualat ngayon. Maraming dahilan din bakit ako tumigil magsulat, nagka-tatlong trabaho, gumawa ng dalawang online business, at di mabilang na heartaches ang naranasan ko. Madalas napaka-ikli nang panahon at kaunti lang ang pagkakataon para igugol ko ang oras na isulat ang mga ito. Kaya tumigil ako. Pero hindi ibig sabihin eh tumigil ako totally sa pagsusulat, sa mga panahong gusto ko magkwento, o mag-update, nariyan ang mga ever faithful journals at diary ko. Na-practice din ang aking pagsulat sa paggawa ng 'copies' at product descriptions sa bawat pinopost kong produkto sa mga Halina Jewelry social media at website. Hindi lang nga ako nakapagkwento para sa inyo, hehe, naging abala na ang mga kamay ko sa paggawa ng mga handmade accessories, bracelet at earrings. Nauubos naman ang pagiging madaldal ko sa pag-reply...
Comments
Post a Comment